Thursday, April 21, 2011

PASYON SA MAHAL NA ARAW


Minsan, hinahanap-hanap rin natin ang mga tradisyunal na himig na kakawing ng mga idinaraos na selebrasyon o okasyon sa ating buhay. Kapag Mahal na Araw, ito ang Pagbasa ng Mahal na Pasyon.

Noong araw, dahil sa safety in numbers, malakas ang loob naming magbasa o umawit ng Pasyon sa mga pinupuntahan naming bisita sa mga baryo. Basta at marami kaming bumabasa, hindi na halata kung sino ang sintunado o pumipiyok. Wala na ring kahiyaan ito, sa lakasan na lamang ng loob. Ang reward naman ay masarap (kahit di nga masarap, okey na rin) na merienda pagkatapos kumanta.

May nakapagsabi sa akin tungkol sa Pasyon sa internet. Ang galing nga, kaya, nais kong kayong nasa sa malayong bayan at wala dito sa Pilipinas, ay makarinig ng himig ng Mahal na Araw ngayon. Puntahan lamang ninyo ito:

http://visitaiglesia.net/html/pasyon.html

at makiawit na rin kayo!

Monday, April 18, 2011

MAY KANI-KANIYANG KRUS



MAY KANI-KANIYANG KRUS


HUWEBES Santo. Walang pasok sa opisina. Maagang gumising si Nellie. Naligo. Nagbihis.

“Aalis ka? Saan ka pupunta?” tanong ni Ruben.

Napatigil si Nellie sa pagme-makeup. Napabuntung-hininga. Sa loob-loob niya, narito na naman ang walang katapusang tanong. Aalis ka? Saan ka pupunta? Sino'ng kasama mo? Anong oras ka uuwi?

Huminto sa ginagawa si Nellie at nilapitan ang asawa. Umupo sa gilid ng kamang kinararatayan nito. Hinimas ang kamay. “Magbibisita-iglesya ako.”

“Sino'ng kasama mo.?”

Sabi ko na nga, naisip ni Nellie. Bumalik siya sa harap ng tokador. “Wala. Mag-isa lang ako.”

“Anong oras ka uuwi?”

Ibinagsak ni Nellie ang hairbrush sa ibabaw ng tokador na tumama at nagpatilapon sa isang pulbera. Natapon at kumalat sa sahig ang pulbos. Binalingan niya ang nakahiga. “Hindi ko alam kung anong oras dahil depende sa trapik, depende sa layo ng mga simbahang pupuntahan ko. Ang Santo Domingo ay nasa Quezon City. Tutuloy ako sa Quiapo. Sa Manila Cathedral. Sa San Agustin. Saka sa Baclaran. Sa...” ang pagkayamot ay hindi naikubli ni Nellie.

“Wala naman akong ibig sabihin, Nellie. May gusto lang sana akong ipabili sa yo,” kay hinay ng tinig ni Ruben.

Nakadama ng pagsisisi si Nellie sa inasal sa asawa. “Ano?” malamig na ang kanyang tinig.

Hindi kaagad sumagot si Ruben. Dinampot ni Nellie ang kanyang handbag at tinungo ang kama. “Magpapabili sana ako ng bagong Bible, yung malaki-laki ang letra. Hindi ko masyadong mabasa iyong luma. May deperensiya na yata ang salamin ko,” sagot ni Ruben, ang mga mata'y nakapako sa mukha ni Nellie.

Ang laki na nang ipinayat ni Ruben, napuna ni Nellie. Ngunit ang pagkaawang biglang nadama ay hindi pinabayaan ni Nellie na malarawan sa kanyang mga mata. Yumuko siya at hinalikan sa pisngi ang asawa. “Pahinga ka lang...”

Sa biyahe patungong simbahan ng Santo Domingo, hindi pa rin mapaknit sa isipan ni Nellie ang anyo ni Ruben. Hapis ang mukha, nanlalalim ang mga mata, halos buto't balat na. Isang malabong anino na lamang ng dating Ruben. Ilang taon na ba itong maysakit? Ilang taon na siyang nag-aalaga. Nagtitiis. Kailan nga ba nagsimula ang lahat.

