AWIT NG PAG-IBIG
AT PAG-ASA
Sa pananaliksik ni R. Estrada
“The songs set a tone or
mood, define character, advance plot
and/or express the film's theme in a manner that elevates the moving image art
form. They also capture the nation's
heart and resonate across the century, enriching America's film heritage and captivating artists and
audiences today.” Ito ang aking nabasa sa isang pagtalakay sa awit na isasalaysay ko rito.
OVER
THE RAINBOW
Ang Wizard of Oz ay isang pelikulang musical
fantasy buhat sa MGM na ginawa noong 1939, batay sa nobelang Wonderful Wizard
of Oz ni L Frank Baum na sinulat noong 1900.
Bida rito si Judy Garland bilang si Dorothy Gale, isang ulilang dalagita
na nakatira sa Kansas, kasama ng kanyang Aunt Em at Uncle Henry. Dahil sa buhawi na tumangay sa bahay nila,
napunta siya sa daigdig ng Oz, natungo
sa Emerald City, nagkaroon ng maraming abentura kasama ang mga nakatutuwang
karakter na tumulong o nagpahirap kanya.
(Sinasabing sa simula pa ay gusto na ng director ng
pelikula na si Victor Fleming na ang gumanap sa papel ni Dorothy ay si Judy
Garland. Gusto naman ng prodyuser na si
Mervyn LeRoy na si Shirley Temple na
taga-20th Century Fox ang maging bida dahil sa popularidad nitong
huli. Si Judy rin ang gumanap ng
natatanging papel nang sa audition ay hindi naabot ni Shirley ang matataas na
nota ng mga awit sa pelikula.)
Nang dumating ang Academy
Award nang sumunod na taon, nanalo ang Gone with the Wind sa best picture ngunit napanalunan
naman ng Wizard of Oz ang best original
musical score at ang theme song
ng pelikula, ang Over the Rainbow. (Hindi talaga kasama ang salitang somewhere
sa titulo nito.)
Ang kantahing ito ang napiling THE GREATEST MOVIE THEME
SONG OF ALL TIME. Sa 2014 Academy Awards
Night inawit ni Liza Minnelli, ang signature song ng kanyang ina, 75 na taon
matapos itanghal ang pelikula.
Noong 2001. nag-anyaya ang
National Endowment for the Arts at ang Recording Industry Association of
America ng mga taong gobyerno, mga taong
kabilang sa music industry, mga media teachers at estudyante na pumili ng 365 na awit na dapat ibilang sa
365 Songs of the Century. Nanguna rito
ang Over the Rainbow.
Noong 2004, pinili
ng American Film Institute na kinabibilangan ng mga kilalang filmmakers,
kompositor, lirisista, at iba pa sa
inilunsad nilang pilian 100 SONGS – 100 YEARS ang Over the Rainbow
bilang pangunahing awit sa pelikula.
Sabi ni Burt Bacharach: “The
song deserves it. Judy Garland . . . the
emotion in that song. . . It gives me the chills, whenever I hear it.
Saang bahagi ng
pelikula inawit ito ni Judy Garland?
Nasa Kansas pa si Dorothy, (halos kasisimula ng pelikula), lumapit si
Dorothy sa kanyang tiyahin at nagsiwalat ng kanyang problema laban sa kapitbahay
na si Miss Almira Gulch. Hindi siya gaanong
pinansin ni Aunt Em. Sinabi nito sa
kanya: Maghanap ka kaya ng isang
lugar na walang problema… Kinausap ni Dorothy ang kanyang sarili, kasama ang asong si
Toto. May lugar kayang ganoon,
Toto? Mayroon nga, marahil. Hindi ito isang lugar na mararating ng
bangka, o ng tren kaya.
Malayong-malayong ito… sa kabila ng buwan… sa kabila ng unos… Sa
puntong ito, inawit niya ang Over the Rainbow.
Mahalagang
banggitin din na muntik nang matanggal ang awit sa dahil sa kahabaan ng
pelikula. Noon, ang mga pelikulang
ipinalalabas ay may haba lamang na 90 minutos at ang Wizard of Oz ay may 110
minutos. Binalak na tanggalin ang bahagi
ng pag-awit ni Judy ngunit
ipinaglaban sa pangunguna ng
direktor na i-retain ito at sa huli ay hindi na-edit out ang eksena. Isa pa, ang mga eksenang sa Kansas kinunan ay
ginamitan ng cinematography na sepia (kulay mapulang kayumanggi), ngunit
pagsapit sa Oz, Technicolor na ang ginamit,
Narito ang awit na ang musika ay ginawa ni Harold Arlen na
tinitikan naman ni E. Y. Harburg:
Somewhere over the rainbow way up high
There's
a land that I dreamed of once in a lullaby
Somewhere
over the rainbow skies are blue
And
the dreams that you dare to dream
really do come true.
Someday
I wish upon a star
And
wake up where the clouds are far behind me
Where
troubles melt like lemon drops
Away
up high the chimney tops
That's
where you'll find me
Somewhere
over the rainbow blue birds fly
Birds
fly, over the rainbow
Why,
then, oh, why can't I
If
happy little blue birds fly beyond the rainbow
Why,
oh, why can't I?
Mahigit sa 200 daang mang-aawit, band leaders, konduktor sa
musika, instrumentalists, atbp, ang nag-record ng Over the Rainbow, patunay
ng popularidad nito, kabilang na si Frank Sinatra, Tony Bennett, Barbra
Stresand, Jose Feliciano, Glenn Miller,, Perry Como, Shirley Bassey. Celine
Dion, The Platters, Sammy Davis, Jr., Ella Fitzgerald, Tom Jones, Don McLean,
Doris Day, Vic Damone, Rosemary Clooney, at maraming-maraming iba pa -- walang kamatayang pagkilala sa isang awit na
lalo lamang kumikinang sa pagdaraan ng panahon.