Saturday, June 26, 2010

KATULAD NG KANYANG TATAY


KATULAD NG KANYANG TATAY



LINGGO. Araw ng pangilin. Dapat na magsimba. Kung ginaganahan at may badyet, pwedeng magsine. Sa mga may anak na maliliit, maaaring mamasyal sa Luneta. Sa Manila Zoo kaya. Pwede rin namang tumigil lamang sa bahay. Magrelak. Maghapong matulog. O magbasa ng isang Harold Robbins diyan. Kuntodo nakataas ang mga paa sa sopa. At pagkatapos ng lahat ay isang masarap na miryenda. Palitaw na may kinudkod na murang niyog na maraming dinikdik na linga. Pansit luglog kaya. O maski hotcake.

Ang alinman sa mga ito at ang buong pamilya, sabihin nang iisa lamang ang anak, ay maituturing nang isang perpektong araw ng Linggo. At ganoon ang kinalakhang araw ng Linggo ni Gina. Ang kaniyang Nanay at ang kanyang mga kapatid, kayag na ng kaniyang Tatay sa kung saang pasyalan. At sa kaning binalot na dahon ng saging at manok na inadobo ay ayos na.

Ngunit ngayon...

“Aalis ba ako kundi kailangan? Mukhang inis pero malumanay pa rin ang tinig ni Jim.

“Umalis ka na n'ong isang Linggo,” usig ni Gina.

“Kailangan,” mabilis na sagot ni Jim.

“Barkada,” pilantik ni Gina.

Huminto sa pagbubutones ng polo si Jim. Hinarap si Gina. “Barkada, totoo. At totoo rin na sosyal ang lakad na ito. Pero Gina, unawain mong ito ay tungkol din sa opisina. At ginagawa ko ito para rin sa iyo at sa ating mga anak.”

“Oh, thank you,” nakadadalok na sagot ni Gina.

“You're welcome,” nakangising bira ni Jim.

“Bwisit... bwisit... bwisit...” pabulong na gigil ni Gina.

Dito umeksit si Jim. At ang buong umaga ay ginugol ni Gina sa pagkukukot ng loob na kalaunan ay nauwi sa pagdidili-dili kung saan siya nagkamali sa loob ng limang taong pagsasama nila ni Jim. Wala. Ang kinalabasan ng kanyang pagsusuri. Baka bago sila ikinasal. O nang magkasintahan pa lamang sila. O baka di lamang niya napuna na talagang matrimonial risk ang tipo ni Jim. Pero hindi.


SI JIM ay katulad ng kaniyang tatay. Ito kaagad ang kanyang napuna nang sila ay unang magkakilala.

“Ang taas mo. Anong height mo?” tanong niya.

Ang sagot, “'Baba lang, wala pang six.”

Sa loob-loob niya, wow, pareho ni tatay. At kaagad niyang napansin. “Di ka pala naninigarilyo.”

Ngumiti si Jim. “Naninigarilyo rin. Paminsan-minsan na inaalok. Hindi makatanggi.”

Kiniliti ang kanyang puso, pareho ni tatay. Ang paninigarilyo ay pakikisama lamang. “Pero, umiinom ka paminsan-minsan...” patuloy niya.

“Allergic ako sa beer,” ang sagot at muntik na siyang mapabulalas. Pareho ni tatay!

“Whisky?” tanong pa rin niya.

“Iinom pagdating ng pangangailangang sosyal.” Ngumiti si Jim at idinugtong. “Pasado na ba ako?”

Kinurot niya nang maliit si Jim.

Nanligaw si Jim sa kanya ngunit ito'y hindi kaagad niya sinagot. Patuloy niya itong kinilatis. Mayroon siyang batayan. Mataas ang kanyang standard. Sapagkat ang pag-aasawa'y hindi gawang biro, sabi nga ng kanyang Nanaly, iluluwa kung mapaso.

Tandang-tanda niya ang kanyang ama nang nabubuhay pa ito. Maliit pa siya ngunit nakauunawa na. Ang kanyang ama ay walang bisyo. Maagang umuwi buhat sa opisina. Walang barkada sa kahulugang grupo sa paglilimayon At higit sa lahat, ang mga libreng araw nito ay para sa kanilang pamilya.

Nang siya ay malaki na ay mataas na ang pusisyon ng kanyang ama sa kompanyang pinapasukan ngunit hindi pa rin ito nagbabago ng pakikitungo sa pamilya. Isa pa ring ulirang ama. At ang pagiging bunso niya at paborito nito sa kanilang lahat ay lalong nakadagdag sa pagpapahalagang iniuukol niya rito.

