Tuesday, February 7, 2017

Seniors' Valentine, Pebrero 2017

Tuloy ang pagpapadala ko ng kuwento sa Liwayway.

Akala ng marami, ngayon at may edad na ang isang tao, nangulubot na ang balat, lumabo na ang paningin, humina na ang pandinig, bumagal na sa pagkilos, nakakalimot na sa mga bagay-bagay, kasama sa nalilimutan ang romansa.

Hindi po! Ang katawang-lupa lamang ang nagiging biktima ng panahon. At ang pisikal na puso ay maaaring nababarahan ang ugat na dinadaluyan ng dugo o kinukulapulan ng kolesterol na nakuha sa mga namuong taba, ngunit ang damdamin, kailanman ay hindi nagbabago. Ito ay nananatiling bata.

Basahin ang kuwento na lumabas ngayong linggong ito at sulyapan ang usapan, hypothetical, ng isang grupo ng mga totoong seniors habang napag-uusapan nila ang kanilang valentine. At bago magalit sa akin ang mga seniors na ito, hindi po ganoon katanda ang kanilang hitsura. Mga beauty pa rin po sila :-)

   

Baul ng Souvenirs


Mapag-ipon ba kayo ng bagay-bagay na may sentimyento katambal? Balutan ng kendi na bigay ng isang lihim na crush. Serbilyeta sa restoran na may doodle ng inyong boyfriend na dalawang pusong tuhog ng isang palaso. Tiket sa sine ng unang pelikulang pinanood ninyong magkasintahan? Bulaklak na inipit sa makapal na libro. At samu't saring basura na kung tutuusin ngunit dahil sa matamis na gunitang nakaugnay rito ay hindi itinatapon.

Ang kuwento ko nitong Enero, ang "Baul ng Souvenirs" ay taliwas sa isinasaad ng awit na "Among My Souvenirs". Natatandaan pa ba ninyo ito? 
There's nothing left for me,Of days that used to be
They're just a memory among my souvenirs
Some letters sad and blue, A photograph or two
I see a rose from you among my souvenirs
A few more tokens rest within my treasure chest
And, though they do their best to give me consolation,
I count them all apart and, as the teardrops start,
I find a broken heart among my souvenirs.


May kaibahan dahil ang baul ng souvenirs ang bumuo ng isang mawawasak nang puso. Hanap na ng kopya sa mga nakabili. Sana, maaliw kayo.