Ipinakilala sa kanya ng isang kaibigan si Ruben. Ang simula. Matangkad ito at guwapo, executive sa isag malaking kompanya, may sariling kotse, masayang kausap. Matalino. Nalaman din niya, simpli ang pamilya, biyuda ang ina, propesyunal at nagtatrabaho ang dalawang nakababatang kapatid, walang kasintahan, katatapos lang makipaghiwalay.

Interesado siya kay Ruben at nahalata niyang interesado rin ito sa kanya. Binisita agad siya sa kanilang bahay. Inistima naman niyang mabuti. Sinundo siya sa opisinang pinapasukan. Sumama siyang kumain sa labas. Hindi nagtagal at nagtapat ito ng pag­ibig. Hindi niya pinagtagal at sinagot ito. Pagkalipas ng ilang buwan ay niyaya na siyang pakasal. Pumayag naman siya. Ang bilis, sabi nga.

Tunay ngang naging napakabilis ang mga pangyayari sa buhay nila ni Ruben. Ikinasal sila at sa loob ng isang taon ay nagkaanak. Tatlong taon at dalawang anak. Limang taon at tatlong anak, at isang katamtamang laking bahay sa isang subdibisyon sa labas ng Maynila. Hindi siya tumigil sa pagpasok sa opisina dahil maganda ang kanyang puwesto at mataas ang suweldo.

Sabi ng kanyang mga kaopisina at iba pang kaibigan, masuwerte siya. At totoo nga. Dahil mabait na asawa si Ruben. Mabuting magpamilya at talagang mahal na mahal siya. Bihira raw lalaki ang maalalahanin, na nakaaalalang magregalo sa asawa pagdating ng bertdey at anibersaryo at Pasko at Valentine. Isa sa mga bihira si Ruben. Talagang wala na siyang mahihiling pa.

Nang dapuan ng sakit si Ruben, isang uri ng arthritis na apektado ang buong katawan. Napakasakit. Halos mapaluha ito sa bawat galaw, bawat kilos ng katawan. Panandalian lamang ang ginhawang ibinibigy ng gamot. Gagaling at lalakas ng ilang buwan. Babalik ang sakit at mararatay ulit ng ilang buwan. Bumilang ng kung ilang taon na ganoon ang lagay ng kalusugan nito hanggang dumating ang araw na talagang kinakailangan nang tumigil sa pagtatrabaho.

Nagbago si Ruben nang magkasakit. Naging mausisa. Bakit ngayon ka lang.

Pagod siya, sa opisina at sa biyahe, nabenta na ang kanilang kotse, hindi siya marunong magmaneho, ang ganooong tanong ay hindi na niya sinasagot. Halik sa pisngi ang sagot niya.

Naging matampuhin din si Ruben. Natatamad ka nang kausapin ako. Nagsasawa ka na sa akin...

Noong una, parang kinukurot ang kanyang puso kapag naririnig ang sinasabing ito ni Ruben. Awang awa siya sa asawa dahil nauunawaan niya ang damdamin nito. Kung siya ang nasa katayuan nito, ganoon din ang kanyang mararamdaman. Dating malusog, naghahanap-buhay, lumalabas ng bahay, ngayon ay halos di makalayo sa higaan. Nanaisin pa siguro niya ang mamatay. Na naging bukambibig ni Ruben.

“Huwag mong sasabihin 'yan,” saway niya.

“Wala na akong silbi,” hinakdal ni Ruben.

“Mahal ka namin. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Basta magpagaling ka. Ito'y isa lamang pagsubok.”

Ngunt hindi niya matanaw ang katapusan ng dinaranas na pagsubok. Mahal niya si Ruben ngunit may mga pagkakataong siya naman ang nangangailangan ng pagmamahal, pag-aasikaso, pag-unawa. Na hindi na maibigay ni Ruben.

Gusto na niyang sumuko.