Di kasing ito ang naging ideyal niya. Isang huwaran. Hindi kataka-takang ito'y inilagay niya sa isang pedestal. Lahat ng kaniyang naging manliligaw ay nagdaan sa isang mahigpit na paghahalintulad. Mga sinawing-palad. Maliban kay Jim.

“Nanay,” ang telepono ay inipit ng ulo't balikat ni Gina.

“Gina.” ang sagot.

“Nanay,” huminga nang malalim si Gina. “May problema ako.”

“O, si Jim, ba't di mo sabihin sa asawa mo?” ang tanong.

Lumunok ng laway si Gina. “Siya nga ang problema ko.”

“A...” ang sagot. At muli, “a...”

“Nanay, ano ang gagawin ko?” Pumiyok ang tinig ni Gina.

Ang tinig ng kanyang ina. “Marinig ko muna ang lahat. Pumunta ka rine.”


BUMABABA pa lamang sa taksi ay sumasalubong na ang nanay ni Gina. At pumapasok pa lamang sa bakuran ay sinimulan na ni Gina ang pagkukuwento. “Si Jim, Nanay...”

“Teka,” kasabay ang iling na wika ng kanyang nanay. “Mamaya na. Magmiryenda muna . May niluto ang Ate mo.”

Ang Ate niya, biglang naisaloob ni Gina. Tanging kapisan ng kanyang nanay. Nakamatayan ng nobyo. Di na nag-asawa. Laking inam ng buhay nito.

“O, ano ngayon ang istorya?” tanong ng kanyang ina nang maayos na silang nakaupo sa salas matapos magmiryenda.

At ang litanya ng mga masamang gawi at asal ni Jim ay sinimulan niya. “Nagpapasensiya na nga ako, Nanay. Sabi kasi niya, para raw sa aming kinabukasan ang mga ginagawa niya.”

“Baka naman totoo,” wika ng kanyang ina.

“Noong una, siguro ay totoo, Nanay. Nasa Sales si Jim at iyong mga wala sa oras na uwi ay hindi ko pinapansin. Pero kalaunan ay sobra na. Pati araw ng Linggo at pista opisyal, wala siya sa bahay.”

“Barkada?” ang tanong.

“Nauwi sa barkada. Una'y palabas-labas lamang, painum-inom. Pa-club-club. Mga prospect daw. Mga isinasaradong deal. Pero nitong bandang huli, may suki nang sauna.”

Sa tono ng boses ni Gina ay napabulalas ng tawa ang nakikinig na ate at nanay niya. “Masyado siguro ang tensiyon sa trabaho kaya kailangan ang masahe,” ang biro.

“Pero grabe sa lahat ang pag-inom ni Jim. Laging lasing kung umuwi,” patuloy ni Gina.

“Sinasaktan ka ba?” tanong ng kanyang nanay.

Umiling si Gina at kasunod, “Subukin niya...”

“Babae?” sabad ng kanyang Ate.

“Kasunod na iyon kapag di naputol ang ginagawa niya ngayon.”

“Sa harap ng lahat na ito ay ano ang ginagawa mo ?” ang huling tanong.

Hindi na sinagot ni Gina ang tanong. Alam na ng kanyang mga kaharap. Natural, nagagalit. Nanunumbat. Nananadya. Si Gina yata ito.

Nang ilahad ng kanyang nanay ang aksiyon na dapat niyang gawin ay pinasok ng alinlangan ang kalooban ni Gina. “Umubra kaya, Nanay?”

“Subukin. Walang mawawala,” ang sagot. “Baka sakali.”


LASING na naman nang dumating si Jim. Sa pinto pa lamang ay sinalubong na ni Gina ito. “Kumain ka na ba, dear?” ang nakangiting tanong. Sa sarili. Ang walang hiya. At lasing na naman. Bwisit.

Wa epek kay Jim. Sobra yatang pagkalasing . Pag-upo sa sopa ay tuluyan nang lumupasay. Pagpikit ng mata ay kasunod na ang hilik. Ang kahudas hudasan.

Nakahanda na ang mainit na tubig. Ang bimpong pamunas ng mukha. Ang padyama. Ang kape. Aspirin para sa sakit ng ulo. At kumilos si Gina.

Kinabukasan. Nagulat si Jim. Sa kama siya nakahiga. Kahit paano, alam niyang sa sopa siya lumupasay. Doon siya pinatutulog ni Gina kapag lasing siyang umuwi.

At may softboiled egg pa sa kanyang almusal. At french toast. At ang paborito niyang bacon..

