Thursday, April 24, 2014

Sino si Karol Wojtyla?



Sino si Karol Wojtyla?

Kasalukuyan kong binabasa ang kanyang biography na sinulat ni George Weigel. Isang makapal na aklat ito na medyo mahirap basahin. May kalawakan ang tema at madetalye. Naroon pa lamang ako sa kanyang kabataan at sa panahon ng digmaan sa Poland.

Ngunit  isang bahagi rito ang tumimo na sa aking isipan. Si Karol Wojtyla bilang Playwright and Poet. 

Sinabi sa aklat, na Literature-in his case, plays and poems- could sometimes get to truths that could not be adequately grasped philosophically or theologically. Like many twentieth-century philosophers, Wojtyla believed that language, either technical or literary, was always inadequate to the reality it tried to grasp and convey. Thus, Wojtyla’s literary activity was not a hobby. It was another way of “being present” to the lives of others, through the writer’s natural medium of dialogue. 

Na sa kanyang kaso ay ang pagsulat ng mga plays, ang kanyang medium.  Ang first mature play niya na sinulat sa gulang na dalawampu at lima habang nasa huling taon sa seminary sa Krakow ay Our God’s Brother.

Being present  to the lives of others! Sa pamamagitan ng kanyang mga sinulat na dula at tula! Nais ko tuloy isipin na ganoon rin ang ginagawa ng mga manunulat ng kwento at nobela, mga artista sa teatro at pelikula, mga manlilikha sa sining – na sa mumunting paraan, sa kani-kanilang medium o genre- ay being present din to the lives of others.

Being present to the lives of others, sa aking palagay, ito ay isang panuntunan na makikita sa buong buhay ni Karol Wojtyla, si POPE JOHN PAUL II, na ngayong Abril 27, 2014 ay kasama na sa mga Santo at Santa ng Simbahan. 

Ngunit paano ba maging Santo o Santa? Mula sa pananaliksik ni R. Estrada, isang tagasubaybay, narito ang kasagutan.

PAANO BA MAGING SANTO?





 PAANO BA MAGING SANTO?


NAGBUBUNYI ang buong Simbahang Katoliko na isa nang Santo ang dating Papa Juan Paulo II ngayong Abril
27, 2014.

Isa sa mga pinakapopular at pinagpipitaganang nagsuot ng “Sapatos ng Mangingisda” -- ni San Pedro -- matagal siyang naglingkod bilang Papa. Nagsimula ito nang siya ay maging Papa noong Oktubre 18, 1978 hanggang sa kamatayan niya noong Abril 2, 2005, humigit-kumulang sa 27 taon.

Dalawang ulit na dumalaw si Papa Juan Paulo II sa Pilipinas.  Una, noong Pebrero 17 hanggang 22, 1981; ikalawa, nang idaos sa Maynila ang World Youth Day, Hulyo 23 hanggang 28, 1995.

Namatay noong 2005, naging Santo nang taong ito  Samakatuwid, sa loob
lamang ng sampung taon. Mukhang napakabilis, lalo na kung iisiping may mga bumilang ng maraming taon bago kinilala ng Simbahan bilang Santo.  Ano ang nangyari?

Pagkatapos na pagkatapos ng kamatayan niya, matindi ang pagnanais ng mga Katoliko  na gawin agad siyang Santo. Nang ipinagdiwang ni  Papa Benedicto XVI ang funeral mass para sa namayapang  sinundan niya, ang mga dumalo at mga namamanata ay padaasal na hiniling sa Papa ang pagluluklok sa pamamagitan nang paggagawad sa namayapa ang  pinakamataas na antas na maaring marating ng isang nilalang doon sa kalangitan.

Noon ngang Mayo 13, 2005, sa pagpupulong ng mga alagad ng Simbahan na ginanap sa Basilica ni Santo Juan Lateran ipinahayag ni Papa Benedicto XVI ang pagpanimula ng proseso upang maging Santo si Papa Juan Paulo II.  Ang pahayag na ito ay sinalubong ng matunog at matagal na palakpakan,  Ang petsa ay itinaon naman sa pagtatangka sa buhay ng yumaong Papa ng isang  Turko na naganap sa St. Peter's Square noong 1981.

