Tuesday, March 20, 2012

SHARING: ISANG KWENTO NG PAG-IBIG


SHARING: ISANG KWENTO NG PAG-IBIG

Tulad nang nabanggit ko sa nakaraang posting, isang kaibigan ang nagpadala sa akin ng kanyang kwento ng pag-ibig. Hindi raw siya manunulat, ngunit nang “panahong yaon” sa kanyang buhay, naisipan niyang isulat ang nasabing kwento.

Kung ang nasabing kwento ay hinabi lamang ng kanyang malikhaing isipan o totoong naglalarawan ng kanyang dinadalang damdamin ay hindi niya sinabi at hindi ko na itinanong. Ang masasabi ko lamang ay maganda ang nilalaman ng kwento. Sinabi ko ring sa kaunting pagbabago at pagsasaayos, nais ba niyang mailagay ko ito sa aking blog? At siya ay tuwang-tuwang pumayag.

Kaya, narito si Nene at ang iba pang karakter ng kanyang kwento. Iniba ko ang ilang pangalan upang maibagay sa takbo ng kwento. Nagkaroon din ng kaunting dagdag-bawas sa kabuuan upang maging makinis ang daloy ng mga pangyayari. Ngunit, sa mga bahaging nagsasaad ng damdamin ng mga punong karakter ng kwento, wala akong binago. Kaya, kung umiyak si Nene, talagang umiyak siya sa orihinal na manuskritong ibinigay sa akin. Ang pagpasok ng talaarawan sa kwento ay nagmula sa akin.

Ang pag-ibig ay universal, wika nga. Sa dami ng mga naisulat nang kwento ng pag-ibig, nagkakamukha-mukha na iyong iba.

Waring may naisulat na akong ganito ang tema na ang munting butil ng ideya ay nagmula sa isang kwentuhang nasalihan ko. Kumbaga ay pinalawak ko lamang at saka nilagyan ng palabok. Komentaryo nga ng mga kaibigan ko, nakikinig si Eve sa kwentuhan ninyo. Mamaya, mababasa na ninyo ito sa Liwayway.

Ngunit ang totoo, lahat ng salimuot ng pag-ibig at pagmamahalan, pagsasamahan at relasyon ay pinagdadaanan ng kahit sinong nilalang. Problema ng isa ay kawangis rin ng problema ng iba. Dinaramdam mo'y maaaring katulad rin ng dinaramdan niya. Kasaysayan ko'y kahawig rin ng kasaysayan ng mga taong ni hindi ko kilala. Ganyan ang buhay.

Ang inilagay na titulo ng kwento ng nagbigay sa akin nito ay “Kung May Darating Pa”. Hindi ko matiyak kung ang nasa isip kong dahilan ng kanyang pamagat ay katulad ng kanyang iniisip. Iyon pa man, narito ang kanyang kwento, kasama ang aking pagsasaayos.

KUNG MAY DARATING PA


KUNG MAY DARATING PA

Linggo, Abril --- Darating kaya siya?

Ibinaba ni Nene ang kanyang bolpen at itinuloy ang pag-aayos ng sarili sa harap ng salamin. Hindi siya nakatulog nang sinundang gabi. Bahagyang- bahagya lamang at kay aga pa niyang nagising. Excited siyang tunay. Thirty fifth high school reunion nila at tiyak niyang maraming darating. Inisa-isa raw nina Mely, Ruben, Dely at Rollie ang mga dating kamag-aral para siguradong maraming dumalo. Partikular na pinuntahan, lalo na ang mga hindi nakatapos sa kolehiyo. Kaya, disidido siyang pumunta, kahit nag-iisa dahil nasa abroad ang kanyang kabiyak. Naisip niya ito, nasa malayo, naghahanap-buhay, nagtitiis para sa kanilang pamilya. At lagi, kapag naisip niya ang kabiyak, kasunod niyang naiisip siya.

Siya na kay tagal nang panahong hindi niya nakikita. Ang huli ay may limang taon na ang nakararaan, sa kanila ring high school reunion, nang siya ay isnabin, hindi pansinin, ni hindi tiningnan kahit alam na alam niyang pagdating pa lamang nito ay namataan na siya. Si Nonong! Na Gino na ang bagong palayaw. Di nga ba kaya sila tinukso noong high school ay dahil sa mga palayaw nila? Si Nene at si Nonong!


Ang sama ng kanyang loob noon. Sa pagkikitang iyon ay inasahan pa naman niyang magkakakwentuhan sila. Magkukumustahan. Magkakabalitaan ng tungkol sa kanya-kanyang pamilya. Pero ayun nga, ni ha ni ho ay hindi siya nito inimikan. Parang hindi siya kakilala. Lumapit pa ito sa grupo nina Dely na halos katabi lamang ng kanyang kausap. Muntik na siyang maiyak. Pinigil lamang niya. Tinigasan ang kanyang loob. E, ano ba kung ayaw siyang kausapin. At noon din ay binuo na niya sa kanyang loob na mula sa sandaling iyon, kalilimutan na niya ito.

At ngayon nga, pagkaraan ng limang taon ay heto na naman sila. Reunion na naman. Tiyak, naroon ang buong barkada. Saglit, natigilan si Nene. Tinitigan ang larawang ibinabalik ng salamin ng kanyang tokador. Darating kaya siya, tanong ng kanyang puso. Nene, Nene, Nene... wari, kinagalitan niya ang sarili, at dali-dali nang tumayo at tinungo ang banyo.
Habang naliligo ay pakanta-kanta pa si Nene. Our love affair is a wondrous thing... that we'll rejoice in remembering... nang may kumatok sa pintuan ng banyo. Ang kanyang anak.

'Ma, phone. Gino raw.”

Naisip niya, wala siyang kilalang Gino at sasabihin sana niyang kunin na lang ang message nang maalaala niya si Nonong. Na Gino na ang tawag ngayon. Dali-dali, hinila niya ang kanyang bathrobe at sinabing, “Nariyan na...”

Parang may pakpak ang kanyang mga paa na narating agad ang telepono sa sala. “Hello, yes, this is Nene on the line.”

“Hi, Nene, this is Gino. Nonong, remember?”

Pagkarinig na pagkarnig ni Nene sa tinig na iyon ay bigla, parang may bumunggo sa kanyang puso. Ramdam na ramdam niya, kay bilis ng pintig nito. Parang sasabog ang kanyang dibdib. Nanginig ang kanyang mga kamay. Muntik nang nabitiwan ang telepono. Mapulang-mapula ang kanyang mukha. Alam niya sapagkat mainit na mainit ang kanyang pakiramdam sa buong katawan. Napipi siya. Nangalog ang tuhod. Napaupo sa isang kalapit na silya.

“Hi, are you still there, Nene? Si Gino ito.”

“Yes, I hear you alright. Pa'no mo nalaman ang number ko. Nasaan ka ngayon?” pinilit ni Nene na maging normal at malumanay ang kanyang pagtatanong. Hindi dapat malaman ni makutuban ni Gino ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

“I am a resourceful fellow. You know that. Ikaw, kumusta? Kadarating ko lang from the States. O, ano, pupunta ka ba sa ating reunion? Talagang umuwi ako para lamang dumalo dito. O, pupunta ka ba?” ulit na tanong nito.

Huminga nang malalim si Nene. “Oo. Eto nga't gumagayak na, kasama ang mga bata. Ayaw nga noong una pero nakumbinsi ko rin. Sabi ko'y gusto kong makilala nila ang mga high school friends ko.”

“Mabuti. Gustung-gusto kong makita ka, pati na mga anak mo. At palagay ko, napakarami nating pag-uusapan. It has been a long time. Sige, magkita na lang tayo du'n. Okey?” patapos nitong wika.

“Okey, see you there, bye,” dahan-dahan, ibinaba ni Nene ang telepono. Pagdating sa banyo, pagkasara ng pinto, hindi na niya napigilan ang pag-iyak. Na kalaunan ay napalakas, kaya itinodo niya ang bukas ng gripo. “God, all those years...” bulalas niya, at ang dating mabagal na paliligo ay lalo pang bumagal. Hindi na niya maampat ang daloy ng kanyang mga luha, kasabay ang daloy ng mga gunita. Na ang dala ay sugat ng mga alaala na sa haba ng panahong nagdaan, kung tutuusin ay sapat nang maghilom, ngunit para kay Nene, naroon pa rin ang kirot, hinanakit, lungkot.


MAGKAISKWELA
sila ni Nonong mula sa una hanggang sa ikaapat na taon sa high school. Sila ang pinakabata sa mga kamag-aral at itinuring na “baby” ng mga nakatatandang kaiskwela. Nasa ikaapat na taon sila nang umpisahang itukso sa isa't isa. Na ikinagalit niya. Wala pa sa kanyang loob ang ligawan. Naglalaro pa nga sila nina Linda ng piko at jackstones. Pero si Nonong ay nagsimulang maging seryoso.

Madalas, sa magkatapat nilang pagkakaupo sa loob ng klase ay nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya. Inis na inis siya. At minsan, sinita niya ito.
“Hoy, ba't ba tingin ka nang tingin sa akin, ha? Tigilan mo nga 'yan. Nakakainis ka.”