“Sorry kagabi,” ang sabi.

Ngumiti lamang si Gina. Ngiti lamang ang dapat na isagot.

Ngunit kinagabihan ay lasing pa rin nang umuwi si Jim. At nang sumunod pang gabi. At nang sumunod pa.

Ang telepono ay dinayal niya. “Nanay...”

Sabi ng kanyang nanay. “Ganito ang gawin mo.”

Nagdidilig siya ng kanilang halaman sa kapiraso nilang hardin sa harap ng apartment nang huminto ang kotse ng mga lasing na kabarkada ni Jim.

“Oy, kayo pala,” matamis niyang bati. Dumaan muna kayo at magkape.”

Sabay-sabay, “Huwag na, Misis. Maaabala pa kayo.”

Kinalabit niya si Jim. “Ano ba, Jim. Painumin muna natin sila ng kape. Inihatid ka pa riyan. Nakakahiya.”

At siyempre lasing na si Jim. Tinablan nang pataob. “Siyanga naman, mga pare ko. Tikman muna ninyo ang kape namin.”

Bantulot na nagsibaba ang apat pang lalaki sa kotse at waring silaw sa liwanag na naupo sa madilim na parte ng salas nina Gina.

Ang kape ay nakahanda na. At nag-inuman ng kape ang mga ito. Ngunit may isang nasamid. At ang walang hiya, sa loob loob ni Gina, ay naglabas ng lahat ng laman ng sikumura sa bagong upholstered na sopa.

Kinaumagahan ay nagisnan niya si Jim na naglilinis ng sukal sa sala. Sa unang pagkakataon, napansin niyang nag-iisip nang malalim si Jim.

Kinahapunan ay tinawagan siya ni Jim sa telepono. “Magsine tayo,” ang yaya.

Gusto niyang isagot. Bakit wala ba kayong lakad. Sa halip, “Sige. Saan tayo magkikita?” ang tuwa ay nasa kanyang tinig.

Sa loob ng sine, akbay siya ni Jim . At mabango si Jim. Amoy after shave. Kaylayo sa sangsang ng alkohol.

Kinagabihan, nagmahalan sila ni Jim. Sober si Jim. Siya yata ang nalasing.

Naulit ang pag-uwi ng lasing ni Jim ngunit apologetic na ito. Muli ring naulit ang pagtungo ng barkada sa kanila. Birthday ni Jim at di siya pumayag na di maimbita ang buong barkada. Kaydami niyang inihandang pulutan. At ang mga nakatagong bote ng alak ay inilabas niya. Enjoy naman ang lahat. At pati siya ay nakitimpla. At nakiinom. Kaunting whisky, kaunting soda, aba, masarap pala. Ang titig sa kanya ni Jim.

May nasamid na naman. At nasuka. Ngunit hindi na siya ang nakapagligpit ng mga sukal. Si Jim ang nagmando sa kanilang katulong sa paglilinis nito.

At iyon ang kahuli-hulihan. Ang simula ng pagbabago. Si Jim ay naging huwarang katulad ng tatay niya.


LINGGO. Mahigit nang dalawang taon ang nakalilipas mula noong isang araw ng Linggo na si Gina ay nagsumbong at humingi ng payo sa kanyang ina.

“Nanay, iyong mga ipinagawa mo sa akin noong kasalukuyang si Jim ay ganoon, saang magasin mo natutuhan?” tanong niya isang hapong dumalaw sila dito.

Tumawa ang kanyang Nanay. Ngumiti ang kanyang Ate. “Sentido komun. Aplikasyon. At magandang resulta.”

May kung anong naligaw sa kanyang utak. “Aplikasyon kanino?”

Tumingin sa malayo ang kanyang ina. “Sa isang lalaking may asawa, isang ama, na minsan, isang panahon ay naging katulad ni Jim. Naglalasing, nakikibarkada, umaga nang umuwi, ang katwiran rin ay pakikisama, para sa opisina.”

“Ang tatay!” tiyak ang tinig ni Gina.

“Wala ka pa noon. Ang Ate mo pa lamang at saka ang Kuya mo.”

Ang huwaran niyang ama. Hindi malaman ni Gina kung mapapaiyak siya o mapapatawa sa narinig na katotohanan. Ngunit isa lamang ang tiyak niya. Hindi nagbabago ang pagpapahalaga niya sa kanyang ama. And diyos sa pedestal ay naging tao lamang, ngunit nasa pedestal pa rin. Taong katulad niya at ni Jim.

At kanyang nadamang higit niyang mahal si Jim, ngayon.