“HUWAG,” sabi ni Jimmy, isang kaibigan sa opisina. Nasa kantina sila noon, nanananghalian. “Ang kailangan moy maglibang-libang. Makipagkwentuhan.”

“Ay naku, wala na 'kong panahon diyan. Kulang pa nga ang beinte kuwatro oras sa akin,” sagot niya. “Tulad ngayon, pagkakain ,e pipikit ako sandali. Babawi ng puyat.”

“Nellie, walang therapy sa tulog pero meron sa pakikipagkwentuhan. Dahil nailalabas mo ang hirap ng iyong loob.”

Natawa siya, “Kailan ka pa naging psychologist, Jimmy?”

Hindi tumawa si Jimmy. “Mula nang umalis si Millet. Alam mo bang wala na si Millet. Nasa States na?”

Nabalitaan niyang wala na nga si Millet, ang asawa ni Jimmy. Isa itong medical technoogy graduate. “Alam ko. Susunod ka naman sa kanya, di ba?”

Umiling si Jimmy. “Iyon ang pamalita ko, Nellie, pero ang totoo'y naghiwalay na kami.”

Nagulat siya. “Bakit? Anong nangyari?”

Muling umiling si Jimmy. “Sabihin na lang natin na irreconcilable differences.”

At sa buong maghapon sa unang pagkakataon ay nawaglit sa kanyang isipan si Ruben. Napagtuunan ng kanyang pansin si Jimmy. Kaya pala parang iba si Jimmy. Dating masaya ito at palabiro.

Muli silang nagkasabay sa pagkain sa kantina ni Jimmy, tanghalian at miryenda. Minsan, nasasakay pa siya sa kotse nito hanggang sa istasyon ng love bus. Hindi matapus-tapos ang kanilang kuwentuhan, kung anu- ano lamang . Mga kwentong dati'y kay Ruben niya ikinukwento. O marahil, kay Millet nito ikinukwento. Totoong nakapagpapagaan sa kanyang kalooban ang pakikipag-usap na ito kay Jimmy. At nadama niya, kinasasabikan na niya ang araw-araw nilang pagkikita.


SA QUIAPO, sa harap ng Mahal na Poong Hesukristo na may pasang krus, matagal na nagnilay-nilay si Nellie.

Pare-pareho na tayong may pasang krus, wika niya. Si Ruben din, may pasang krus. Si Jimmy rin. Ako. Lahat ng tao, may kani-kaniyang krus na dapat dalhin. Ngunit Diyos kayo, kami'y tao lamang, hinaing niya, may halong pagtatampo.

Ang sagot ay waring narinig niya mula sa kanyang kaibuturan...

Na kailangang bang si Hesus lamang ang magpasan ng krus para maligtas ang lahat. Hindi ba dapat magtulung-tulong ang lahat sa pamamagitan ng pagdadala ng kani-kaniyang krus?


Noon dumating si Jimmy, lumuhod sa kanyang tabi at dito nabaling ang kanyang pansin. Sa loob-loob niya, hindi naman siya nagsinungaling kay Ruben nang sabihin niyang mag-isa lamang siyang magbibisita-iglesya. Wala silang saradong usapan ni Jimmy.

Ano bang gagawin mo ngayong Huwebes Santo? tanong nito. Sinabi niya. Ako rin, sabi nito. Saan bang simbahan ka pupunta? Sinagot niya. At nagkita nga sila.

“Miryenda muna tayo,” yaya ni Jimmy paglabas sa simbahan.

“Bibili muna ako ng Bible,” sabi naman niya.

Sa isang restoran sa Baclaraan sila nagmiryenda. Masaya siyang nagkukuwento kay Jimmy nang tungkol sa kanyang anak na tinedyer nang mapuna niyang matamang nakatitig ito sa kanya. Napatigil siya sa pagsasalita. Nasa mga mata ni Jimmy ang pangungulila kay Millet. Dinaklot ng pangamba ang kanyang puso.