Sagot nito. “'Sus, ikaw nga rin, tingin nang tingin sa akin. Pa'no mo nakitang tinititigan kita kung hindi ka tumitingin sa akin?”


Napikon siya. At agad tumanggi. “Itsura mo lang, bakit kita titingnan!”


“O, nagalit naman 'to. Yun lang, hindi na mabiro. Sige, hindi na kita titingnan ngayon, bukas na lang,” sagot nitong lalo niyang ikinainis.


Inirapan niya ito, may kasamang labi. “Hindi na kita kakausapin kahit kelan. Galit na tayo,” wika niya, sabay talikod.


Hinabol siya ni Nonong, humarang sa kanyang daanan, lumuhod at nagwikang, “Huwag ka nang magalit. Sige, sige, magbabait na ako.”


Para pa niyang nakikita ang nakatatawang ayos ni Nonong habang magkadaop ang mga kamay sa pangangakong magpapakabait na. Napatawa siya palibhasa ay hindi naman totoo sa loob ang kanyang galit. Pinandilatan niya. “Pangako, ha? Tandaan mo!”

“Oo, peksman, mamatay man ang kapitbahay namin,” wika ni Nonong na lalong ikinatawa ni Nene.

Iyon yata ang simula ng pinakamaligayang araw nila sa high school.

Pagkatapos ng graduation, bago sila naghiwa-hiwalay, may ibinigay sa kanya si Nonong. “Nene, pasensiya na. Iyan lang ang nakayanan ko. Alam mo naman, mahirap lang kami,” at hinawakan ang kanyang kamay, inilagay ang isang kahita sa kanyang palad. Maliit lamang ito, maliit pa sa kaha ng posporo. At magaan. Puti ang kulay. Walang balot.


“Ano 'yan? Bakit meron ka pang ganyan. Huwag na lang,” akmang isosoli niya ang kahita ngunit hindi nito binitiwan ang kanyang kamay. Kay lamig ng palad nito.


“Sige na, pagdamutan mo na. Alaala sa ating pagtatapos. Para hindi mo ako malimutan,” masuyong sabi nito.


Napatingin siya kay Nonong. Nakikiusap ang mga mata nito. At doon ay nabasa niya ang kataimtiman ng kalooban.


“'Sus, eh bakit naman kita makakalimutan, bata pa naman ako?” pabiro niyang tanong.


“Talaga, hindi mo 'ko malilimutan? Pangako?” sabik na tanong nito.

“Hindi. Basta pangako mo rin, hindi mo rin ako kalilimutan.” mataos sa kaloobang wika niya.



WARI,naalimpungatan sa pagkakatulog si Nene. May kumakatok sa pinto ng banyo. “Ma, tagal mo. Tatanghaliin tayo.”

Mabilis na lumabas si Nene. “Tapos na, 'andiyan na.”

Ngunit nagtagal pa rin siya sa pag-aayos sa kanyang sarili. Kailangang maging maganda siya. Higit na lalong maganda kaysa dati. Magkikita-kita silang magkakaiskwela. At darating si Nonong. naroon si Nonong! Parang umaawit ang kanyang puso.


Bago tuluyang umalis sa harap ng tokador si Nene, kinuha niya sa ilalim, sa sulok ng isang kahon nito, ang isang munting bote ng pabango. Bahagyang dampi sa likod ng mga tainga, sa may pulso sa puno ng kamay at naisip niya, handa na siya... nang masulyapan niya ang kanyang talaarawan.

Hinawakan ni Nene ang bolpen at muling sumulat. Tumawag siya, darating siya, magkikita kaming muli. At ngayon, mag-uusap raw kami. Ano kaya ang kanyang sasabihin? Ano ang aking isasagot? Kung magiging matapat siya sa pagsisiwalat ng kanyang nasasaloob, kailangan rin bang maging matapat ako? Sabihin ang aking nadarama? Noon? Ngayon? Hanggang ngayon?

Isinara ni Nene ang talaarawan. Isinusi. Ipinaloob sa isang tanging kahon na inilagay sa kasuluk-sulukan ng kanyang pansariling aparador.
Sa loob ng kotse, sa gitna ng pagkakaingay ng mga kasamang anak, pinabayaan ni Nene na tangaying muli ang kanyang diwa ng mga alaala ng lumipas na panahon.


TANDANG-TANDA ni Nene ang unang araw ng bakasyon pagkatapos ng graduation sa high school. Biglang dumating sa kanilang bahay si Nonong, iniimbita siya, kasama ang kanyang kapatid, sa pista sa kanilang bayan. Ang kanyang Tatang na dating may mataas na katungkulan sa kanilang bayan, bukod sa nabibilang sa angkang tinitingnan ay istrikto at hindi sila pinayagan.

Tandang-tanda rin niya ang bakas na bakas na lungkot at pagkabigo sa mukha ni Nonong nang nagpaalam ito. Inisip niya kung nahalata ni Nonong na nalungkot rin siya na hindi napayagang makipista rito. Ay, maghapon siyang nagmukmok noon. Hindi halos kumain at dinaan sa pagbabasa ng Liwayway para lamang walang kumausap sa kanya.

Sa Maynila, nang siya ay nag-aaral na at nakatira sa isang dormitoryo, nagkaroon ng pagkakataon si Nonong sa pakikipagkaibigan sa kanya. Minsan isang buwan, dumarating si Nonong at bumibisita sa kanya. Sa ibang bayan ito nakatagpo ng trabaho at talagang isinisingit ang pagdalaw sa kanya. May mga linggo na bigla na lamang itong sumusulpot. Lagi, may bitbit na tsokolate, pabango at tela para sa mga araw na itinuturing nitong espesyal. Tunay itong maalalahanin at ang linggo-linggo nitong pagtawag ng long distance call ay nagdudulot sa kanya ng tuwang ni minsan ay hindi niya naisatinig. Ngunit alam niya, nararamdaman din ito ni Nonong.

Kahit may kahigpitan din ang kanilang matron sa dormitoryo, dinaan niya sa karinyo ang pakiusap na payagan siyang lumabas mananghalian, kasama si Nonong. Ang mga ganitong sandali ay lagi niyang inaasam-asam at ipinagdarasal. Kung mababatak lamang niya ang mga araw para dumating ang sandali ng pagdalaw nito...

At siya ay nangarap. Sa lahat ng ito ay kasama si Nonong. Pagkatapos niyang mag-aral...

Sa pangalawang taon sa kolehiyo ay nagkaroon din ng iba pang tagahanga si Nene na bumibisita sa kanya. Ngunit lagi, si Nonong lamang ang kanyang hinihintay. Si Nonong na unti-unti ay parang naging makalilimutin. Ang dating regular na tawag sa telepono ay dumalang nang dumalang at ang buwan-buwan nitong pagdating ay naging minsan sa dalawang buwan. Maraming gustong itanong si Nene pero hindi niya nabigyan ng tinig ang kanyang mga katanungan. Hindi niya ito magagawa. Mamamatay siya sa hiya. Hindi ginagawa ng babae ang ganoon at magiging isang kagaspangan kapag nagtanong siya. Kinimkin niya sa sarili ang lahat ng ito. At naisip na lamang niya, siguro, mayroon na itong iba.

Ang madalang na pagdalaw ay tuluyang nahinto. Nauwi na sa hindi pagsipot. Naghintay pa rin siya. Ang kanyang talaarawan ay napuno ng mga sulat na ang benefit of the doubt ay ibinibigay pa rin niya kay Nonong. Baka abala lamang sa gawain. Baka nagkasakit.
Ngunit kalaunan, natala na rin sa dahon ng kanyang diary ito... o baka talagang meron na siyang ibang mahal...

Siya na dating masayahin ay naging malulungkutin. Hindi na siya katulad nang dati na palatawa at masigla. Tila nawalan ng buhay ang lahat sa paligid. Tuwing hapon, pagkagaling sa kolehiyo, inuutusan niya ang boy nila sa dormitoryo na magpatugtog sa jukebox sa katapat na tindahan ng There Goes My Heart at Cold, Cold Heart. Halos isang taon siyang ganito, umaasa, naghihintay. Awang-awa sa kanya ang mga kasama niya sa dormitoryo.


Hanggang isang araw ay para siyang biglang nagising. Wala na siyang hinihintay. Wala na si Nonong. At nariyan ang mga tagahanga niyang matiyagang nanunuyo, bakit siya nagtitiis? Isa sa mga rito ay araw- araw siyang inaabangan paglabas ng paaralan, inihahatid sa dormitoryo. Mabait, tahimik at maalalahanin ito. Damang-dama niya na taos ang pagmamahal sa kanya, bukod sa gusto siya ng pamilya.

Tinimbang niya ang sarili. At hindi naglaon, nahulog ang kanyang loob dito. Naging magkasintahan sila. Bumalik ang kanyang dating saya at sigla. Nagpatuloy ang daloy ng buhay. Kahit na ano ang nangyari, walang makahahadlang dito. At sila ng kanyang kasintahan ay ikinasal.
Tuluyang iwinaksi ni Nene ang nakaraan. Naging maligaya siya sa piling ng asawa at ng mga naging anak. Naging uliran siyang asawa at ina. At katulad nang dati, higit na masayahin, higit na maganda, waring hindi nagkakaedad si Nene.