LIWAYWAY, AGOSTO 5, 1974

Friday, June 25, 2010

REMEMBERING MY FATHER - EVD


My sainted father, Domingo Dimapiles Dulay, was born on May 12, 1903 in San Rafael, Bulacan, the second and the oldest boy in his family of 5 children. I have always wondered if perhaps his mother had a trace of Greek ancestry -(Dimapiles...Onassis... Callas...) Tsk...tsk...it might just be possible...plus it was widely accepted that even in her 70's, with her wrinkles and all, Impo (Eustaquia) was a strikingly beautiful older woman. Too bad it didn't rub off on her kids and grandkids.

It must have been the proximity that brought my parents together - my mother Dolores Veron, was from Caingin, a suburb of San Rafael. After marriage, they settled in Malolos where my mother was a pre-war school teacher and my father was the Chief Clerk in the Division Office. I was told he was referred to as "Little Superintendent" because he was often delegated the Superintendent's duties like correspondence and the filling in of teachers' positions in the Division. As a result, he became quite proficient in the English language. My mother, on the other hand, was a recognized Mathematics teacher. English and Math certainly made for a good combination for "Mengs" (Menggoy) and "Lols" (Loleng), their pet names for each other.


One memory of our childhood that stands out when we talk of our father is the experience we had when any of us kids got sick. He would prepare the towellete soaked in "sukang Iloko" to be placed on our forehead to get rid of the fever. In case of respiratory infection, he would coat the towellete generously with Numotizine to be placed on the chest to help alleviate the cough and cold. He would stay up keeping watch, checking every now and then if the fever had subsided.

My father was a stickler for hygienic and healthful practices. Fruits and vegetables that are eaten raw and with the skin must be washed with soap and water. We had all kinds of sprays against flies, roaches, ants and mice. Up until the warning against DDT was issued, it was always available in our house. A nightly exercise for him consisted of lighting "katols" to be placed in strategic locations in the house but which he would unlit before bedtime.

Birthdays were occasions that my father made extra-special for us. He would take us to lunch usually at the Moderna, a Chinese Restaurant in Sta. Cruz. The 3 constants on the menu were Pancit (for long life), Lapulapu Escabeche and Ampalaya Guisado in Black Bean Sauce. These birthday lunches started from when we were in grade school through college. When I had my birthday away from home and family for the first time when I was in the States, I was just miserable.

The pampering extended to the grandchildren. To them, he was not only "Lolo" but also a buddy. On trips to the barber shop for their joint haircuts, they would first stop at "Papers" store in downtown Malolos before going home, so the kids could pick a toy. The final stop would be to a Panciteria for a snack or lunch. For the grandkids, haircuts meant FUN!!!

He started my sister Editha's oldest child on a "matchbox" collection. Each time he came bringing a matchbox gift, together the two of them would check it against the brochure. He would continue the gift-giving until the whole collection was finally completed.

Though a music lover, my father could not carry a tune. However, he would not hesitate to oblige when we would ask him to sing the only song he knew:

Are you sleeping, are you sleeping
Brother James, brother James
Morning bells are ringing, morning bells are ringing
Ding dong ding, ding dong ding.

To be out of tune singing such a simple tune is certainly pitiful, if not funny!

My father was also active in local politics. Then Gov. Alejo Santos (Ravenal's dad), would frequently walk over to our house which was just across the Capitol Bldg. and they would hold long talks lasting into the night. My father would be in his rocking chair and I would then sit on his lap till I fell asleep and later be put to bed Another friend was Congressman Rogaciano Mercado, a champion debater during his U.P. days, who was kind enough to take time to coach me when I competed in the Provincial Oratorical Contest. When former Bulacan Gov. Fortunato Halili started his Halili Beer business, he was successful in enticing my father to join in as a result of which we received periodic beer delivery. Unfortunately, Halili Beer could not stay afloat and would soon go under. My father was not a "drinker" in the real sense of the word - he did it socially. When somehow I got to share his beer during a meal, my parents noticed it helped improve my appetite. As a child, I was such a fussy, finicky eater that to my parents, whatever would induce me to eat would be welcome. From then on, I would have my share when my father had his beer. Oddly, my 2 sisters never developed a taste for it.

A frequent comment from people was my father always looked like he just stepped out of the shower - "parang parating bagong paligo"! He would never dream of receiving visitors dressed in just shorts and "sando" but always saw to it that he was properly attired.