Karaniwan na ang proseso ay nagsisimula limang taon pagkatapos mamatay ang isang kandidato sa pagkasanto.  Nguni't ang patakarang ito ay isinaisantabi ni Papa  Benedicto XVI   Sa makabagong panahon, isa rin si Mother Teresa ng Calcutta ang tumanggap ng ganitong karangalan.  Isang taon pagkatapos niyang mamayapa, sinimulan din ang kay Mother Teresa, at mismong si Papa Juan Paulo II ang naggawad nito sa kanya.

Paano ba ang maging Santo?  Ano ba ang karaniwang prosesong tinatalunton?

Ang sumusunod ay hango sa banal na Kasulatan . . . .

1.    Kaya dapat kayong naging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit. (Mateo 5:48)
2.    Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin, (Marcos 8:34)
3.    Tandaan ninyo ito;  walang taong nag-iwan, ng tahanan, asawa, mga kapatid, mga magulang, o mga anak dahil sa paghahari ng  Diyos, na di tatanggap ng makapupung higit sa panahong ito at ng buhay na walang hangganan sa panahong darating. (Lucas 18:29)

Ang mga bersong ito ay nagpapahiwatig kung paano napakahirap maging isang  Santo! Si Hestas lang ang alam nating isinama ng Diyos sa kalangitan ng last two minutes.

Sa doktrina ng Simbahang Romano Catoliko, ang tinutukoy ng salitang Santo ay isang namayapa ng nilalang na nakapag-ambag nang malaki para sa pagsulomg ng Kristianismo.  Ang nilalang na nagiging Santo ay nagsisilbing huwaran ng kabutihan at kabanalan.

Ang salitang SANTO ay batay sa salitang Latin na SANCTUS na ang ibig sabihin ay BANAL. Tramslation naman ito mg salitang Griyego  na HAGIOS  na ang kahuluga'y gayon din;  BANAL o  PINAPAGINGBANAL. Sa ating pagdarasal, ipinapanalangin natin sa ating paboritomg Santo na mamagitan sa paghiling sa Diyos ng ating hinihingi.  Ang karangalang ibinibigay natin sa mga Santo ay iba  sa pagsambang ibinibigay natin sa Panginopong Diyos.  Sa pagbibigay-karangalan sa ating mga Santo, nagbibigay tayo ng kaluwalhatian sa Diyos.

Bago sumapit ang taong 1234, ang Simbahan ay walang pormal na proseso sa pagpili ng santo.  Karaniwang ang mga martir ay kinikilalang banal at idinedeklarang santo ng ating Simbahan sa araw ng kanilang kamatayan.  Sa paglipas ng panahon, ang Simbahan ay nagtalaga ng mga panuntuman sa proseso.  Noon ngang 1234, nagtalaga si Papa Gregorio IX ng mga panuntunang ito upang masiyasat ang buhay  ng isang kandidato sa pagka-santo o santa.  Noong 1588, ipinagkatiwala ni Papa Sixto V sa Congregation of Rites (na kalaunan ay tinawag na Congregation for the Causes of Saints) upang pamahalaan ang buong proseso. Simula sa panahom ni Papa Urbano VII noong 1634, binago ng iba't ibang  pang naupong Papa ang mga hakbang at pamantayan nito.

Pagkilala.  Ang Obispo ng Dioseses kung saan namatay ang isang kandidato ang kailangang magpasiya  kung ang isang nilalang ay bibigyan ng pagkilala at ito ay kailangang iparating niya sa Vatican Congregation for the Causes of
Saints. Karaniwang, limang taon muna ang pinalilipas bago ito gawin.  (Maaaring isaisantabi ang aspetong ito sa proseso. At ang nakapagpasiya nito ay ang nakaupongPapa.)

Alipin ng Panginoon.  Kung marami ang nagpapatunay na ang mga panalangin nila’y narinig sa pamamagitan ng namatay, binubuksan ng
Kongregasyon ang daan; gumagawa ng opisyal na talambuhay, at ipinahahayag na ang kandidato ay isang Alipin ng Panginoon o Servant of God.

Kapintu-Pintuho-galang (Venerable).  Ang mga nagawa ng kandidato at/o ang kanyang mga isunulat ay binubusisi ng Kongregasyon.  Kung isa man lamang himala ang ginawa niya, ang kandidato ay tinatawag na Kapintu-pintuho o Venerable.

Pinagpala. Kung ang himala ay napatunayang pinamagitanan  sa Diyos ng kandidato,  siya ay “pagpapalain” at  ang tawag na Blessed ay ikinakabit sa kanyang pangalan,  idinaragdag sa kalendaryo ng Simbahan at siya ay magsisimulang kilanlin sa mga pambayang Misa.