Marahil, paminsan-minsan na lamang, kung sumingit sa kanyang isipan ang anino ng isang nilalang mula sa kanyang nakaraan. Ang kanyang kasalukuyan ay binubuo na ng kanyang pamilya, higit at lalo, ng kanyang kabiyak na lagi niyang kasama nang hindi pa nagtutungo sa ibayo ng dagat. Na kasama sana niya sa reunion...


Naisip niya si Nonong. O si Gino. Magkikita sila. Darating ito. Ngunit, kung tutuusin, wala naman pala siyang maraming sasabihin. Kukumustahin lang niya ito. Ano pa ba naman ang sasabihin at itatanong. Ngayon pa?



TANGHALI nang dumating sina Nene sa pagdarausan ng kanilang reunion. Marami nang tao at nagkakasayahan na ang mga dinatnan. Mabiis na hinapyawan ng paningin ni Nene ang mga naroon. Wala pa si Nonong. Naisip niya, baka naman nagbago ng isip. Baka hindi na pupunta. Nakadama siya nang panghihinayang. At lungkot din.

Ngunit bumalik ang kanyang sigla nang lapitan na siya ng mga dating kaiskwela. Kung narito lamang siya, parang hiling na bulong ng kanyang puso.
Nang buhat sa hawak na microphone, sumigaw ang emcee, announcing the arrival of our beloved classmate, Gino!

Napigil ang hininga ni Nene. Tumingin siya sa kinatatayuan ni Nonong, ni Gino, na dinudumog ng mga kaiskwela. Palinga-linga ito at nang magtama ang kanilang mga mata ay dagling kumalas sa grupo, tinungo siya at ang kanyang mga anak.
Kung walang mga tao, napaiyak na siguro siya.

Ipinakilala niya ang mga anak. “Wala si Daddy, nasa States,” sagot ng mga ito sa tanong ni Gino.


Nakita niya, makisig na makisig ito sa suot na beige na pants at dirty white na jacket na pinailaliman ng puting t-shirt. Nagbabadya ng kasaganaan at kahit naroon pa rin ang dating karos nito ay masasabing mayroon nang finesse at charm. At ang tuon ng tingin nito sa kanya ay ganoon pa rin, tumatagos wari hanggang sa kanyang kaluluwa.

Ang kamay niyang hawak ni Gino ay hinaltak ni Nene.
Tulad rin nang dati, may pasalubong na tsokolate si Gino sa kanya. At nang sila ay pauwi na matapos ang matagumpay na okasyon, sinabi nito, “It was nice seeing you again!”

Dahil bukas naman ang kanilang nakaraan ni Gino sa kanyang mga anak na malalaki na, tinukso siya ng mga ito. “Uy, si Mommy, ang saya! Sa wakas, nagkita na naman sila!”


“Talaga,” sagot naman ni Nene, Ngunit sa loob niya, parang hindi lubos ang nadarama niyang ligaya. May bahid ng lungkot na hindi niya matanto kung bakit. Parang may nakanti sa kanyang puso.

Dalawang araw makalipas ang pagtitipon, habang si Nene ay abala sa pagpirma sa mga papeles sa kanilang opisina, tumunog ang kanyang telepono.

Inangat niya ito, sabay wika, “Hello, good morning,” na sinagot agad sa kabilang dulo ng “Good morning, Nene. It's you, I know. Pwede ba kitang makausap sandali?”


Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Si Nonong! Gino na. Na inakala niyang pauwing States na. Ngunit sa boses na lamang, sigurado na siya. At hindi siya nagkamali.
“Hi, Gino, yes, sure. What can I do for you?” pa-ingles pa niyang sagot.

“Nasa gitna ako ng isang meeting pero kailangan kitang makausap. Napakarami kong scheduled meetings, ito at hanggang sa bago ako umalis, tatlong araw mula ngayon. Pero bago ako umalis, pwede ba kitang makumbida? Gusto ko sanang magkausap tayo. Please... don't say no,” naroon ang dating tunog ng pakiusap.

Saglit na natigilan si Nene. “Sino'ng kasama natin?”

“Diyos ko naman, Nene. Hanggang ngayon ba naman? Matatanda na tayo. Tayo lang dalawa. Meron lang akong gustong malaman bago ako umalis.”


“Dito sa opisina ko, after five, pwede na.”


“Hindi,” tutol ni Gino. “Mag-usap tayo sa isang lugar na makakapag-usap tayo ng maluwag at marami akong utang sa iyo. I'll treat you to dinner. Blow-out ko sa iyo.”

“Ok, kailan, para makapagpaalam ako sa mga bata. At bago ko malimutan, salamat sa mga ipinadala mong tsokolate at prutas. Ibinigay ni Dely. Natanggap kong lahat. Pati mga bata, enjoy.”


“Hindi ko nakakalimutan, iyon ang mga hilig mo. Hindi kita nakakalimutan. Kaya nga kailangan kitang makausap.”

“Dahil sa tsokolate? Hindi na kailangan. Salamat din sa pabango. Alam mo pa rin hanggang ngayon ang scent ko.”


“Alam mong hindi iyon ang dahilan. Basta meron akong gustong malaman at maliwanagan.”

“Ok, kailan?” tanong ni Nene. “Pwede ka sa Huwebes, dinnertime?”

“Tawagan mo ako bukas para malaman mo kung pwede.”


“Ok, fine. See you. And Nene... I still love you. Bye.”

Dahan-dahang ibinaba ni Nene ang telepono. Mabilis na lumabas ng opisina at halos liparin niya ang kanyang kuwarto sa dormitoryo kung saan nagpapahinga siya tuwing tanghali. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay binayaan niyang malayang dumaloy ang luhang kay tagal niyang pinigil. Para bang wala nang katapusan ang pag-agos nito, katulad ng walang katapusang pagsagi sa kanyang alaala ng isang kahapong natigmak ng matatamis at pinakamalungkot na sandali ng kanyang kabataan.

Tatlumpo't limang taon. Kay tagal na panahon. Na tuwing gigitaw sa kanyang kaisipan ay nagdudulot ng hindi matingkalang lumbay na hindi niya maisiwalat kaninuman. Ni kay Gino...


Kay habang panahon na naghintay siya at umasa. Halos gabi-gabi ay napapanaginipan niya ang mga matang iyon... nauulinigan ang mga bulong at pangako... na magsisikap ito sa pag-aaral, magtatrabaho at pagkatapos, pag may ipon na sila, magpapagawa sila ng magandang bahay. Para hindi ito maging alangan sa mayayamang kamag-anak niya. Para makapagmalaki sa iba niyang tagahanga na may mga sinasabi rin sa buhay.

Kay tagal na panahon pero bilang na bilang niya. Panahong nasilbing piping saksi sa kanyang pagtatangi... sa kanyang pagdurusa. Hindi nailibing ng panahon ang alaala ng nakaraan. Napaghilom marahil ang sugat, bagamat ang lamat ay mamamalaging nakabalatay sa hibla ng kanyang puso. Na babaunin niya hanggang sa kabilang buhay.

Walang dapat makaalam nito. Higit sa lahat, hindi dapat malaman ni Gino kung paano nito siya nasaktan. Hindi na nito dapat malaman. Ngayon pa?

Buo na sa loob niya. Bukas, pagtawag ni Gino, alam na niya ang sasabihin. May lakad pala sila ng mga bata at di maaaring iliban.

At sa kanyang talaarawan, alam na niya kung ano ang kanyang isusulat kinagabihan pag-uwi niya sa bahay. Salamat na lang, Gino. Sa ibang araw na lang. Kung may darating pa...

Thursday, March 15, 2012

NOONG ARAW. . . . PART 1


NOONG ARAW. . . . PART 1


Katatanggap ko lamang ng isang forwarded email tungkol sa larawan, tunog, lasa at kulay ng kapaligiran noong araw. Marami na akong tinanggap na ganitong uri ng email na tumatalakay ng panahong yaon na kung tawagin natin ay nineteen forgotten... ngunit ang isang ito ay talagang detalyado.

Masasabi kong hindi ko rin alam o nakita o naranasan ang marami rito (kasi po, e, isang hamak na promdi lamang ako...) ngunit sa inyo na naririyan at makababasa nito (na medyo society, na ngayon ay sosyal o sosi ang tawag), nakatitiyak akong makaka-relate kayo. May kakantiing alaala ang mga pook, pagkain, panoorin, at mga taong nababanggit rito. Kaya sa inyong pagbabasa, hayaan na lamang ninyong dumaloy ang mga gunita at sa ilang sandali ay maglunoy, wika nga, sa batis ng kahapon.
Inaanyayahan ko kayong gawin ito, at lalong mainam, i-share ninyo sa amin at sa iba pang tagasubaybay. Email lang kayo sa eve.manunulat@gmail.com Simulan natin...