In their senior years, "Mengs" and "Lols" enjoyed going on walks oftentimes hand-in-hand. It was a beautiful sight to behold. After Inang passed on (on June 15, 1972), Tatang joined a group of "walkathoners". Among them were Mr. Florencio Gatchalian (Flor's dad) and Mr. Jose Mendoza (Jorge's dad). After the walk, the friends would usually have breakfast at the Malolos Kitchenette whose owner was also a member of the group. The walkathon might not have resulted in trimmer physiques but the camaraderie certainly added the spark to the remainder of their years. Sadly, Tatang passed away March 30, 1980 of the same ailment that caused Inang's death - cancer of the liver.

(Thank you, Emma, for the beautiful sharing. Putting those memories "in writing" and rereading them from time to time, will surely keep them alive in our minds and hearts. Your father did build tons of memories for all of you to go back to every now and then. Sarap, ano?

Salamat din sa magandang pagkasulat mo, na kumbaga sa kwento, ay puno ng "local color". Bumalik tuloy ang alaala ng downtown Malolos, kung saan kapag kailangan ng mga school supplies o panregalo sa kasal, birthday o anupaman, e, sa "Papers" sa bayan nagtutungo.

Nang nabanggit mo ang tungkol sa Inang at Tatang mo na naglalakad na magkahawak-kamay pa, ang naalaala ko naman ay ang Inang at Amang ko na pagkahapunan ay nagtutungo sa tindahan ng Da Maria sa may kanto (taga-Kantoboy kami, di ba?) at nakikipaghuntahan o kwentuhan ng kanilang kabataan. O kaya ay nagpapaantok sa pamamagitan ng paglalaro ng mahjong (silang dalawa lamang) na kung sino ang matalo ay siyang bibili ng pandesal kinaumagahan.

Bawat gunita ay nagsisilang ng panibagong alaala. Kaya, huwag tayong magsawa na paminsan-minsan, alalahanin sila.)



Mula pa rin sa ibayo ng dagat, narito ang sharing ng isang kamag-aral, nang sa pag-uusap namin sa telepono ay tanungin ko siya tungkol sa kanyang "Papang".


She gushed and exclaimed, with all the emotions of a truly beloved and favorite daughter:

Naku... naku... naku... si Papang! Naku! Naku!

At iyon na... ang sharing ni Aida. Na anupa ang aking maisasagot, kundi...

Naku... salamat!


Tuesday, June 22, 2010

SHARINGS - ALL ABOUT FATHERS

SHARINGS - ALL ABOUT FATHERS

Ilan sa mga tinanggap kong email tungkol sa kanilang ama ay malungkot ang isinasaad. Isa rito, si
Claire, na nagwikang dahil sa maagang pagpanaw ng kanyang ama, wala siyang masyadong naaalaala tungkol dito. Sabi naman ni Mon.

My father died when I was just 4-1/2 years old and I have very limited memory/recollection about him, except that fateful day, just hours before he died - he was playing with me and my elder brother, alternately tossing us up in the air then catching us on our way down. Anytime I want to think of him, I just close my eyes and that is the picture I get in my mind everytime. At least a very brief happy memory with him.

May nabasa akong minsan, tayo raw, we don't remember happy years or months or days. In truth, what remains in us is the memory of a moment. Ibig sabihin, we remember moments. At sa kaso ni Mon, that brief memory of his father, is his moment.

Totoong maraming maliligayang araw tayong naranasan, ngunit kung tunay nating lilimiin, ang maliwanag na natatatak sa ating utak at hindi malilimutan ay talagang isa o ilang saglit lamang. Tulad ba ng nadama sa unang pagtatama ng paningin o unang halik. Kung saan parang tumigil ang lahat ng sandali, huminto ang ingay sa paligid.

Kababasa ko lamang sa peryodiko (Manila Bulletin, Hunyo 20, 2010) ang isang interview sa bagong Chief Justice of the Supreme Court, tungkol sa kanyang ama. Kawangis nito ay isang sharing. Ikinuwento niya kung gaano ka-istrikto
ito. Kung paanong ang kanyang ama ay nagalit at nagdamdam nang siya ay mag-asawa, hindi pa man siya tapos sa pag-aaral ng abugasya, na siyang pangarap nito para sa kanya. Kung paanong sa loob ng apat na taon ay nagsumikap siya na matupad ang pangarap nito, habang pinagsasabay niya ang buhay-may-asawa, buhay-istudyante at paghahanap-buhay pa. Very touching ang narration niya tungkol sa kanyang graduation, ang paghiling niyang ito ang magsabit ng hood sa kanya, kahit ang kaugalian at kalakaran ay ang ina o asawa ang gagawa nito. Ang pagluha ng kanyang ama. Na hinding-hindi niya malilimutan. Ang pagbibigay niya ng kanyang unang suweldo (bilang abogado, marahil) dito, at ang pagtatago at pag-iingat nito sa nasabing suweldo hanggang sa ito ay binawian na ng buhay. Mumunting alaala na nakaaantig ng kalooban. At alam kong marami sa atin ang makaka-relate dito. Sa iba't ibang paraan, may karanasan din ang marami na katulad nito.

