Sunday, June 21, 2015

Thoughts About Fathers: The View from Three Generations


To describe my Papa, you can't use a sentence. You can't use a paragraph. You can't even use a book, or a series of books! You need a dictionary, starting with A for Amazing and ending with Z for Zealous. My mama told me to write this for Father's Day and to “Please make it complimentary!” I'll try to oblige. Here goes nothing--


When I asked Papa what he wanted for Father's Day, he said, “A tie!” Did I mention that our family specializes in cliches? I gave up and decided to write this with my sister. To begin with, my Papa does everything. I mean EVERYTHING. He drives us to swim, to swim meets, to ballet, to 5K races, drives us mad, earns the money, earns the money for allowance, earns the money that we use for clothes, shoes, makeup, more shoes, more clothes, trips to Starbucks, trips to Swiss Bakery, trips to Harris Teeter...ad infinitum. As I said before, our Papa really does everything! Including telling us cliches, corny jokes, loud stories, work experiences, more jokes, just plain laughing at something or anything, Star wars references, and how my teenage years are funny. Which I might consider funny myself ten or fifteen years from now.



So far I've given lots of examples of what our Papa does, but what is it like when he actually does them? (For all you sensitive people out there, you might want to skip this part.) It's a mix of an ordinary, upright, Roman Catholic home, that scene from Macbeth where said Macbeth sees a dagger before him, the Simpsons, Luke Skywalker realizing that Darth Vader is his father, and an Italian, Filipino, American, French family. Which we are. Rants at one or more people are background noise and if someone isn't laughing, we're doing school or Mama's in the house, i.e. working. Papa tells stories, he drags in “Asian mom” references, we all debate subjects furiously and dinner usually finishes with us going, “Staaaaay! Please do, Papa."

We love you.  HAPPY FATHERS DAY!!



My daughter revealed that I've asked her to write about her Papa--and to make it complimentary, please--for Father's Day.  What she wrote is special, and all hers.  It doesn't really matter that I asked for it.  I consider myself simply a catalyst.  

It also explains why I'm writing about my own Papa.  The Supreme Catalyst (my mother) had requested it.  For her blog.  I only hope that I write something as heartfelt as my daughter, who quickly forgot that she was submitting a homeschool assignment for her Anda's blog.


My Papa, in the past six years, has been the man in the computer screen.  Thanks to Skype, I've chatted with him more often than I had when I was living at home.  The quiet and reserved man is a talker!  Retirement had given him time to explore other interests, and I am a happy and willing listener to his newly-discovered information on nutrition, health, and everything else that he encounters on his daily foray into Youtube.  It isn't any surprise that combined with what my loquacious mother shares, I can easily spend three to four hours "listening" to them every Saturday evening.


Adjusting to a white guy isn't new to Papa, having worked in multinational companies.  Adjusting to the white husband was an entirely different experience.  I couldn't have prepared Papa in any adequate manner so it was truly a surprise to see him welcome the man who took his only daughter away.  I am glad that I have two daughters to share with him, and to help smooth the bridge between our worlds.

Growing up, Papa was the steady presence: waking up to prepare for work early in the morning, the recognizable honking of the car horn to signal his arrival, washing the car on Saturdays, and occasionally playing basketball with us in the driveway.  He was a man of routine--his routine, and one always knew where he was and what he's most likely doing.  I like remembering this feeling of security, of knowing that he's there.

Then he retires.


And now, he run/walks a 5k with me and my family.  He works on repairs around my house.  He fixes my car. And he researches many of my new interests--homeschooling, paleo diet, pasture-based farming.  He has changed his world and marched along with mine, sharing and exchanging what's new to both of us.  This Papa continues to grow with me--and to surprise me with his unique brand of fatherhood.  

On behalf of my equally-surprised brothers, Happy Father's Day!



1898 nang siya ay isilang, unang araw ng buwan ng Agosto. Kung siya ay nabubuhay, sandaan at labimpitong taon na siya. 

Panlima ako sa anim niyang anak kaya kakaiba pa rin ang dynamics ng aming relasyon, kumpara sa mga nakatatanda kong kapatid. Isipin na lamang ninyo kung ano kayo sa panganay na anak, kumpara sa bunso. May kaluwagan nang bahagya. Sabi nga ng aking nakatatandang kapatid, swerte kami.
 