Panciteria Moderna was the place to go for pancit miki and miki bihon already wrapped in their version of 'tetra pak' (banana leaves on wrapping paper tied with a rubber band). Pancit bihon was the specialty of Panciteria Wa Nam .. Kung gusto mo naman ng chopsuey rice doon ka sa Hen Wah, tabi ng Avenue Theatre.

(Naalaala ko ang Wa Nam. Nang nagtatrabaho ako sa isang film exchange na ang opisina ay sa Carriedo, malapit sa ShoeMart, dito kami bumibili ng pancit kapag may birthday ang isa sa amin. Saka pata tim. Sarap na sarap na kami noon. Kaya nang magkaasawa ako, dinala kong minsan ang aking mga anak sa Wa Nam sa branch nito sa Cubao. Hindi nila nagustuhan. Either nag-deteriorate ang lasa ng pagkain ng restoran o mas maselan lang ang mga anak ko kaysa sa akin.)


At sa Ma Mon Luk, siopao was at 30 centavos; mami was at 70 centavos or 2 pcs. of siomai (large) with unlimited soup for 30 centavos.. So with one peso busog ka na. Ngayon bigay mo piso sa pulubi, titingnan ka pa ng masama.

(Noon, kapag ang magboyfriend ay nagtitipid at nag-iipon para sa kasal nila, paboritong kainan ay ang Ma Mon Luk. Tandang-tanda ko, laging puno ito ng gustong magmiryenda. Hindi pa tapos kumain, may nakatayo na sa likod at nag-aabang ng mababakanteng silya.)


The Shangri-la in the basement of Shelborne Hotel (at the back) was the place to go for dates if you wanted a dark and cozy atmosphere. The Black Angel along Shaw Blvd near the corner of Kalentong in Mandaluyong was a very good place to listen to soft music (Fleetwoods, Lettermen, Cascades) and the lights were also quite low.


(Hindi ko alam ito. Naririnig ko lang ang Shelborne Hotel.)


Then with the introduction of the 'black light' you look like Dracula about to devour a beautiful victim. Kaya lang pag may pustiso ka itim ang labas kaya mukhang kenkoy ka. So do not dare to smile...


(Di ko rin ito alam. Disco lights, medyo alam ko.)


With Php 30.00- 50.00 in your pocket you were in pretty good shape for a date.

(A, totoo 'yan. Beinte pesos nga lang, okey na ang fried chicken sa Max sa Quezon City, nakataksi pa papunta, kung saan kinakantahan ka pa ng “My Funny Valentine ng kasama mo, at sunod, pwede pang magsine pagkatapos. Valentine at birthday, Max ang paborito. Reasonable ang gastos, nasa ilalim ka pa ng mga puno na may ilaw, romantic...)



'Bakuran' was the in-thing at parties with 'screening' from a friend to assist you in getting a dance with a girl who was very sought after.

(Heh heh, naranasan ko ba ang binakuran? Pag magaling kang sumayaw kahit hindi ka masyadong maganda, mararanasan mong bakuran. Pero kung maganda ka at seksi at ang tugtog ay sweet, ang sayaw ay slowdrag, kapal ng bakod mo. Lalo pa at hindi mo alam itukod ang kamay mo sa balikat ng kasayaw, madedenggoy ka ng kasayaw. Iyon kasing pagtukod ng kamay ang unang itinuro sa amin ng mga kapatid na lalaki pagsasayaw ng slowdrag.)


Wack-Wack, the Sky Room in Jai-Alai, the penthouse at the Rufino Bldg. as well as Capri at the Sarmiento Bldg right opposite it were the favorite places for proms and balls. Sikat ang event if the Dyna Souls (dubbed the Beatles of the Philippines ), The Tilt Down Men (the Sotto brothers, Ti to, & Val, favored the Dave Clark 5), Hi-Jacks, the Electromaniacs (later Electros) or the Bad Habits was the 'combo' playing.


(Ay, dinig ko lang ang mga Wack Wack at Sky Room na iyan. At mga combo na tumutugtog sa sayawan. Kasi, sa mga party namin sa dorm, panay turntable lamang at 33, 45 na plaka lamang sa Raon ang gamit namin. Na ang laging tugtog sa boogie ay Calendar Girl.)


Other popular bands then were the Bits and Pieces ( after the Dave Clark 5 hit), Purple People, Versatiles (remember the late Bobby Lim), Technicolors (whose drummer Tony Tuviera is now the producer of Eat Bulaga), Red Fox (forerunner of Hotdog), Jungle Cats, Glenmores, Robins, Crystals , Phantoms, and the Downbeats (where most of the Juan de la Cruz band came from notably Pepe Smith or Joey Smith then)...


(Nabanggit ang drummer, ang kilala kong drummer ay si Tony Velarde, na crush ko pa talaga sa kahusayan. At ang kilala ko lang na grupo ay ang Jazz Friends na binubuo nina Lito Molina, Angel Pena at iba pa. Hindi ko malilimutan kung paano nila tugtugin ang Planting Rice. At basta jazz, ang nakatatak sa utak ko ay si James Depriest, na bumisita noon at pinanood namin. Tinugtog niya sa drums ang kantang What Is This Thing Called Love... this funny thing called love. Wow talaga!)

What about gate crashing a 'Tipar' (for party) and the ensuing rumble between feuding barkadas: Havocs, Combat, Axis, Amboys, Mobs & Exotics, meron pang kanya-kanyang busina (car honking ID)...

(Karaniwan sa mga nagge-gatecrash ay nakainom na. Alam mo, amoy chico kapag kasayaw mo. Lalo at walang sen-sen sa bibig. Alam mo na, sen-sen sa bibig! Borax sa sahig!)


Remember BMI (Baguio Military Institute)? That school was a dumping ground for kicked out students from Manila and kids that needed discipline. Let's not forget ang mga taga 'Baste' (San Sebastian) Ang daming siga noong araw.

(San Sebastian! Ang aming dormitoryo ay katabi nito. Isang bahagi ng aming kuwarto ang kaibayo ng isang bahagi ng gusali ng eskwelahan, kumbento siguro or whatever, na may nakatirang hindi namin alam kung mga istudyante. Ang mga ito ay nakikipagkawayan sa amin. Hanggang sa dumalaw na nga sa dormitoryo ang iba. May isang barkada rin na palagiang dumadalaw sa amin sa dorm. Iyon ang panahong ang usong kanta ay Seven Lonely Days, Seven Days, Balihai... For a time, naging mabuti kaming magkakaibigan. For a time...)


Alta Vista along Roxas Blvd. was the favorite place for wedding receptions at Php 8.50 per cover! Ngayon, kulang pang pambayad ito sa parking fee.


(Wow, mahal pala sa Alta Vista. Kaya pala, marami sa ikinasal na taga-dorm noon, Aristocrat lang ang nakaya ng pinag-ipunan nila.)


Special ringside seats for performances at the Araneta Coliseum were at P5.00 per. So with P20.00 you could safely invite someone and still have enough for a snack afterwards or a game of 'putt and putt' at the mini-golf place located at the back of Araneta. Among the more popular celebrities who performed at the Big Dome were Neil Sedaka, Anita Bryant, Teddy Randazzo, Nat King Cole, Jo Ann Campbell, Paul Anka, Johnny Mathis (dito yata nag-umpisa ang pagiging fan ni Bebe sa kanya na dala dala hanggang ngayon), Matt Monro, Gary Lewis & the Playboys, Dave Clark 5, Zombies, Peter and Gordon and many many more.

(Kami mismo, marami ring napanood sa Araneta noon. Holiday on Ice, Bayanihan Dancers. Mga circus. At ang Osmonds. Mahal din kung gusto mo nang malapit. Minsan nga, para makatipid sa pagkain, nagbaon kami ng siopao na binili sa Mamon Luk. Naku, hindi pala masarap kumain ng siopao na malamig. Lalo pa noon na may tsismis tungkol sa nakapalaman sa loob nito! Gagana ang imahinasyon mo kung ano ang kinakain mo.)


Noon 5 centavos sa mga bata (*libre pag kandong) at 10 centavos naman para sa matatanda ang bayad sa jeep. Manila and Suburbs ang lahat ng biyahe ng jeep noon na 3 seater lang (AC ang tawag nila dito) at talagang Upong Diyes lang ang sigaw ng driver.

(Nakatutuwang karanasan ko, dalaga pa ako noon, pag naisip ko ngayon, sa minsang pagsakay ko sa jeep noon at pagbabayad, sinabi ng drayber na may nagbayad na para sa akin, ayaw namang ituro kung sino sa aking mga kasakay. Noon, nagpormal pa ako at nainis, na dapat siguro ay ngumiti na lamang ako at nagpasalamat sa kung sinuman. Na kung alam ninyo ang joke tungkol sa isang lalaking nagtatanong sa isang babai kung anong oras na... ay kung anu-ano nang senaryo ang sumilid sa isip ng babai. Saka ko na ikukwento ang kasunod, heh heh heh!)