Ngunit ang isang tumiim na lubha sa akin ay ang isang tinanggap kong text ng isang hiningan ko ng sharing tungkol sa Father's Day..


Sorry--- after more than 20 years masakit pa rin---

Ano ang masasabi ko rito? Wala namang salitang maaaring sabihin upang maibsan ang sakit na nadama ng mga nawalan ng mahal sa buhay, ngayon man ito, o marami nang taon ang nakalipas. May naalaala lamang ako na siguro ay pwedeng ikonekta sa ganitong situwasyon.

Sa pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang anak, bukod sa mga tungkuling ginagampanan nila bilang magulang, marami pang bagay silang ginagawa na aparte rito. Mga mumunti at malalaking bagay na alam nilang ikasisiya ng mga ito. Bakit sila nagpapakahirap gawin ito? Noong araw, wala pa kaming kotse, sumasakay kami ng jeep pagtungo sa Luneta, sa Chinese Garden, sa Intramuros, para maipasyal ang mga bata. Nag-aral akong mag-bake ng cake, magluto ng kakanin, maghalo ng haleyang ube na paborito nila. Bakit? Dahil gusto kong masiyahan sila. Ang hindi ko alam, ay may tawag pala rito.


Building memories.

Bawat bagay na gawin ng isang magulang para sa kanyang anak, katulad ay mga dayaming ibinubunton upang makabuo ng isang mandala. Isang mandala ng mga alaala.


At ang mga alaala at gunitang ito ang magsisilbing alalay natin sa mga sandali ng ating pangungulila: sa mga magulang, kung sila ang mawawala; sa mga anak, kung sila ang mauunang lumisan. Dito sa mga masasayang alaalang ito tayo maglunoy. Ito ang ating pagbalikan.

Mula sa isa pang kaibigan, narito ang kanyang magandang
sharing.

Hi Eve,

Noong ako'y nasa mababang paaralan pa lamang ay malinaw pa sa isip ko, na pagdating na nang hapon ay sabik na sabik na akong abangan ang pagdating ng tatay ko na noon ay chief ng correspondence at record division sa kapitolyo ng Malolos. Sabik na sabik akong makita siya sapagkat pag may pasok siya ay sa gabi na lamang namin siya nakikita. Noong ako'y nag-aaral na sa Marcelo H Del Pilar High School, ay madalas ko na siyang makasama sapagkat katabi lamang ng paaralan ang kapitolyo at magkasama kaming nagtatanghalian.

Ang tatay namin ay masipag, mapagkakatiwalaan at tapat sa kanyang trabaho. Pinagtapos niya ang anim na anak niya ng kolehiyo maliban sa isang anak na lumabas ng seminaryo. Dalawang manggagamot, isang arkitecto, isang parmasyotica at isang inhinyero ang mga natapos ng mga anak niya. Ang anak niyang inhinyero ay siyam na taon naging punong bayan ng Pulilan at siyam na taon ding naging bise gobernador ng Bulakan. Isa ito sa malaking kasiyahan niya sa buhay.

Ikinalulumbay lamang namin ay sa edad na anim na pung lima ay pumanaw siya at hindi niya nakasalamuha ang mga apo niya. Salamat Eve at binigyan mo ako ng pagkakataon na mabigyan ng pagpupugay ang mahal naming tatay.

Pete

Sa akin ang pagpapasalamat sa pagpapaunlak mong i-share sa marami ang magagandang gunita mo ng iyong ama at ang kanyang mga ginawa para sa inyong magkakapatid. Kung minsan, sa buhay natin ngayon, na lubhang mabilis at maraming kaabalahan, bihira nang sumagi sa ating alaala ang mga gunita ng nakaraan sa piling ng ating mga magulang, lalo pa't matagal na silang namayapa. Kaya, sa pagsapit ng mga ganitong natatanging araw na ukol para sa kanila, tunay na marapat lamang na sila ay alalahanin. At tulad nang nabanggit mo, sila ay bigyang-pugay.

Ngayon naman, narito ang isang nakatutuwang sharing mula kay Ed.


DEAR EVE,

THANK YOU FOR INVITING ME TO WRITE ABOUT MY GOOD FATHER FOR "FATHERS' DAY" THIS COMING SUNDAY, JUNE 20TH.