Santo. Kung isa pang himala ay naganap nang patay na siya at napatunayang gawa ito ng isang Pinagpala, kikilalanin na siya na isang Santo o Santa sa mga  pambayan at opisyal na mga panalangin ng Simbahan.  Ang proseso sa paggagawad sa kanya upang tawaging Santo ay tinatawag na canonization'

Kung siya ay isa nang ganap na Santo o Santa,  inirerekominda ng buong Smbahang Katoliko ang pagbibigay sa kanya ng benerasyon.  May mga Santo  o Santa na pinipiling Patron o Patrona para sa mga partikukar na gawain o pangangailangan. Halimbawa, si Santo John Mary Vianey ay Patron ng mga kaparian, samantalang si Santa Cecilia ay Patrona ng Musika.

Mayroong isang aspeto ng proseso  na sinusuri ng Kongregasyon upang malaman kung ang kandidato o kandidata sa pagka-Santo o Santa ay tunay na nag-alay ng kanyang buhay para sa pag-ibig kay Hesus at sa Simbahan, o  udyok ng tunay na pagmamahal at pagtulong sa kapwa tao at nang buhay pa siya ay may mga katangiang naging huwaran sa pagkabayani o pagkamatay alang-alang sa pananampalataya.  Sa buong aspetong ito ay may tinatawag na devil's advocate  na tumututol, nag-aalinlangan at nagbibigay ng mga paglaban sa mga ebidensyang inilalatag pabor sa kandidatong Santo o Santa.  Ito ay dapat suriin at pagpasiyahan ng Kongragasyon..  Si Papa Juan Paulo II, na siyang nagdeklara ng mauigit na 238 na nilalang upang maging Santo o Santa   ang nag-alis  nito sa proseso.

Ang proseso sa pagiging santong Katoliko ay napakahaba, ang sa iba'y bumibilang ng maraming dekada o dantaon.  Si San Lorenzo Ruz, ang unang Santo ng Pilipinas ay namatay sa Nagasaki noong Setyembre,1637.  Naging Pinagpala noong Pebrero 18, 1981 at  ginawang Santo ni Papa Juan Paulo II noong Pebrero 18, 1987.  Si Santo Pedro Calungsod naman, ang ikalawa Santo mg Pilipinas ay namatay sa Guam noong Abril 2, 1672.  Naging Pinagpala siya noontg Marso 5, 2000, at naging Santo naman sa termino ni Papa Benedicto XVI noong Oktubre 21, 2012.

May gusto bang kumandidato sa inyo sa pagka-Santo o Santa?

Wednesday, April 16, 2014

Reyunyon, Panuluyan, Pabasa



REYUNYON, PANULUYAN, PABASA 

Noong araw pa ako tumatanggap ng mga tanong tungkol sa pagdiriwang ng reyunyon sa high school.  Ano raw ba ang mainam na aktibidad para maging masaya at masigla ang mga pagtitipong ito.  May nagsabi pa, limited daw ang budget nila, poor ang Klase nila.  

Naisipan ko tuloy ilagay rito sa blog ang mga ginawa naming pagdiriwang at aktibidad ng aming Klase. May panahong magaan ang dating ng pera, lalo at mga milestone ang ipagdiriwang na reyunyon, ngunit kalaunan, lalo at hirap talaga ang ekonomiya ng bansa at ng tao, kailangan ay tipid Ito ay isa lamang guide  at  ang gagawin kong batayan ay ang aming sariling reyunyon. 

Kukuha ako ng ilang excerpts sa postings ng aming Klase at ang iba ay sa mga nakaraan naming newsletter.  Narito ang isa naming ginawa na siguro ay pwedeng tularan, bawasan, dagdagan at pagandahin pa. Hindi pumapasok ang patent o copyright dito. Nasa individual execution ng idea ang ikinagaganda ng anumang proyekto.

Sa malakihang reunion namin, nagkaroon ng motorcade na naglibot sa kabayanan, sa dating kinatatayuan ng high school at natapos sa bagong kinaroroonan nito kung saan nagkaroon ng kaunting seremonyas para sa mga napiling iskolar na tutustusan ng aming alumni association. Marami na rin kaming natulungan na mga iskolar sa pagdaraan ng mga taon.