Sa Avenida Rizal at Sta. Cruz, Blumentritt, Tayuman, Espiritu Santo Church , Grace Park, Pasay-Taft, Dakota - Harrison, Paco-Taft, Sta. Ana Tulay at BBB-Monumento ang mga sikat na lugar. Did you get an opportunity to ride the G-Liner from San Juan to Quiapo? It would crawl up to the corner of N.. Domingo to pick up passengers. That's why we called it Gapang Liner.

(Tunay na gumagapang ito at malayong-malayo sa JD at MD. Pero ang suki naming sasakyan ng kasama ko sa opisina ay ang Super Transit dahil ang kompanya namin ay nasa Pennsylvania, na Leon Guinto na ngayon. At guapo ang inspektor dito. Kamukha ni Dindo Fernando. Noon, bihis na bihis sila at maayos. Disente kumbaga.)


Gas was very cheap then and they can afford to keep the motor running for 2 hours at a snail's pace. Gasoline prices then were at 25 centavos per liter and there were only two types of gas; Premium or Regular.. Caltex called their premium 'Boron' as advertised by that multi-colored dancing lights on top of the old San Miguel Ice Plant. Near those dancing lights was the big white kettle pouring hot chocolate on a giant cup. It was sponsored by Cocoa Ricoa. Esso named theirs Extra to 'put a Tiger in your tank'.


(Hanggang sa magkakotse kami sa pamilya, mura pa ang gasolina. May panahong sakay kami ng aming Beetle, bibili lang ng lanzones, iikutin pa namin ang Laguna Lake para makarating sa San Pablo. Hindi ba laking gamit ng gasolina iyon? Ngayon, hangga't maaari, huwag nang gumamit ng kotse at makipag-carpool na lang pag-uwi sa probinsiya para mag-attend ng mga miting ng kaklase.)


Yung Good Earth Emporium pwede ring idagdag sa mga magagandang shopping mall noong araw. Yung Manila Grand Opera house, Clover, Odeon, Roxan, Hollywood , Cinerama, Avenue, Universal, Dalisay, Ever, Galaxy, Ideal, State, Lyric, Capitol ang mga sikat na 'first run' na sinehan noon. Movie tickets were selling at P1.20 and P1.50 kung Advanced Road show (meaning kasabay sa international release). Kung medyo nagtitipid ka naman doon ka na lang sa 'second run' theatres for P0.85 lang double program pa mapapanood mo.


(May kilala ako. Weakness yata ng partner niya ay panonood ng sine. Kaya lahat ng sinehan sa Avenida at Cubao ay napanooran nila. First run, pero sa orchestra lang daw, butaca kumbaga, hindi balcony o palco. Paglabas ng sine ay kakain sila ng “scrimp” sandwich, ganoon i-pronounce noong waitress ang “shrimp” sa Valleson o bibingka sa Nena's sa Cubao. Kapag naman sinabing Cubao, siempre, Manila COD at ang pambihirang Christmas display nito pagsapit ng holiday season. By the way, nagtrabaho ako sa isang film exchange at kami ang nagpalabas ng blockbuster na “Ma Barker”. Sa Alcazar Bldg. kami sa Carriedo, kaya masasabi kong teritoryo namin ang Quiapo noon. Mula sa bintana ng aming opisina ay pinapanood namin ang nagbebenta ng mga “buy watch” at mansanas sa kariton, ang galing gumimik sa pagbibilang ng isinisilid sa supot, pagdating mo sa bahay, kulang! Pasyalan naming magkakaopisitna, kapag lunch break ang pagwi-window shopping ng bags at sapatos sa ShoeMart. Speaking of Manila Grand Opera House, hindi ko ito napasok noong araw, ngunit ngayon na converted na ito sa Manila Grand Opera Hotel, madalas na kaming maimbitahang kumain doon, mula noong inagurasyon nito, hanggang sa ngayon. Swerte lamang na kaibigan namin way, way back, ang nasa likod nito.)


Remember those second run theatres like Main , Times, Society, Scala, Globe, Esquire, Vista, Republic, Mayfair and Palace. Bodavil was still a hit during the early 50s where Opera House featured the Lopito, Patsy, the Lou Salvador clan, Toto, Chichay, Ike Lozada, Pabo, Cachupoy etc. while Clover Theatre featured Pilita Corrales, Wing Duo, Reycard Duet, Bobby Gonzales, Sunday Contreras (anak ni Pugo), Eddie Mesa, Pugak & Tugak, Chuchi, Aruray, Doro & Popoy.. Did you know that German Moreno started as a utility man at Clover Theatre and did bit parts until he was discovered later on by Sampaguita Pictures.

(Right! Si German Moreno ay nagpupunta sa aming opisina at kumukuha ng mga posters, trailers at still pictures para sa mga nirerentang pelikula namin, na panay imported, bihira pang nagpapalabas ng local noon, Dalisay at Life lamang.)

Sa Q.C ay sikat yung Max's Chicken, Aristocrat Cubao at Dayrit..

(Max nga ang favorite venue noon ng mga magboyfriend na karaniwang empleyado lamang, at sa Aristocrat naman karaniwan nang tumatama ang ipong pera nila para sa reception sa kasal.)


Ang dollar rate noon ay P3.70/1$ ang palitan. Kung medyo kapos ka e takbo muna kay Tambunting or A. Aguirre pawnshop.

(Ay, P2 to $1 nga. Pero, noon, may alam akong P4.00/$1 ang palitan. Secret...)


Ang Cosmos Sarsaparilla ay 5 centavos (my favorite blended with raw egg) at 10 Centavos ang Coke at Pepsi. Mayroon din Cosmos Orange kung ayaw mo ng Sarsi. Kung may extra ka e di Royal Tru-Orange na. Pero sikat din yung 7-Up, Lem-O-Lime, Canada Dry, Uva at Bireley's strawberry and pineapple.. Kalaban ng Cosmos noon ay Ideal at Avenue soft drinks. Remember Fress Gusto, Yes Cola, Grassland Milk, Choco Vim. Pag may sakit ka naman pinapa-inom lang sa iyo Royal Soda Water at soda crackers. Kaya naman pag galing natin e takbo kaagad sa intsik (yun ang tawag natin sa kanilang sari-sari store noon bago sila nag diversify sa mga malls, transport, food production) at bili ng Coke and junk foods.


(Noong high school, naaalaala kong may mission orange na hindi kasing tapang ng Royal ang lasa. Saka may isa pa na hindi carbonated, iyong Tru-Ade. Kami noon sa UE, favorite naming miryenda ay pineapple juice at hopiang munggo, malalaki ito, sa canteen sa loob. Kapag sa canteen sa bukana ng building, malapit sa Azcarraga, na may jukebox pa kung saan pinatutugtog namin ay Sweet and Gentle, ang order namin ay pancit na may kasamang toasted bread, saka coke. Pero ito ay kung may magbabayad o blow-out lamang sa amin. Malimit na ang kapatid ko na nagtatrabaho na noon ang nahahatak ko rito. Mahal kasi, e, istudyante lang kami, limang piso isang linggo ang baon, kasama na ang pasahe pauwi sa Malolos. Sa dorm nga, miryenda namin ay salted biscuit -skyflakes na ba ito?- na nilalagyan namin ng senorita condensed milk at saka coke nga.)


Pag Pasko madalas kami sa Sta Cruz para manood ng palabas sa Manila COD para sa Xmas season. Mas magaganda ang mga palabas pag Christmas kasi wala pang Metro Manila Film Fest noon kaya lahat ng sinehan pagandahan ng pelikula. Noon wala pang Chippy at nachos, ang merienda ay banana cue, camote que, palitaw, biko, pinipig, halo-halo, carioca, pilipit, butsi, hopiang hapon, hopiang munggo, hopiang baboy, bibingka, puto, cassava, cake o budin, suman at mani.

(Mas malaki yata ang display sa Cubao na COD noon. Dinadayo na ito ng lahat at dito na lumaki ang aking mga anak. Isinasama naming manood ng sine ang mga bata, pero panay pelikula lang ni Dolphy.)


Ang mansanas ay apat-piso ang benta sa Lawton Bus terminal at sa Avenida. Mas mahal pa yung local na chico na pineras. Ang grapes, pear, at apple ang karaniwang binebenta sa mga bus terminal na papuntang south (BLTB). Ang bus noon ay bukas lahat yung isang side kaya doon dumadaan ang mga pasahero. Puwede ka rin bumili nito sa Echague (now C. Palanca) tapos bili ka na rin ng hopia at mani. Mga sikat noon ay Kim Chong Tin at United Foods. Dito din nakakabili ng Chinese ham na por kilo or isang buo na nakabalot pa sa papel at plastic net.