“Tingnan nga natin itong binii kong Bible,” ang nahagilap niyang wika, sabay kuha ng aklat sa balutan.

Parang nabalik sa sarili si Jimmy, napabaling ang tingin sa hawak niyang aklat. “Tingnan nga,” ayon nito.

Siya naman ang parang nawala sa sarili. Aywan niya kung bakit niya naisipang sabihin iyon. “Sige nga, buklatin mo, kahit saang page. Basahin mo sa akin.”

Saglit na natigilan si Jimmy, waring nagtaka sa kanyang hiling, ngunit sumunod din. Binuksan sa may dakong gitna ang Bibliya. At nagbasa nang malakas.

Matthew, Chapter 5. you have heard the commandment. “You shall not commit adultery. What I say to you is: anyone who looks lustfully at a woman has already committed adultery with her in his thoughts.”

Nadama ni Nellie, parang tumakas na lahat ang dugo sa kanyang mukha sa narinig. Sinalubong niya ang mga mata ni Jimmy. Bigla ang kanyang naging pasiya. “Hanggang dito na lang siguro ako Jimmy. Hindi na 'ko tutuloy sa ibang simbahan. Uuwi na ko.”

Tumango si Jimmy. Naghiwalay sila at habang pauwi, abut-abot ang dasal ng pasasalamant ni Nellie. Salamat, salamat Diyos ko at iniligtas ako sa pagkakasala. Nahuhulog na ang loob ko kay Jimmy, nahuhulog na ang loob niya sa akin, doon na kami papunta. Salamat po at maaga pa'y ibinukas mo na ang aming mga mata. Salamat po.

At nadama niya, maluwag sa kaloobang tinatanggap niya ang pagpasan sa kanyang krus.

LIWAYWAY, Abril 20, 1992


Sunday, April 17, 2011

Simon Helping Jesus

(Last year's creation by my 8-year old "apo")

I used paint in tubes for my background and for the road. I used crayon and cray-pas for Simon and Jesus. I mixed some water on the cray-pas to make the smudges on Jesus' face. This is for the homeschool group's Station of the Cross tonight. It was fun to do but hard because I had to glue the figures on cardboard. They did not want to stand up and cutting cardboard is hard. Next year, I might just use clay and paint to make my station.

(My daughter's tweet on her 7-year old daughter after attending a mass.)

7yo after today's homily turns to me with a big smile: That was a very good homily! (I wonder what she knows about taking up one's cross.)

Saturday, April 16, 2011

A Daughter's Holy Week Blog, April 10, 2007


Tuesday, April 10, 2007
The Triduum at Our House




It took awhile to get Holy Week started at home but by the time Holy Thursday came, we had covered out images and stripped the altar. The girls also worked on the Life of Jesus poster to show the Last Supper as we read various versions of the Easter Story, by Speirs, Spirin and Wildsmith, all illustrated with beautiful paintings.

My husband was given an opportunity to stay with Jesus in the Blessed Sacrament Chapel until it was closed for the next two days. On Thursday evening, we had a special meal of Spinach Quiche to commemorate part of the Passover Meal, then attended the Mass of the Lord's Supper. We sat as close as possible to the front so the girls could get a better view of the Washing of the Feet. On Good Friday, we caught the last part of the Tre Oro and then attended the Service at 3 p.m. We tried to observe Quiet Time at home, as much as any family with below-fivers can do. No music, no video, just DDR entertainment for the girls. Although my husband did not give up his usual beverages, the girls violently prohibited him from making coffee on a water day. They were apparently very convincing.