Pagkatapos ng motorcade, nagtungo ang lahat sa bahay ng isang dating presidente ng Klase upang makita ang memorabilia exhibit kung saan naka-display ang mga larawan, tropeo, plake, certificate ng karangalang tinamo ng mga alumni 

Pagkalipas ng isang araw na pamamahinga, may piknik na idinaos exclusively sa isang resort kung saan naman ipinamahagi ang aming Aklat ng Ginintuang Alaala (isang update sa buhay ng mga alumni).  Dahil maganda pa siguro ang kalagayang pinansiyal ng nakararami sa alumni dahil hindi pa retirado, sagana ang handa namin, tatlo ang litsong baboy at may isang litsong baka!  Dito siguro rin nagsimula ang mga high blood ng iba.

Sa huling araw ng pagdiriwang ay  ang dinner dance naman sa isang hotel. Maaaring sabihin ng marami, basta maraming pera, kayang-kaya iyan, magagawa iyan. Totoo nga, pero, iyong magpalabas ng isang presentation na pawang mga amateur ang gumanap, mga taga-abroad na hiwa-hiwalay ang kinaroroonang state, diyan pumapasok ang kooperasyon ng mga alumni, na sa aming Klase, ay sagana.

Narito ang ala-Broadway presentation  mula sa eksena ng sumusunod:

 – The King and I – mag-asawang kaiskwela ang gumanap, haring-hari ang dating ng dating heartthrob ng klase sa kanyang “from flower to flower, not from bee to bee” at demure na demure ang partner niya,
-Westside Story – balcony scene na totoong may hagdan, buti hindi nahulog, Tonight, tonight, kinanta nila;
-South Pacific – na ang gumanap ng papel ni Bloody Mary ay nanggaling pa talaga sa Hawaii, at magkasuyo sa tunay na buhay ang umawit ng Some Enchanted Evening, na sa katapusan ng kanta ay nagtakip ng sombrero at totoong naghalikan, galing-galing!
-Hello Dolly – na ang costume ng doktorang kaiskwelang gumanap ay kopyang detalyado sa show, may feather sa ulo at gloves sa kamay, wow! Husband naman niya ang gumanap sa papel ni Louie Armstrong;
-Cabaret – ang finale ng segment na ito ng presentation na isang ex-USWAC ang gumanap, mistulang si Liza Minelli mula sa makislap na gown, hairdo at make-up, sayaw at awit.

Sa katotohanan, nang magkita-kita ang mga gumanap dito ay sa ibabaw na lamang ng entablado sa gabi ng dinner/dance reunion. Iyon ang kahanga-hanga, di ba?   

Kaya, sa mga nagbabalak ng kanilang reunion, isang ideya ito na pwedeng gayahin at lampasan pa.  Okey sa amin iyan.  Kami rin, namumulot ng ideya sa iba, we just improve on it.  

Pero, siempre, ang nasabing presentation ay may overall script na kailangang nakadugtong sa eksena ng mga alumni from the Philippines, para tuluy-tuloy. Pati blocking, pinag-aralan diyan. Isang barrio fiesta celebration to welcome the balikbayans. May rondalya, may angklung, may nagsayaw ng carinosa, may umawit ng Gaano ko Ikaw Kamahal, at marami pang iba.  Iyan ang ginawa ng aming Klase noon. 

Heto pa:

Sinundan ito pagkalipas ng tatlong taon nang ganito ring mga selebrasyon. Siguro, sasabihin ninyo, pera lang din ang katapat, magagawa rin ng iba. Pero, iyong presentasyon na naman, doon nagkakatalo! Biographical, mula elementary hanggang maging senior… nasa script lahat. At malaking bagay ang kooperasyon ng mga kaiskwela. Pagkakaisa na mapasaya ang reunion. 

We contributed time and effort, dahil kulang nga sa pera. Kung ano ang assignment na ibinigay sa kanila, kinakaya.  Walang kiyeme, walang maarte. Hindi maganda ang boses, member pa rin ng choral group, tumayo ka riyan, pamparami rin, huwag ka na lang kumanta. Sa totoo lang, doon sa sayaw na Carinosa noong sinundang reyunyon, ilang buwang pinag-aralan ito, sa parteng huhugutin ang panyo sa bulsa ng mga lalaki, bago mahugot ang panyo, tapos na ang tugtog.  Pero masaya.  Sabi nga ng emcee, praktis lamang po iyan. 