(Excellente yata ang ngalan ng hamon na nabibili sa Exhague. Dito nga nakabibili ng mainit na hopia. Ang bus na bukas ang isang gilid ay karaniwang sasakyan ng mga papuntang South – Batangas at Quezon. Ganito ang sinakyan namin papuntang Candelaria, Quezon, ang first time kong pinayagan na makasama ng mga kaopisina at makipista sa ibang bayan. Hindi ko gustong maupo sa gilid, baka ako mahulog. Hindi ganito ang mga La Mallorca/Pambusco na sinasakyan namin sa may Divisoria, biyaheng Hagonoy, hihinto ng Malolos, pauwi. Pero, class ka kapag sa Phil. Rabbit ka sasakay na ang istasyon ay sa may Avenida Rizal. Kaya lang, sa crossing lang ng Malolos ka bababa at magdyi-dyip pa papuntang bayan, sunod traysikel pa para maihatid sa bahay. Kung may kasabay kang uuwi, at gusto mo namang mas mahaba ang biyahe, e, biyaheng Bulacan, Bulacan ang sakyan mo. Kasi dito, bawat bahay ay hinihintuan para sa mga bababa at sasakay. Pag nga daw paluwas ng Maynila naliligo pa iyong sasakay, e, hinihintay na ng bus. Exaggeration na siguro ito. Pero di ba, mas matagal ang biyahe, mas matagal kayong magkatabi at nag-uusap ng iyong kasabay?)

Ang sikat na mga Plaza noon ay Plaza Goiti, Plaza Miranda at Plaza Sta. Cruz. Huwag kalimutan ang Barbecue Plaza na may "Pula-Puti" at beer. Sa mga bakery sa Manila ay sikat yung Herran Bakery, Jo- Ni's, Hizon's (favorite ni Dolphy kahit noon pa), Sta. Romana Bakery (kung saan ako tumatakbo kahit baby pa ako para bumili ng masarap na pan de sal, tunay pa nuon, walang hangin).

(Hindi ko malilimutan ang lengua ng Hizon's, talagang parang natutunaw sa bibig, sa lambot! Nang hindi pa masyadong matrapik, madaling pumunta doon. Pero ngayon...)


Remember Halili Beer, Toddy chocolate drink in cans, Horlicks malted milk tablets; Halili bus, Super (dog logo) Transit, Yujuico, JD & MD buses; MM Liner, Medina Transit, Capistrano Transit, Pantranco, La Mallorca Pambusco buses and taxis, Golden Taxicab and Yellow Taxicab, Dollar Taxi.


(Hindi pa aircon ang mga taksi noon. Lagi pang bukas ang mga bintana. Hindi pa talamak ang hold-apan. Pero takot akong sumakay sa taksi nang nag-iisa, noon hanggang ngayon.)

MORE... MORE... MORE...

NOONG ARAW... PART 2


NOONG ARAW... PART 2


Your favorite past time then was reading comics like Pilipino Komiks, Espesyal Komiks, Hiwaga Klasiks, Kenkoy Komiks. Kung medyo class ka naman binabasa mo mga Classics Illustrated (sometimes we get our book report from these comic books instead of reading the assigned novel) o kaya ay Tiktik. Dell Comics and Gold Key Comics from the US were also available at magazine stands.


(At huwag kalimutan ang Liwayway, Bulaklak, at ang movie magazine na Kislap. Sa Liwayway yata nagsimula sa akin ang lahat.)


ShoeMart started in Carriedo (the first SM was named Shoe World) followed by the 2nd ShoeMart beside Ideal Theater and then SM Echague with a revolving restaurant at the top floor.

(Ang alam ko lang Shoe Mart ay ang malapit sa opisina namin, nasa Carriedo. Pag ang binili mong sapatos noon ay halos beinte pesos, mahal na iyon. At ang taas ng takong. Ang tulis ng korte. Deadly weapon talaga. Nakakabili rin kami ng limang piso na flat shoes na ang tibay at maganda!)

Safari Club beside Manila Zoo at the height of the 'Twist' craze, Dance-O-Rama with Pete Roa & Baby O'Brien every 5 PM on Channel 5. If you wanted an earlier teeny bopper show, you watched Eddie Mercado in DJ Dancetime on Channel 11. Siyempre naman pag Friday, Nite Owl Dance Party hosted by Lito Gorospe, featuring the Celtics. Another delight to watch was 9-Teeners hosted by Jose Mari Chan, Rom Azanza and Tito Osias (all Ateneans) on Channel 9. Sampaguita was first seen as a cage dancer at 9 Teeners. Her real name is Tessie Alfonso. She got married to Nilo Santos of the Jungle Cats. Jeanne Young also hosted another teeny bopper show called The Insiders which guested the more popular combos at that time.

(Wala yatang tv sa dorm noong una, kalaunan na lamang nagkaroon at sa loob pa ng kuwarto ng matron namin.)

Siyempre sikat pa rin ang Student Canteen pag tanghali followed by Darigold Jamboree, hosted by Leila Benitez with Eddie Ilarde and Pepe Pimentel and Bobby Ledesma. Sa primetime naman nandoon ang The Big Show nila Cris de Vera, Oscar Obligacion at Sylvia La Torre. Then it evolved into Oras ng Ligaya when it migrated to ABS-CBN.. Remember Uncle Bob's Lucky 7 Club.. Who would forget Buhay Artista starring Dolphy and Panchito and a take off of a popular radio program Sebya Mahal Kita, Tang Tarang Tang with Pugo and Bentot on the lead.

(Lady Dean, iyan ang tawag namin sa matron ng aming dorm, mula sa tawag kay Leila Benitez noon. Na ang paboritong kanta ay “I don't know why, I love you like I do, I don't know why, I just do... I don't know why, you thrill me like you do, I don't know why, you just do. You never seem to want my romancing, the only time you hold me is when we're dancing...)


Sa radio naman siyempre ang Kapitan Kidlat, Kwentong Kutsero, Gabi ng Lagim, Salamat Po Doctor, Lola Basyang and of course Kahapon Lamang and Tia Dely's program which followed. Konti pa lang may TV set noon kaya sikat ka sa kalye niyo pag mayroon ka ng television at minsan SRO pa nga pag basketball (Yco, Ysmael, Utex, 7-UP)


(Sa radio, laging music lamang ang istasyon namin. Bawal ang drama. Pero, siempre, si Manang namin ay nakikinig kay Kuya Germs at Inday Badiday. Dahil diehard fan siya ni Guy at Pip.)


Now anyone who missed those days can't really claim they've seen and tasted the best. Every generation has its own set of 'Aces'. Do you recall when: You tasted Darigold Evap, Liberty Condensada, Sunkist Orange (in tetra packs), Magnolia Chocolait, Klim (the word 'milk' spelled backwards), Big 20 Hamburgers, Foot-long hotdog, Nectar choconut, Tweet & Jiggs Candies (by Mr. Krieger), Tootsie Roll, Serg' s Chocolate, kerosene-flavored popcorn and kropeck along Dewey Blvd, dirty ice cream, Magnolia Ice Cream sandwich, Selecta ice cream (now Arce Dairy) and their fre sh carabao's milk, Magnolia popsicles in orange, chocolate and tutti frutti, langka flavors, Sison Ice Drop in monggo, and buko flavors, Milky Way's buko sherbet, Acme Supermarket' s sundaes and Coney Island's 32 flavors?


(Tanda ko pa, pinakain ako ng kapatid ko, kasama girlfriend niya, sa Selecta, na nasa kanto yata ng Lepanto at Azcarraga. Nang tanungin ako kung anong ice cream ang order ko, ang sinabi ko ay Magnolia, e, Selecta lang ang tinda nila noon. Ashamed... Pero, footlong hotdog? Uy, Brown Derby 'yan sa may Morayta. May kwento yata akong iyon ang venue. Serg's chocolate? Sorry, pero ang kilala kong chocolate noon ay Van Houten, na dala sa akin ng isang dumadalaw!)


You went to: Arcegas at the Maranaw Arcade, Funhouse at Bricktown, Aguinaldo , Erehwon Bookstore, Alemars Bookstore, Bookmark, Botica Boie, Makati Supermarket D'Bankers Barbershop and Leila's Coffee Shop, Tropical Hut along Estrada, Acme Supermarket, Cherry Supermarket (now Foodarama), The Regent of Manila, Hotel Mabuhay, Manila Hilton, Christmas carnival (at Lawton in front of Letran College), Villa Pansol and Lido Beach, Aroma Beach and Jale Beach?


(Ja-Le Beach? Di ba UE Beach ito? Kasi, lahat yata ng outing ng mga taga-UE ay sa Ja-Le Beach. Kaya wala na kami sa UE, iyong barkada namin ay dito pa rin nagpupunta. Alemar's? Malapit sa Rizal Theatre sa Makati? Parang may munting cafe pa ito sa dakong likod na tagpuan at miryendahan ng nagkikitang magnobyo, mag-asawa, o magkaibigan. Arcega's? May branch din ito sa Marikina, kaya dito namin binili ang fire engine na regalo ni Santa Claus sa aming mga anak nang maliit pa sila, na hirap na hirap kaming itago sa likod ng kotse. Manila Hilton? Sa basement nito ay may restaurant, madilim, smorgasborg. Bagong uso noon. At kumain kaming minsan rito, para huwag namang maging ignorante sa lakad ng mundo.)


Rizal what? 'Who would be crazy to build a cinema in the middle of nowhere?' It turned out to be the best theater in the city of Makati then (at the same site now occupied by Shangri-La Hotel).

(Miss namin ang pagkawala nito.)