Holy Saturday was a blend of busyness, mostly in the kitchen to get a headstart on the Easter feasting, and quiet reflection through our read-alouds about Jesus' last moments. The snow on the ground gave that morning a peaceful aura, and as the day warmed enough to melt the snow, a feeling of anticipation for the coming Feast. It was a risk but we decided to bring the girls to the Easter Vigil. We hoped that their senses will be kept keen by the beautiful outfits they are wearing, by the smell of incense, by the holy water sprinkled on them .... and to actually be allowed to hold a candle! It worked for the 5-year old panganay. All those things plus hearing the Gloria and Alleluia again, the bells were ringing, the flowers crowding around the altar, and all five priests and two deacons in vestments of resplendent gold and white. 3-year old bunso slept an hour of the 2.5 hour Mass, and that actually helped us. Husband and I agreed that this was one of our better Easter Vigils. We weren't busy singing (or anticipating songs or clutching music pieces) and had time to be aware of each moment. We heard every word, from the Service of Light's Blessing of the Fire, lighting of the Paschal Candle, and Deacon Ted's Exsultet--

Rejoice, heavenly powers! Sing choirs of angels!
Exult, all creation around God's throne!
Jesus Christ, our King is risen!

Sound the trumpet of salvation!

This is night,
when Christians everywhere,
washed clean of sin and freed from all defilement,
are restored to grace and grow together in holiness.

through all the readings of the Liturgy of the Word, the Liturgy of Baptism for four new members of the Church (and a bunch more for Confirmation), and the Liturgy of the Eucharist that ended with a sung Thanks be to God, alleluia, alleluia. The choir was a just a handful of members leading us in singing the Latin chants. The entire Mass was so low-key and simple that it helped us appreciate the moment's grandeur.

The Lord has Risen!


Bunso woke up as a parishioner handed both girls two Easter bags of candies, colorful eggs, and a ceramic Celtic cross. The lady knew us only by face, having seen us these many years as a couple up in the choir and now as a family of four. That put the girls in the proper mood for the ride home at close to midnight, to a quick changing of our altar linen and unveiling of statues at home, then to an ice cream treat before bed. It was an awesome Easter! And it was just the beginning.


Monday, April 11, 2011

PROM DATE, RETIREMENT AT HOLY WEEK


Ang Marso at Abril ay mga buwan ng Seniors' Prom, graduation at lagi, Mahal na Araw. Noon pa man ay nakapili na ako ng kwentong pang-Holy Week, ngunit nagtalo naman ang loob ko kung tungkol sa mga Prom Date ang ilalagay kong intro sa blog. Mayroon pang nag-request na magkwento nga raw ako ng tungkol sa mag-asawang retirado.

Aba, e, mas interesting yata ito. Pero, sige, medyo paraanan nating lahat...

May nabasa ako sa paborito kong columnist sa Philippine Star, si Barbara G. tungkol sa Prom Date ng kanyang apong lalake. Nagpaalala tuloy ito sa akin nang panahon ng Prom Ball ng aking mga anak. Kami ang naghanap ng Prom Date ng anak kong babae. Ang kinuha namin ay isang pinsan niya na anak ng pinsang buo ng Papa niya. Guapito ang bata na inihatid sa aming bahay ng kanyang mga magulang. Hindi ko na matandaan kung Manila Hotel o Manila Pen iyong pinagdausan. Ang masayang experience ng mga bata ay ang pag-aalok ng waiter ng drinks sa mga ito. Na akala ay libre at kasama sa dinner! Nakupo, buti na lamang daw at nang lumabas ang pinsang prom date ay natagpuan sa lobby ang panganay na kapatid na siyang nag-abot ng dagdag na pambayad! Nang sumunod na taon, ang anak ko na mismo ang kumuha ng kanyang prom date. But that is another story...

Tungkol sa mga retirado... May kilala akong pag-asawahan na in-interview ng isang manunulat kung paano sila nakaka-cope sa bagong pagsasama kung saan retirado na ang lalake. Alam naman siguro ng marami ang kasabihan ng mga asawang babae tungkol sa kanilang kabiyak na “I married you for life, but not for lunch!” Kasi, sanay na si Nanay na wala at hindi kasalo sa pananghalian si Tatay dahil nasa trabaho. Pero nang nagretiro, ay, medyo kailangan ang adjustment.