Ngunit pare-pareho kami nang natatandaan. Istrikto siya.  Isang tingin, isang sutsot, bahag na ang aming buntot. 


Sa totoo lang, wala akong maalala na sukat ikasama ng loob sa kanya bagaman noon, nagtampo ako dahil hindi niya tinupad ang pangako na ibibili ako ng bisikleta kapag nanalo ako sa oratorical contest sa high school. Kaskasera daw kasi ako, baka masagasaan. Kaya nagtiis na lang ako sa mga ipinahihiram na racer bike na walang preno, kaya palundag kung ako’y bumaba na mas delikado kung tutuusin.  At ngayon ay sa stationary bike na pang-exercise. (Hindi ko rin ibinili ang maliliit kong mga anak ng bisikleta noon for the same reason, kahit sinabi nilang sariling pera nila ang gagamitin. Pero nang lumaki na iyong isa kong anak, mountain bike pa ang binili.)


Palagay ko’y paborito niya ako, pero ito yata ang pakiramdam ng iba ko pang kapatid, paborito rin sila.


Ito ang mga natatandaan ko sa kanya:


-Masakit ang aking ulo at humingi ako ng gamot para rito. Dalawa sila ng aking Inang na naghanap nito sa kinaroroonang kahon ng tokador sa aking kwarto.  Ang kaso ay nalibang yata at nalimutan ang ipinahahanap ko. Nagkwentuhan pa sa aking tabi, nagtawanan. Nainis na ako at wari, sa aking pagkatanda, ay nabulyawan ko sila… Ano ba! Sakit ng ulo ko!  Lalo silang nagtawanan. Ang naiwanang emosyon sa akin ngayon sa insidenteng iyon ay ang matamis nilang palagayan sa isa’t isa. Malambing ang aking Amang at sa harap namin ay inaakbayan at hinahagkan niya sa pisngi ang aking Inang. Na sa loob-loob naming mga malisyosong anak at apo… tanda-tanda na!


-Nakagalitan niya ako minsan dahil ang tagal kong magwalis ng bakuran.  Kasi, nakikipagkwentuhan ako sa kabarkadang si Luz na nasa kabilang bakuran ang bahay. Umiyak ako (bakit ang mga bata noon, iyakin kapag nakagalitan) at hindi na kumibo. Hindi niya ako inamo ngunit nang makita niyang wari akong nagtatampo, tinawag ako at binulungan.  Sabi niya, sa ilalim ng salansan ng damit mo sa aparador, may inilagay akong dalawang piso, sa iyo na.  Hindi ako agad sumunod, pero kalaunan, tiningnan ko rin. At natawa ako. Dalawang piso! Ng panahong singko at diyes ang baon sa eskwela.


-Nang maliit pa ako, inuwian niya ng isang munting Japanese umbrella, makulay at gawa sa papel. Nang nasa elementary, ang ibinigay naman niya ay isang payong na hindi pangkaraniwan at wala pa akong nakikita noon sa dako namin.  Ang paligid ng payong ay ruffle na tela, maganda. Nang magpalit siguro siya ng fountain pen, sa akin niya ibinigay ang pinaglumaang Parker 51 niya.  Bihira yata ang istudyanteng gumagamit ng Parker ng panahong iyon ng mga nagkakalat ng tinta, kaya kasama sa mga gamit ng lahat ang blotter. Brand new ang Parker 21 na bigay niya ng isang kaarawan ko. Hindi kami mayaman ngunit dahil sa mga mumunting bagay na ibinibigay niya, feeling rich na kami. Tulad nang pagmamay-ari ng isang asong German Shepherd na kami lamang ang mayroon sa aming lugar.



-Tinuruan niya akong tumugtog ng gitara. Ilang major at minor chords. Nagduweto kami sa pagkanta.  Nagpasadya siya sa Pampanga ng isang gitara na tamang-tama ang laki para sa akin. Sinipi sa peryodiko ang column ng How  to Play the Ukulele, inilagay sa folder, na hanggang ngayon ay nasa akin pa, ginagamit paminsan-minsang ginaganahang tumugtog nito.