We ate at: The original A&W along UN Avenue in Manila, Aristocrat's Flying Saucer (across Malate Church), Bonanza Restaurant, Little Quiapo, Country Bake Shop, Selecta Restaurant, Taza de Oro, New Europe, Madrid , Cucina Italiana, La Cibeles at A. Mabini, Luau, The Makati Automat, Sulo Restaurant ( Makati ), Bulakena, Casa Marcos, Au Bon Vivant, Salambao Restaurant, Dairy Queen, Di Mark's Pizza in Cubao, the elegant dining room of the old Army & Navy Club.

(Bonanza sa may highway, di ba? Ang natatandaan ko rito ay mga kaiskwela sa high school na nanggaling sa San Fernando, Pampanga at nagkayayaaan na dumaan rito para makakain ng roast calf. Hintay kami nang hintay sa isang inaasahang magbabayad na huli na nang dumating, kasi ay bumangga pala ang kotse sa gilid ng aqueduct sa Candaba, buti hindi nahulog, kundi, walang magbabayad sa kinain namin. Alam ko ang Bulakena, nasa Harrison pa man ito, kasi nagpupunta kami roon, kamag-anak namin ang may-ari at doon nakatira ang mga kapatid kong nag-aaral sa PWU.)

Botica Boie in Escolta, Alba's in Florida St. , Malate, Brown Derby and their signature foot-long hotdog came with its special, extra tarty mustard sauce and a hot, crispy bun.. We used to park at their drive-in bays after we were exhausted from all-night partying but with enough energy to gobble down sausages and soft drinks.

(Bihira akong mapunta sa Escolta.)


The Plaza was the favorite venue for all formal school and social functions. Every Friday night the Plaza became an instant disco-teque called 'POW'. Food was not a big factor so long as cozy couples could have their special table for two.


(Hindi ako natuntong rito. Ang plasa na alam ko ay nasa Malolos. Iyong ang tawag namin sa palengke. Plasa. Punta ka sa plasa, bumili ka ng halabusin na malabansi. O aligasin para sa paksiw. At saka ang mga prom namin at graduation ball noon ay hindi sa hotel. Doon sa Glorietta sa may provincial capitol, na ang tumutugtog ay hindi sina Payawal, kung si Jule's & His Orchestra. Mga kaiskwela, natatandaan pa ba ninyo?)


You shopped at: Bergs, Soriente Santos, Assanda's, Oceanic Commercial (where you bought original watches and jewelries), Syvel's, Walk-Over in Escolta, Good Earth Emporium, 15c and Up, Manila COD, Avesco at Avenida Rizal, Rustan's San Marcelino, Aguinaldo's in Cubao.


(May kilala ako na kapag naregaluhan ay takbo na agad sa tindahan kung saan ito binili para siguro malaman kung magkano, lalo at manliligaw niya ang nagbigay. Tunay namang galante ang regalo, Oceanic ba naman. Ito ang kanyang piniling makaisang-palad. Okey naman sila. Sa simula. Iyong mga kasunod na kabanata ay hindi ko na alam!)


The original Rustan's was the garage of the Tantoco's residential house which was eventually converted into a dazzling shop filled with eclectic things and collectibles.


(Mainam ring mamili sa Rustan's. Mayroon din nito sa Cubao kalaunan. Dito ka nakabibili ng magagandang blouse, na mahal nga, ngunit sulit naman sa tibay, at classic ang style. Kaya sawa ka na ay hindi mo pa rin maiwanan, nanghihinayang ka, kaya ginagamit pa rin.)


You would want your wardrobes (pang-porma) tailor-made. So you went to RM Manlapat, Toppers, Fifth Avenue, Estacio's, Sleek's (owned by Eddie Ilarde) or D'Sharp (owned by Dolphy) for your Continental style pants and shirt-jack (Marcos loved this style) or the sleeve shirt. If you wanted a groovy denim pants, you would buy the finest denim material at Divisoria and brought it to Gulapa's. Levi's was not a by-word then.

(A, ang mga amerkana namin ay sa isang sastre sa Pasay ginagawa.)


For school uniforms, we would love to wear our khaki pants from the famous RTW shop called Macomber in Quiapo. Or, our parents would just buy us a pair of Sabur or Savalbarro khakis. When it came to footwear, siyempre mas maganda pasadya especially when you want a good Chuka Boots, Spanish Boots or Beatles Boots. You went to Glenmore or Camara shoe makers. Pag casual naman siyempre US Keds, pero kung medyo low budget lang e puwede na rin ang US Kids. For sports shoes you would want a pair of Converse Chuck Taylor, and if you were on a low budget you bought Custombuilt or Edwardson. But if you wanted to float on water (as the advertisement claimed) you wore Marcelo Rubber Shoes black! Yan ang sinusuot ni Kenkoy.


(Gregg shoes! Diyan ako lumaki, at diyan ko rin pinalaki ang aking mga anak! Iyong moccasins ng Gregg na sapatos ko sa high school, napaka-massive ang hitsura. Kaya minsan, kasama ko ang isang kaiskwela na umakyat ng hagdan papuntang second floor ng aming school building, lagot! Nakagalitan kami. Paano ba naman, nasa ilalim ng hagdanan ang opisina ng school newspaper at nagkataong naroon ang aming teacher na adviser ng staff. E, dumadagundong daw ang bagsak ng aming mga paa. Sabihin mo'y kami ng aking kasama ay! kapwa kamag-anak ng nasabing teacher)


Blockbuster movies were: The Ten Commandments, Shane, High Noon, King and I, South Paci fic, Horrors of Dracula, Gunfight at OK Corral, Psycho, House on Haunted Hill, Magnificent Seven, The Alamo, Spartacus, West Side Story, Ben Hur, Longest Day, Madame X, Guns of Navarone, King of Kings, El Cid, Breakfast at Tiffany's, The Birds, Elvis' movies like Love Me Tender, Loving You, Jailhouse Rock, King Creole, Blue Hawaii , GI Blues, and the Beatles' Hard Days Night, Help, Yellow Submarine, The Graduate, Romeo and Juliet and of course the ever popular The Sound of Music.

(Elvis Movies? Napanood ko yatang lahat iyan. Sa Love Me Tender nagsimula ang pagiging paborito ko sa kanya. Isang kasama ko sa dorm naman ang naiinis nang panoorin ang West Side Story. Kinikilig na raw siya dahil maghahalikan ang mga bida, e, bigla na lamang bubunghalit ng kanta! Tawa lang namin nang ikwento ito. Wala sa listahan sa itaas ang mga naging paborito ko ring pelikula, ang Irma La Douce kung saan ko nagustuhan si Shirley Maclaine, at ang Stalag 17, isang war story.)


You had your hair styled or permed by: Nomer's, Lita Rio, Grace Lagman, Dick & Lucy, and Kayumanggi. That was the time of Aqua Net stiff, foot-high beehives, French twist and Kiss Me liquid eyeliners and Pretty Quik instant facial blotters.


(Sa dorm, kapag panahon ng mga Acquaintance o Valentine Party, bising-bisi ang parlor sa tapat namin, sa itaas ng Cunanan's School Supplies. Dito nagpapa-manicure at paayos ng buhok ang mga may pambayad. Ang wala ay nagse-set na lang ng buhok na binasa ng beer, pincurls o rollers, saka i-ti-tiss para magkaroon ng body, sunod ay aayusin ng ala Jackie Kennedy na flyaway. Tapos ay magsusuot ng mga balloon skirts na susun-suson ang petticoat sa ilalim.)


You sang: Dont Be Cruel and Hound Dog by Elvis, April Love by Pat Boone, Fool's Paradise by Buddy Holly, Mack the Knife by Bobby Darin, Bobby, Bobby, Bobby by Jo Ann Campbell, Devoted to You by the Everly Brothers, Someday by Ricky Nelson, One More Chance by Teddy Randazzo, Calendar Girl by Neil Sedaka, Puppy Love by Paul Anka, Young Ones by Cliff Richard, Walk Dont Run by The Ventures, Apache by the Shadows, A Hard Days Night, All My Lovin, Yesterday, Hey Jude by the Beatles, World Without Love by Peter and Gordon, Cherish by the Association, Because by Dave Clark Five, Distant Shores by Chad and Jeremy.

(Right! Usung-uso noon ang mga songhits. At sa dorm, kapag walang ginagawa, nagkulumpong ang dormitoryana sa ibabaw ng isang kama at sama-samang kumakanta. Minsan nga, ang nakahumalingan ay mga kanta ni Cely Bautista, Hinahanap Kita, Irog Ako ay Mahalin, at ang awit na Mga Bakas ng Lumipas.)


Saved your whole month's allowance of P50.00 to watch the Beatles perform live at Rizal Memorial Coliseum in 1966 (July 4).

(Alam ko lang, nagkaroon ng isyu ang Beatles noon.)


It was hip to listen to: Bingo Lacson, Lito Gorospe, Bong Lapira, Eddie Mercado, Jack Henson, Art Galindez of DZMB and Jo San Diego (past midnight) of DZMT, Sonia Basa, Ronnie Quintos, Naldy Castro of DZWS, Harry Gasser, Joe Cantada and Jose Mari Velez of DZHP; the singing sensations from Ateneo de Manila, RJ and the Riots, The Loonilarks, Jose Mari Chan and the Twofus ( Ronnie Henares and Jojit Paredes) and dance to live combo music garbed in cocktail dresses and dark suits.