At narito ang ilan lamang na adjustments:

Bigla na lamang marami ang isasaing at mas marami ang ilulutong ulam sa tanghali, kailangang may merienda sa umaga at sa hapon (dahil sanay sa opisina na may breaktime), marami ang nagkakalat sa bahay, hiwa-hiwalay na ang pahina ng diyaryo, nawawala lagi ang crossword at komiks, may tao sa banyo, hindi mo na mahawakan ang remote, o kung medyo nagugustuhan mo ang palabas sa telebisyon ay biglang mababago, o pinakikinggan mo ang commercial ay biglang nagiging “mute” o hindi mo na mapanood ang iyong teleserye o showbiz chismiz. Ilan lamang iyan sa reklamong hindi maisatinig ng ilang wives. Suerte kung dalawa ang inyong telebisyon. Kaso, kung dalawa nga'y anak mo naman ang naroon. At pareho pa ng pinapanood!


But the other side of the coin, sabi nga, ay kung parehong nagtrabaho ang mag-asawa at halos sabay nagretiro. Sanay silang maraming kausap, iba-ibang mukha ang nakikita sa araw-araw, maraming pinag-uusapan – trabaho, ka-opisina, ang kani-kanilang boss, ang nakikita sa araw-araw na biyahe. Pero sa pagreretiro nila, mawawalang lahat iyon! Sa umpisa ay mauulit-ulit pang pagkwentuhan, pero kalaunan, magiging lumang balita na iyon. Ano ngayon ang gagawin? Magtitinginan na lamang? Habang kukuya-kuyakoy sa silyang tumba-tumba?

Kaya siguro iyong iba, ayaw pang mag-retire... (joke only!)

Ngayon, ito ngang mag-asawang kinapanayam ay tinanong kung hindi pa sila nagkakagalit mula nang nagretiro si Tatay. Marami raw kaso na naghihiwalay ang mag-asawa bunga ng pagreretiro ni Tatay. Nanibago sila nang husto at hindi naka-adjust.

Awa ng Diyos, ang nasabing mag-asawa ay magkasama pa rin hanggang ngayon. Simpli lang ang sikreto nila para hindi magkasawaan o magkainisan. Sabi nila, kung nasa isang kuwarto ang isa, nasa kabilang kuwarto ang asawa. Kung nasa tv ang asawa, nasa computer iyong isa (buti marunong mag-computer!) Sa buong maghapon, halos hindi sila nagkakatabi. Sa pagkain lamang, sa pagtulog, sa paglalakad makahapunan at sa pag-groseri at panonood ng sine lamang sila magkasama. Pero, ayon kay Nanay, valid ang karaniwang reklamo nilang kababaihan tungkol sa tv, paggamit ng remote, sa pagbabasa ng diyaryo, atbp.

Heto naman ang iba pang nakalap kong obserbasyon at narinig na kwento, huwag nang sabihing hinaing o reklamo.

-May sinasabi si Nanay. Nakikinig ba si Tatay? O narinig ba nito? Kaso, kung may nangyaring consequence ang sinabi noon ni Nanay, magagalit pa si Tatay at sasabihin: Hindi ko alam iyan. Bakit hindi sinabi sa akin? E, sinabi nga. Nakinig ba? Ewan...

-Tinulungan ni Tatay maghugas ng pinggan si Nanay (nasa abroad sila). Nang matalikod si Tatay, nalingunan niyang hinuhugasang muli ni Nanay ang pinggang natapos na niyang linisin. Ngayon, ayaw nang tumulong maghugas nito. E. may sabon pa kasi... katwiran ni Nanay.

-Nasa kotse ang mag-asawa. Sabi ni Tatay, dito na ba tayo liliko? Tumingin si Nanay sa paligid. Diyan yata, sagot niya. Kaya lumiko si Tatay. Mali pala, hindi iyon ang dapat likuan. Sabi ni Tatay, buti pa, hindi ako nakinig. Sa loob-loob ni Nanay, e, tinanong mo 'ko. Kaya, mula noon, kahit alam ni Nanay na iyon ang tamang daan o likuan, kahit siya tanungin, no answer siya.

