Sunday, April 24, 2016

Ilan Pang Komentaryo sa Time Machine


I

Ilan Pang Komentaryo sa Time Machine.
 
May nag-email sa akin, isang kaibigang nasa abroad na nakabasa ng kwentong kalalathala sa Liwayway, ang "Time Machine sa SMS". Isang kaiskwela raw niya ang nakabasa rin nito at ngayon ay iniimbitahan siyang sumakay sa time machine. Ang tawa raw niya! Uyyy!
 
Na sinundan pa ng isang tinanggap niyang balita na isa pang kaiskwela ang nagrereklamo naman na bakit chocolate lang ang pasalubong sa kanya at walang pistachio at walnuts. Tuloy ipinakisabi niyang wala naman talaga siyang pasalubong na pistachio at walnuts. May nagbibigay sa kanya nito noon, a long time ago. Another time machine?
 
Kasunod pa nito ay isa pa ring kaibigan ang tinawag siyang "Irene" sa Facebook.  Irene ang pangalan ng bida sa kuwento. Ano ba 'yan, ang tangi niyang nasabi na sinundan ng sabing "Eve, magsulat ka pa. Marami kang pinaliligayang tao!"
 
Ay, salamat naman at nakapagpapaligaya ako...

Wednesday, April 13, 2016

Comments


COMMENTS SA MGA KUWENTO SA LIWAYWAY

Mabilis ang dating ng email ng mga nakabasa ng kuwento sa Liwayway. Narito ang ilan: 

From Canada:  Kanina, kausap ko si Feli. Tumawag sa akin at binabasa na raw niya yung mga kwento mo. Sabi ng sister Kong si Tess nakabili na raw sila ang Liwayway pati yung mga kaibigan niya. Matagal na palang fan mo siya. Ang galing mo daw😄😄😄👍👍👍💚

Excerps from an email:  Ayan, natapos ko na rin ang Sa Kabila ng Sapa. Ang ganda  xxx👍💜) lllll Kinilig nga ako sa ending.  -Nakakatuwa !

Alam mo ba na pagkagising ko, hindi ko na tinantanan na basahin yung mga ipinadala mo so heto, mukhang mauubusan na naman ako ng babasahin. Ni hindi pa nga ako kumakain ng almusal o tanghalian, 11:22 ng umaga dito. Nagising ako ng 9:05 sinimulan ko nang basahin mga kwento mo. I get addicted to your stories, the way you tell them, madaling maintindihan, malinis, simple at very entertaining. Nakakalimutan ko ang lungkot at pangungulila na minsang sumasagi sa aking pag-iisa.

Maraming salamat, xxxxxx

Muli, tuloy ang buhay, tuloy ang ligaya, move on to the next chapter of our lives. Laging may pag-asa and with God's help, nothing is impossible. I now claim that peace, joy, good health  abundance and love are with me.


Another email: 
Nabasa ko na yung Sanggano na sa wari ko (hawig sa) Kanto Boy sa (inyo).xxx.  Katatapos kong basahin ang Masayang Kwento, affected ako sa kinawakasan. Hindi lahat masaya. Sobra nga akong nalungkot sa ending. (Talagang ganyan ang buhay)

Natapos ko na ring basahin ang Time Machine. Ang masasabi ko lang, ipagpatuloy mo ang pagsusulat. Maraming tao ang ma-e-entertain mo. Iba ka talaga. At tama ka (heheh, gaan bangko). Matinik ka. Sobra! Saludo ako sa 'yo. Dami mong napapaligaya, naaaliw.
 

Tuesday, April 12, 2016

The Magic of Cell Phone


THE MAGIC OF CELL PHONE

Noong araw, lahat ay dinadaan sa pagsulat. Uso ang penpal. Kaibigan muna. Kumustahan. Kuwentuhan. Kalaunan na lamang ipahihiwatig ang niloloob. Kapag nagkita nang harapan, follow-up na lang.

Ang pamamaraang ito ay ginagawa lamang ng mga taong magaling humabi ng mga magagandang pangungusap at nang nag-aaral sa Grade One ay nakakakuha ng VG (very good) sa cursive writing. Kung parang kinalkal ng manok ang sulat-kamay mo, kalimutan mo na ang pakikipagsulatan.

Ito ay noong araw na mahiyain ang mga taong hindi makakayang magsabi ng niloloob nang harapan. Sumunod pa rito ang pakikipagkaibigan sa telepono, landline, o phone pal. Dadaan rin muna ito sa maraming tawagan at kwentuhan bago magkita.

Iba na ngayon sa cell phone. Sobrang bilis, eyeball agad.

Nabanggit ko lamang ang cell phone, o celfone kung aking isulat, dahil ito ay tampok sa kuwento kong lumabas ngayon, April 12. sa Lingguhang Liwayway. Ang pamagat ng kuwento ay TIME MACHINE SA SMS. 

 Bili na kayo. Naiiba ito.





Makaka-relate kayo.