FIRST AND FOREMOST, I HEREBY GREET (WITH ALL MY HEART AND WITH FERVENT PRAYERS) ALL THE FATHERS ON EARTH (INCLUDING ALL OUR RELATIVES, CLASSMATES AND FRIENDS), WHEREVER THEY MAY BE.

MY VERY DEARLY BELOVED FATHER, JUAN (WHICH BECAME JOHNNY DURING THE LIBERATION TIME AFTER THE SECOND WORLD WAR) RAVAL CRUCES WAS A VERY GOOD MAN (HE HAD NO ENEMIES AND HE OFTEN SMILED EVEN TO STRANGERS AND AT WORK (MARSMAN & CO IN MANILA, WHERE HE WORKED AS ASSISTANT CREDIT MANAGER FOR MORE THAN 35 YEARS). HE WAS GOOD-LOOKING, WHEN HE WAS A YOUNG MAN. HE WAS BORN IN MAY (MAY 17, 1901) SO, HE WAS AN EASY-GOING TYPE. HE WAS VERY EASY TO GET ALONG WITH, THAT'S WHY HE HAD MANY FRIENDS. WHEN HE WAS A YOUNG BACHELOR, HE WORKED WITH HIS BEST FRIEND, WHO HAD A CAR DEALERSHIP. SO, THEY HAD A DIFFERENT CAR ALMOST EVERY TIME THEY WENT ON DATES WITH THE YOUNG LADIES (WOW, I THINK THAT'S ONE BIG THING I MISSED).

WELL, I STILL THANK GOD SO MUCH AND WITH ALL MY HEART FOR GIVING ME THE ONE AND ONLY LOVE (B), WHICH TANTAMOUNTS TO MANY GOOD, BEAUTIFUL AND INTELLIGENT LADIES.

IN A CERTAIN WAY, THAT'S WHY I AM SOMEWHAT LOOKING FORWARD TO HAVE ALZHEIMER, WHICH WOULD MEAN THAT I'LL HAVE A "NEW WIFE" EVERY SINGLE DAY AT THE BREAKFAST TABLE.

MY FATHER LOVED MUSIC. HE PLAYED THE GUITAR AND THE VERY SMALL HARMONICA (WHICH CONCERNED MY MOTHER THAT HE MIGHT SWALLOW IT) VERY WELL. AND HE ALSO SANG. HIS BROTHERS PLAYED THE VIOLIN AND HIS SISTERS THE PIANO. HE WAS INVITED BY FRIENDS AND RELATIVES WHEN THEY SERENADED SOMEONE. AT ONE TIME, WHILE THEY WERE SERENADING, MY FATHER WAS INSPIRED OR ATTRACTED TO THE PARTIALLY SHOWN WHITE ARM OF THE MOTHER OF THE LADY THEY WERE SERENADING. HE DID NOT NOTICE OR FELT THAT HE WAS ALREADY STEPPING (OR STUMPING WITH HIS SHOES ON THE RHYTHM OF THE SONG) ON HIS EYEGLASSES THAT FELL FROM HIS SHALLOW POCKET.

WHEN MY 2 SISTERS (OLDER THAN ME; WE ARE 4; OUR YOUNGEST BROTHER, TOTI OR ART FOR ARTHUR LIVES IN NJ) WERE YOUNG, ABOUT 6 OR 7, MY PARENTS TAUGHT THEM HOW TO SING, DANCE AND ALSO PLAY THE GUITAR AND PIANO. THEY LEARNED FAST ENOUGH TO ENTERTAIN THE AMERICAN SOLDIERS, WHO LIKED THEM VERY MUCH. THEY INVITED THEM TO PERFORM AND ENTERTAIN THE SOLDIERS IN MANY CAMPS IN THE VARIOUS PARTS OF THE PHILIPPINES. IN RETURN, THEY SHOWERED (BY THROWING) MY SISTERS AND FATHER WITH MONEY ON THE STAGE. AND, THEY GAVE US FOOD, SUCH AS CANNED GOODS AND OTHER THINGS, WHICH WE SHARED WITH RELATIVES AND FRIENDS.

WHEN MY SISTERS PERFORMED, I JUST SAT IN A CORNER AND ENJOYED THEIR WONDERFUL DUET AND DANCE, WHICH I DID EVEN WHEN THEY WERE GROWING UP. I AM VERY PROUD OF THEM, INCLUDING MY VERY LOVING FATHER AND MY VERY DEARLY MOTHER, WHO WAS THEIR STRICT TEACHER.