(DZHP at si Jose Mari Velez! Nakahingi pa ako sa kanila ng isang booklet ng mga awit na ang kumakanta ay si Mitch Miller. Down by the Olde Millstream... On Top of Old Smokey... Jeepers Creepers... )


DZMT was affiliated with the Manila Times and was one of two radio stations operating after 12 midnight... The other station was DZHP whose program was taped. Jo San Diego of DZMT went on live (she with the velvety bedroom voice. She could still be heard today at DWBR every Sunday afternoons).


(May kaibigan ako na kauna-unahan yatang nagkaroon ng transistor radio sa dorm. Gabi-gabi, nakikinig siya sa isang music program na ang theme song ay High and Mighty. Mga light classics ang tugtog.)


And danced at: Manila Hotel's Jungle Bar, Stargazer, Bayside Night Club (with live music by the Carding Cruz band), the Nile , D'Flame, Rino's, Wells Fargo, Nautilus, Hi-Ball and Bulakena. Or, maybe rode a Motorco with your date and went around Dewey Boulevard . When you got hungry you would drop by the Barbecue Plaza . You tried your luck at the Pula-Puti joint in Russell Street.


(Jungle Bar sa Manila Hotel, napunta kami ritong magkakaklase sa high school. Noon pa lamang nagsisimulang mabuo ang core group na siyang uugit at hanggang ngayon ay umaagapay sa mga nagiging miyembro ng Pamunuan ng aming Klase. Buhay pa noon ang aming Valedictorian na siyang pasimuno na madala kami roon.)


Do you remember when: Malate streets were named after US States ( Pennsylvania , Tennessee , California , Colorado, Carolina, etc.); Paranaque , San Juan, Makati , Pasig , Las Pinas, Taguig, Pateros and Muntinlupa were municipalities of Rizal province; DLSU was De La Salle College, Poveda was Institucion Teresiana, Adamson University was the original St. Theresa's campus in San Marcelino, Robinsons Mall was the Assumption Convent campus, Petron was Esso, Villamor Air Base was then known as Nichols Air Base, bancas were aplenty in the Baclaran side of Dewey Blvd.. (now Roxas Blvd. ) and traffic was non-existent in Tagaytay.

(At kasama ang Marikina sa Rizal! At ang kompanyang una kong pinasukan ay nasa Pennsylvania. At ang Recto ngayon ay Azcarraga noon.)


PLDT telephone numbers were five digits and you used your index finger to dial a number one at a time.

(3-76-39! Telepono ba ito ng aming dorm o ng aming opisina?)


Sikat ka sa barkada kung may 'syota' kang 'Colegiala' (Assumption, STC, St. Scho, Maryknoll, Holy Spirit, St. Paul 's, St. Joseph's , Sienna, PWU, Sta. Isabel at La Consolacion) . Siyempre hindi rin naman papahuli ang mga coeds natin from UP, UST, UE and FEU. As proof, you should be wearing her high school ring in your pinkie finger.

(Or wearing your boyfriend's college ring! And letting him wear yours.)


If you remember all these things, you're history in great company and I dare say.................. HAPPY TO BE !!! : )

TO VI M. WHO SENT ME THIS, THANKS FOR THE MEMORIES!!! AND THANKS ALSO TO THE ONE WHO SENT THIS TO YOU!!!

Monday, March 5, 2012

MARSO, ANG UNANG BUWAN NG TAON

aquamarine, modern birthstone of March


Daffodil. birth flower of March

MARSO, ANG UNANG BUWAN NG TAON


Ang unang buwan ng Tagsibol ay ang buwang kumakatawan sa Marso. Ito ay itinuring na siyang marapat maging buwang magsisimula sa isang taon, noong unang panahon. Sa mga sinaunang kalendaryo sa Roma, ito ang ginamit na unang buwan na pinangalanan ng Martius, bilang parangal kay Mars, ang Roman God of War. Noon, ang kalendaryo ay naglalaman lamang ng sampung buwan, kung saan ang Hulyo ay dating tinatawag na Quintilis, ibig sabihin ay panlima, at ang Agosto ay Sextilis, na ang kahulugan naman ay pang-anim. Kalaunan na lamang ginamit ang Gregorian Calendar na ang taon ay nagsisimula sa Enero.

Ang mga birthstones ng buwan ng Marso ay aquamarine at bloodstone, na nangangahulugan ng katapangan o kagitingan. Ang bulaklak na kumakatawan naman dito ay daffodil, Naaalaala pa ba ninyo ang tula ni William Wordsworth na pinag-aralan natin sa high school?

I WANDER'D lonely as a cloud
That floats on high o'er vales and hills,

When all at once I saw a crowd,
A host, of golden daffodils;
Beside the lake, beneath the trees,
Fluttering and dancing in the breeze.


Continuous as the stars that shine
And twinkle on the Milky Way,
They stretch'd in never-ending line

Along the margin of a bay:

Ten thousand saw I at a glance,
Tossing their heads in sprightly dance.


The waves beside them danced; but they

Out-did the sparkling waves in glee:
A poet could not but be gay,
In such a jocund company:
I gazed—and gazed—but little thought
What wealth the show to me had brought:


For oft, when on my couch I lie
In vacant or in pensive mood,
They flash upon that inward eye
Which is the bliss of solitude;

And then my heart with pleasure fills,
And dances with the daffodils.

By William Wordsworth (1770-1850).

Kung sa Roma noong unang panahon, ang Marso ang simula ng kanilang kampanya militar, sa Pilipinas naman, sa buwan ng Marso karaniwan nang inoobserbahan ng mga Katoliko ang Kuaresma. Sa pangkalahatan, karaniwan ding sa buwang ito nagaganap ang mga graduation sa iskwelahan – elementarya at high school. Sa mga matagal nang nagtapos ng pag-aaral, ito naman ang simula ng pagdaraos ng kani-kanilang reunion.

Sa aming klase at sa marami pang iba, may naiba na sa petsa ng pagdiriwang ng reunion. Marami sa mga nagtapos ang ngayon ay nasa ibayo na ng dagat at doon naninirahan. Dahil nasanay na sila sa magandang klima doon, marami sa mga nagbabalik-bayan ang hindi na makatagal sa init ng panahon sa buwan ng Marso. Lalong-lalo na sa mga umuuwi at dumadalaw na senior citizens, na siya namang masisipag makipag-reunion sa mga kaiskwela. Higit nilang gusto na sa buwan ng Enero o Pebrero gawin ang reunion ng kanilang klase. Nahahabol pa nila ang kaunting lamig na naiwan ng Disyembre.

Kaya ngayong buwan ng Marso, abala ang lahat sa paghahanda sa mga reunion na sa Enero o Pebrero pa ng susunod na taon ipagdiriwang.
Sa ibang mga alumni, higit naman nilang nais na gawin ang kanilang reunion sa mismong petsa ng kanilang pagtatapos sa high school. Ganito rin kami noon, Abril ang buwang pinipili namin dahil sa buwang ito kami umakyat ng entablado upang abutin ang nakabilot na “kokon band” na may taling lasong kulay green at gold na class color namin. Karaniwan nang binabalikan na lamang sa iskwelahan ang tunay na diploma.

Sa mga pagkakataon ring ito huling nagkakausap, nagkakaulayaw, nagkakakwentuhan, nagpapaalaman ang magkakaiskwela na papalaot na sa pag-aaral ng kani-kanilang “karera” sa “Menila”. Na ang mga kukunin ay “Normal” kung elementary education sa Philippine Normal College ang pag-aaralan, o “Commerce” sa PCCBA na naging UE kalaunan. O sa FEU. O steno/typing muna kung “Secretarial” sa PCC o Philippine College of Commerce, na Polytechnic University of the Philippines ngayon. O Medicine sa UST. Law sa UP. O Engineering sa Mapua. Na haharap na sa “isang di tiyak na hinaharap”, tulad nga ng nabanggit sa isinatagalog na talumpati ni Carlos P. Romulo sa kanyang “Ako'y Pilipino.”


Na sa puntong ito ng aming buhay ay natiyak na namin kung ano ang hinaharap na ito. Masasabing sa ngayon, narating na namin ang kung anuman ang nais naming marating sa aming buhay o sumapalad na kung anuman ang kapalarang ipinagkaloob ng nasa Itaas sa amin.

Sa idinaraos naming mga reunion, hindi pinag-uusapan kung ano naabot na pinag-aralan, kung ano ang pusisyong narating sa hanap-buhay, kung naging mayaman. Lagi, ang mahalaga lamang ay ang pagkikita-kita, muling pagsasama-sama, at sa mga may maituturing na “nakaraan” o “history”, ekanga, ay ang masilayang muli ang nilalang na unang nagpatibok sa kanilang puso.


Marami akong kwento tungkol sa reunion. Ngunit ang ilalagay ko ngayong Marso ay hindi ako ang gumawa. Ito ay “sharing” ng isang kaibigan.