Ganito naman sa sumunod na reyunyon.  May dalawang emcee, may narrator na patula ang narration, na sinimulan sa

-Harana, bahay-kubo at mga dalagang nakabaro’t saya, binatang nakabarong-tagalog, awitan, sayawan… (kinakatawan nito ang panahong kinagisnan ng Klase);
-Rendition ng choral group ng Klase ng isang medley ng mga awiting pambayan tulad ng Leron leron sinta, sitsiritsit alibangbang, atbp. (mga inawit ng Klase nang musmos pa sila);
-Led by the band and the choral group, kasama ang audience, parang sing-along, umawit ang lahat ng mga popular songs nang ang Klase ay mga teenagers pa (biographical, kaya bawat yugto ng buhay ng magkakaiskwela ay depicted sa mga song and dance routine);
-Na sinundan nga ng mga usong sayaw noon – boogie, chacha, tango, at ang popular na waltz at sweet/slowdrag; Ilang pareha ang pumagitna sa stage at nagsayaw.
-Pero siempre, as high school students, natuto rin ang Klase ng mga katutubong sayaw at may nagsayaw at umawit ng – Condansoy;
-Hindi nawawala ang tula sa pag-aaral sa high school at dito nagparinig muli ang batikang declaimer ng Klase;
-Aba, may eksena pa ng graduation sa high school.  Tumayo ang lahat at umawit ng Alma Mater Song.  Alma Mater dear, to thee we come…
-Hiwa-hiwalay na ng landas, ang iba ay nag-aral na sa lungsod, iba ay nag-asawa na; iba na ang usong mga awit -O ang babae pag minamahal ni Bobby Gonzales, at Love me Tender ni Elvis. May mga kaiskwelang kumanta ng Twilight Song ng The Platters.
-Bongga ang sayaw ng dalawang kaiskwela sa tugtog ng Hagibis, na ipinakita ang kanilang mga muscles, sigawan ang lahat!
-Nagtapos ang halos 2-hour presentation sa maramihang pag-awit, led again by the choral group ng Ikaw ang Mahal Ko at Gaano ko ikaw Kamahal.

Sa reyunyong ito naman namin ipinamahagi ang aklat na ANG KASUNOD NA KABANATA kung saan nakasulat ang nangyari nang sinundang jubilee at mga kaganapan pa ng namagitang taon.   Ang ginawa naming ito ay kayang-kayang gawin ng iba, pagkakaisa at pagtutulungan lamang ang kailangan. 
Narito pa ang isang pagdiriwang na paborito naming sariwain sa alaala. 
 
Dati, ang pagdiriwang namin ng Pasko ay sa pamamagitan lamang ng exchange gift, awitan at kainan.  Ngunit sa dalawang magkasunod na taon, iba ang aming ginawa.  Sinipag na naman ang scriptwriter ng Klase at ang iminungkahi ay ang pagdaraos ng PANULUYAN. Ang unang taon ay para lamang dryrun.  

Nang sumunod na taon, maayos na ang kanilang costume, parang mga hari na, may mahabang balabal. Ang Birhen namin ay talagang birhen, mahigpit ang screening committee, dalaga pong tunay. Guwapo si San Jose. Ang mga pastol, suot pastol, mukhang pastol talaga. May ginawang props na itinayo sa mga bakuran ng resort, kung saan kumakatok ang mag-asawabg naghahanap ng masisilungan. May star/parol na may ilaw.  May Baby Jesus sa sabsaban. At handang-handa ang choir sa pag-awit. Hulyo pa lamang ay ipinamigay na ang patulang dayalog ng bawat isa para kabisaduhin. Pero, hayun, senior moment pa rin! Pero, ang saya-saya!

Ang kamakailang isinagawa na aktibidad ng Klase ay ang PABASA. Lagi, tuwing dumarating ang panahon ng Kuwaresma, hindi maiwasang sariwain ang nakaraan, nang mga bata pa o teenager, na mayroong mga kaibigang kasamang naglilibot sa mga bisita ng baryo, nakikibasa ng Pasyon, nakikinig sa paghabi ng mga batikang mang-aawit at siempre, nakikikain ng pansit o sopas.

Mungkahi ng isang kamag-aral, magpabasa tayo. Sabi naman namin, humanap ka ng kaiskwelang magpapabasa at makibasa tayo. At nakakita naman!

Matapos ang isang pananghalian sa bahay ng hermanang kaiskwela, nagtungo na kaming lahat sa bisita ng Mabolo kung saan dinatnan naming umaawit ang isang grupo na ang himig na ginagamit ay hango sa makabagong kanta. 


Sabi namin, ang tono namin ay iyong orihinal at luma, maganda ang bago, pero iyong luma ang gusto namin.
At umawit na kami.  