-May itinuro siyang awit sa akin na ngayon ay itinuturing kong isa niyang natatanging pamana. Isang Gabing Tahimik, Maliwanag ang Buwan. Tatak ko na ang awit na ito, na akin, ako lamang ang kumakanta sa pamilya. Na ngayon ay itinuro ko na sa aking mga apo.

-Paborito niya ang isang linya ng tulang Miller of Dee, I envy nobody, no, not I, and nobody envies me. Kaya siguro lumaki kaming hindi maiinggitin. Tanda ko rin ang sinasabi niyang kahit tumutulo ang aming bubungang pawid, sasahuran lamang niya ang mga ito ng palanggana at nakakatulog na siya nang mahimbing dahil malinis ang kanyang konsensiya. Sa gobyerno siya nagtrabaho at nagretiro, sa isang departamento na pugad ng katiwalian noon pa man...Sa Bibliya ay ito naman ang lagi niyang binabanggit: For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life. 

-Elementary pa lamang ay alam ko nang Buenos dias, hindi buenas dias kahit nagtatapos sa letrang “a” ang “dia”. Sa katon siya unang natuto ng alpabeto. Bihasa siya sa Espanyol at gumagawa pa ng tula sa wikang ito. Siya ang kumorekta sa amin sa pag-awit sa santakrusan ng “Dios te salve” kasi kung anu-ano raw ang sinasabi namin. Sa pagsasalita ng tagalog, iwinawasto rin niya kung mali ang pagkabigkas namin ng isang salita. At minsan ay nakagalitan niya ako dahil gatong pa ako nang gatong ng kahoy sa kalan ay kumukulo na ang tubig. Tinanong agad ako, ano raw ang napag-aralan ko tungkol sa boiling point? Daig ko pa ang nasa iskwelahan.


-Tuwing Pasko, naaalaala ko ang pine tree na ipinauuwi niya buhat sa Baguio kung saan siya nakadestino noon sa trabaho, na ginagawa naming Christmas tree.  A, kami lamang yata ang may tunay na Christmas Tree noon, kung kailan binalutang sanga ng bakawan ang karaniwang dinedekorasyunan ng iba. Siya rin ang nagmungkahing mag-carolling kaming magkakabarkada upang magkapera, sa isang panahong wala pang gumagawa nito sa aming pook o sa karatig man, maliban sa Glee Club ng High school na natatandaan kong nakasakay lahat sa isang open truck na dala ang piyano. O mga korista sa simbahan.
 

-Nang teen-ager na kami, sa mga iskarsiyon, piknik, sayawan, kami ay pinapayagang sumama. Kaya nga nabanggit ng aking panganay na kapatid na kami ay maswerte. Mahigpit sa kanila noon ang Amang. At ang nakatutuwa, sa mga sayawan sa baryo, kasama namin sila, kami ay pinapanood, at hindi kami naaasiwa sa pagsayaw. Family affair ang sosyalan sa baryo noon.



A… ang naaalaala ko pa lamang ay ang aking kabataan. Anupa’t hindi pa nahahalukay ang baul ng gunita, ang mandala ng alaala. Ang alam ko lamang, proud siya sa akin. At natutuwa ako, nagmamalaki, na siya ang aking ama. Honest, fair and just, objective, well-read and intelligent with a hidden comic streak- ito ang aking Amang. Not a perfect father, ngunit anuman ako ngayon, warts and all, ugali at lahat na, ay epekto at resulta ng pagkapalaki niya. At okey iyon! Kasi, I feel good about myself. I deeply love and profoundly accept myself.


At tulad sa isang programa sa telebisyon na pinapanood namin, na katuwaan lamang, minsan ay tinatanong nila ang isang iniinterbyu na isang naulila ng minamahal, kung aniya ay makakausap mo ang pumanaw mong mahal sa buhay, ano ang nais mong sabihin dito… ito ang nais kong iparating sa aking Amang…


Miss kita, Amang.  Lalo noong mga panahon ng ilang pagtatagumpay sa larangang aking pinasukan, pagwawagi sa timpalak na sinalihan, pagsasa-aklat ng mga kathang kwento at nobela… na kaya ko nagawa ang lahat ng ito… ay dahil sa genes… na galing sa inyo. At sa pagkapalaki ninyo.


Amang, Maligayang Araw ng mga Ama sa iyo! Halik mo ako sa Inang.