-Maganda ito. Bilis magpatakbo ng kotse ni Tatay. E, nilampasan ng mas mabilis. Aba, e, hinabol at binuntutan. Nakaka-lalake, e... Nerbiyos naman si Nanay, nakupo!

-Isa pa ito. Nangangatwiran si Nanay. Sagot ni Tatay, hirap sa iyo, akala mo, lagi kang tama! Sa loob-loob ni Nanay, e tama nga ako!

Maraming-marami pa pong iba. Kayo rin siguro, maraming kwento tungkol dito. Share naman kayo, katuwaan lamang... Hihintayin ko...

Ngayong Mahal na Araw, ang kwento ko ay tungkol rin sa mag-asawa. Abangan ninyo ito.






























Monday, April 4, 2011

GUSTO KO...

Minsan, sa aking paglalakad mula sa binabaang tricycle patungo sa palengke o bangko o bayad center, may makikita ako o maririnig na naghahatid ng kasiyahan sa aking kalooban. Nothing spectacular. Mga everyday things lang na may dantay ng tuwa sa aking puso. Ewan. Siguro, talagang ganito na ang mga seniors. Mababaw na ang kaligayahan. Madaling matuwa. Lahat ay ipinagpapasalamat. Kumbaga, bonus na ang lahat.

Halimbawa, may nasundan akong isang paslit, nakasuot ng uniporme niya sa school, grade two lamang siguro, walong taon. Humuhuni siya ng isang himig habang naglalakad. Kawari-wari ko, ang hinuhuni niya ay ang tugtuging Sway.

Natuwa ako. Isang bata batuta, humuhuni ng Sway! Ang nangyari, halos maghapon na akong kumakanta ng Sway. Napapaindak pa.

When marimba rhythms start to play, dance with me, make me sway. Like a lazy ocean hugs the shore, hold me close, sway me more.
Like a flower bending in the breeze, bend with me, sway with ease, When we dance you have a way with me, stay with me, sway with me.


May nadaraanan din akong high school dito. Hindi kalakihan ang grounds nito, kaya halos nasa tabing-bakod na ang mga mag-aaral na minsa'y nakasalampak lamang sa semento, nakatalungko, naggigitgitan sa iilan-ilang bangkong semento. Ang mga bata ay nasa edad katorse, kinse, disisais, disisiyete siguro. Mga tin-edyer na ang mga kainosentihan ay nakalarawan pa sa mukha, ngunit kababasahan ng pagnanais na magmukhang may kaalaman na sa lakad ng mundo. Pero, sa isang saglit, bigla na lamang minsan maghahabulan ang mga ito. Magtutuksuhan. At dito ko naman maaalaala ang aming high school days. Na tunay na mga neneng-nene at totoy na totoy kaming magkakaiskwela. Na naghahabulan din. Nagpapatintero pa! Kaya, gusto kong dumadaan sa harap ng iskwelahang ito.

Isang tag-ulan, may nakasalubong naman akong tatlong batang babai, nasa grade school din ang mga ito. Magkakasukob sila sa isang maliit na payong. Na halos mabasa na ang mga nasa dalawang gilid at ang likod ng nasa gitna. Pero ang saya-saya nila. At narinig ko pang sabi ng isa: kasyang-kasya tayo! At natawa, natuwa ako! Sharing is fun!

Isang batang lalaki ang namataan kong pumasok sa isang urinal, na pinauso ng dating mayor ng Marikina. Ikinatuwa ko na hindi na nito kalalakhan ang pagharap sa bakod na kinaugalian ng mga ilan sa kalalakihan. Ang kaso, maliit lamang ang batang lalaki at hindi siya aabot sa dapat kapuntahan ng kanyang gagawin. Kaya, sumige na rin siya, basta nasa loob siya ng urinal. Na ikinatawa ko, at ikinangingiti sa tuwing sasagi sa aking alaala ang nasabing eksena.

Na dahil medyo nakangiti pa ako, ang nasalubong ko ay ngumiti rin sa akin, kahit hindi kami magkakilala.