Kayo rin, kayang-kaya rin ito, bilang aktibidad ng Klase ninyo.

Masaya...
Makahulugan…
At makabuluhan.





Mula sa Banal na Aklat



MULA  SA  BANAL  NA  AKLAT

Ang ever reliable kong kaibigan, tagasubaybay at masipag na researcher (kusang-loob), si R. Estrada ay nagpadala ng ilan sa mga paborito niyang quotations mula sa Banal na Aklat para sa buwan ng Kuaresma.  Narito ang Mateo 6: 24-34 na isa sa mga paborito niya.  Ang ikalawa, Corinto 13: 1-13 ay ang  paborito ko naman, simula't sapul.  Kayo rin, share ninyo ang inyong paborito.

Mateo 6:24-34
Walang makapaglilingkod  nang sabay sa dalawang panginoon sapagka't kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa.  Hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Diyos  at sa kayamanan.
         
Kaya't sinasabi ko sa inyo:  huwag kayong mabagabag  tungkol sa pagkain na kailangan ninyo upang mabuhay, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan..  Hindi ba ang buhay ay mahalaga  kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon: hindi sila naghahasik o nag-aani o    kaya'y nagtitipon sa bangan.  Gayunman, pinakakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makapagpapahaba sa kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?

At bakit kayo mababagabag tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagpapagal ni humahabi man.  Nguni't ito ang sasabihin ko sa inyo:  maging si Solomon  ay hindi nakapagsuot ng kasingganda ng isa sa mga bulaklak na ito.  Kung ang mga damo sa kabukiran na buhay ngayon at kinabukasa'y iginagatong sa kalan, kayo pa kaya?  Kay liit ng pananalig ninyo sa Kanya.  Kaya't huwag kayong mabalisa tungkol sa      inyong kakanin, iinumin, o daramtin.   Sapagka't ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan  ng  wala pang pananalig sa Diyos. 

Alam na ng inyong Amang nasa langit ang lahat na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Nguni't pagsumakitan ninyo nang higit ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay  nang ayon sa kanyang kalooban at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo,  Kaya, huwag  ninyong ikabahala ang para sa araw ng bukas; saka na ninyo harapin kapag ito'y dumating.  Sapat na sa bawa't araw ang kanyang mga suliranin.        

Corinto 13: 1-13
Kung ako’y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwat wala akong pag-ibig, ay ako’y naging tanso na tumutunog o batingaw na umaalingawngaw.

At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya na ano pa’t mapalipat ko ang mga bundok datapuwat wala akong pag-ibig, ay wala akong kabuluhan.

At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin datapuwat wala akong pag-ibig ay walang pakikinabangin sa akin.

Ang pag-ibig ay mapagpahinuhod at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghili, ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.

Hindi nag-uugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalintana ang masama;

Hindi nagagalak sa kalikuan kundi nakikigalak sa katotohanan;

Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.

Ang pag-ibig ay hindi nagkukulang kailan man, kahit maging mga hula ay mangatatapos,  maging mga wika ay titigil, maging kaalaman ay mawawala.

Sapagkat mangakakakilala tayo ng bahagya at nanganghuhula tayo ng bahagya;

Datapuwat kung dumating ang sakdal, ang bahagya ay matatapos.

Nang ako’y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nag-iisip akong gaya ng bata; ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.

Sapagkat ngayo’y malabo tayong nakakikita sa isang salamin, ngunit pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayoy nakikilala ko ng bahagya,  ngunit pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.

Datapuwat ngayo’y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa at ang pag-ibig; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Habang ginagawa ko ito ay nagdaan sa tabi ko ang aking anak.  Tinanong  ko tuloy ito kung ano ang paborito niyang Bible quotation. Naku, kay haba ng sumunod na diskusyon na one-way only, ngunit kay igsi naman ng kanyang binanggit na quotation. In the beginning was the Word: and the Word was in God's presence, and the Word was God.  

Mula ito sa John 1.  Narito rin ang ilang paliwanag -footnote- na makikita sa The New American Bible, The New Catholic Translation, ang aklat na ginamit nila sa kolehiyo noon. Ang salitang was ay tatlong beses na ginamit. This verb is used of the Word. First, it indicates timeless existence (In the beginning was the Word); next, relationship to the Father (and the Word was in God's presence); finally, identity with God (and the Word was God).

Kayo rin, share kayo, hihintayin ko...