Hindi uso dito sa Pilipinas ang magbatian ang hindi naman magkakilala ng 'Good Morning o Good Afternoon o Evening' kapag nagkakasalubong sa daan. Pero minsan, nangyayari rin ito. Karaniwan ay sa mga may edad nang tao. At ang isang simpling bagay na ganito ay nagpapaganda sa iyong araw, lalo at nagising ka, wika nga, sa wrong side of the bed.

Ikinangiti ko ang isang nakitang aso na tumatakbo, sakmal ng bibig ang isang malaking pandesal. Sori na lang sa may-ari ng tinapay.

Nasisiyahan akong alalahanin ang alaala ng isang gabing umuulan sa probinsiya. Kasama ko ang mga kabarkada, naglilibot sa isang baryo na may ipinagdiriwang na Santakrusan. Isang higit na nakatatandang kaibigan ang nakangiting tinatanaw kami mula sa kinaroroonang durungawan. Nang tanungin ko siya kalaunan kung ano ang nasa isip niya habang kami ay tinitingnan, ang sagot niya ay tuwang-tuwa siya, dahil damang-dama niya na napakaganda namin. Kami? Maganda? Tanong kong hindi makapaniwala. Sabi niya, kami ay larawan ng kawalang-malay ng isang kabataan. Hindi ko pa siya lubos na naunawaan noon (isa siyang makata). Ngunit ngayon, kapag nakakakita ako ng mga kabataan, nakikita ko na ang mga ito sa mga mata ng nasabi kong kaibigan.

What makes a senior citizen's day? Sabi ng isang kakilala, tinawag raw siyang Ate sa halip na Nanay ng isang tricycle driver. Kami nga, tawag sa amin ng mga apo sa pamangkin ay Tita pa rin, sa halip na Lola. Pero pinili kong tawagin akong Anda ng aking mga apo, sa halip na Lola o Grandma. Isang katawagan ito sa mga ninuno sa mga dulong baryo sa lalawigan. Natuwa nga ang isang kaibigan na pinili na rin tuloy na tawagin siyang Impo ng kanyang apo na taga-abroad. Anda! It's music to my ears.

Gusto kong sinusubaybayan ang tweet ng aking anak dahil doon ko nababasa ang mga mumunting kwento tungkol sa aking mga apo. Ang mga edad sampung taon pababa ang karaniwang kinariringgan ng mga hindi inaasahang 'pronouncements' na puno ng kainosentihan – natural, hindi pinag-isipan, totoo sa loob. Ilan sa mga ito ang nagpangiti, nagpatawa sa amin...

Mula sa isang 7-year old na ipinanganak at lumaki abroad: How to eat rice and fish, her version: eat up fish, pour soy sauce on rice, eat rice.

Mga tweet ng aking anak tungkol kay Elvis at sa aking apo: We're studying Tennessee and the 7yo has discovered Elvis Presley. I like him, she says, as we watched Jailhouse Rock on youtube. Then, she sings Blue Christmas in the bath, plays it on the piano or whistles via pretend flute. Elvis infatuation apparently runs in the family. Dito ako natawa nang husto. Elvis fan kasi ako.

9yo wanted to go to noon Mass and have her throat blessed too. After Mass, she asked: Will I sing better now?

7yo talking to her mama and comparing her Filipino nose with her American aunt's: hers is a going-out nose, & yours goes inward! (Oh thanks.)

In one of their visits here in the Philippines, when the 7-year old was still a 5-year old, she had so many questions: Why do you have wrinkles? Because I'm old, I answered. Once, when I admonished her to watch out for some lying cord on the floor, she sort of gave a lecture on how people's eyes grow weaker when they get older. To which Papo (grandpa) teased her "why are you looking at Anda (me) when you say that?" So I asked her, "Am I old? Do I look old?"

Again, she looked at me with her big, round eyes and without batting an eyelash, said, "You are beautiful!" To which all of us around her gave a big howl!

Gusto ko 'yan, heh heh heh! Nagsasabi ng totoo!