MANY CLOSE AMERICAN SOLDIERS AND OFFICERS, WHO BECAME FRIENDS, INVITED THEM TO PERFORM IN THE U.S., BUT MY MOTHER DID NOT APPROVE OF IT. IF SHE DID, MOST PROBABLY MY WIFE AND I COULD NOT HAVE MET. I COULD HAVE MARRIED A BLOND AND BLUE-EYED LADY WOW! WOW!

MY FATHER WOULD LIKE TO COME TO THE U.S., WHICH I PRAYED FERVENTLY FOR MANY YEARS. I THANKED GOD SO MUCH THAT I WAS ABLE TO SPONSOR THEM TO COME HERE. AND, THEY ENJOYED AMERICA VERY MUCH FOR MORE THAN 10 YEARS. THANK GOD, I WAS ABLE TO CONVINCE THE PRESIDENT OF THE BIG CONSTRUCTION FIRM ON PARK AVENUE IN MANHATTAN, WHERE I WORKED AS CONTROLLER, TO HIRE MY FATHER AS AN ACCOUNTING CLERK. IT WAS A VERY ENJOYABLE EXPERIENCE TO HAVE WORKED WITH MY FATHER EVEN FOR SHORT WHILE. WE WENT TO LUNCH EVERYDAY AND SOMETIMES DINNER TOGETHER.

MY FATHER DIED FIRST, THEN MY MOTHER. THEY WERE BURIED ON THE SAME PLOT IN NJ. MY VERY GOOD AND LOVING BROTHER AND HIS FAMILY CONTINUE TO VISIT OFTEN OUR PARENTS' GRAVES.

ALTHOUGH I AM FAR AWAY, YET I ALWAYS THINK AND PRAY (INCLUDING SINGING "SILENT NIGHT," WHICH REMINDS ME OF OUR VERY HAPPY MOMENTS DURING CHRISTMAS EVE, IN THE KITCHEN, PREPARING FOR THE COMING OF OUR GOD, JESUS CHRIST) FOR THEIR SOULS, AS WELL AS THE SOULS OF ALL THE DEPARTED..

LOVE,
Ed

A very lovely sharing, Ed. Para kong nakikita at nailalarawan sa aking isip ang mga nakatutuwang karanasan ng iyong ama nang binata pa siya, mga gunitang natitiyak kong ibinahagi niya sa inyo (kaya ninyo nalaman); ang sama-samang awitan ng inyong pamilya; ang mga moments ninyong mag-ama nang kayo ay muling nagkasama diyan sa Amerika. Sumagi na ba sa iyong isipan, kung paanong ngayon ay sumagi sa akin, na pagdating ng panahon, maaalaala kaya tayo ng ating mga anak tulad nang pagkaalaala natin sa ating mga magulang? Did we build enough memories for them to go back to? And did we share with them memories of our “kabataan”?

It is my deep regret na kulang ang mga kaalaman ko sa nakaraan ng aking mga magulang, bagaman at maliwanag sa aking isipan ang mga moments kong kasama sila. Sa palagay ko naman, I have done my part in building memories for my children. Ang nais ko lamang mangyari sa ngayon ay ang huwag silang makadama ng kakulangan pagdating ng panahong nais nilang magkaroon ng kaalaman tungkol sa buhay at henerasyong ... ating kinabibilangan.


Na siyang dahilan sa likod nitong -


eve-estrella.blogspot.com

(At abangan ang iba pang sharing at isang BONUS na kwento, KATULAD NG KANYANG TATAY, para pa rin sa pagdiriwang ng Father's Day ngayong Hunyo.)





Saturday, June 19, 2010

WHAT MAKES A DAD

When I requested for sharings from readers of reminiscences of their fathers, I received the poem below from EVD, from an author unknown. It is one lovely poem and I felt I just have to translate it into Pilipino. I hope you will also find the translation as moving as the original.

WHAT MAKES A DAD

God took the strength of
a mountain,
The majesty of a tree,
The warmth of a summer sun,
The calm of a quiet sea;
The generous soul of nature,
The comforting arm of night,
The wisdom of the ages,
The power of the eagle's flight.
Then God combined
these qualities,
When there was nothing
more to add,
He knew His masterpiece
was complete,
And so He called it "DAD!"

(Author Unknown)

(Translated by Eve for this blog only)

Kinuha ng Diyos tatag ng kabundukan,
at sa punongkahoy ay kamaharlikaan,
ang masiglang init ng naghaharing araw.
Sa dagat na tahimik ay kapayapaan,
Buhay na mapagbigay ng saganang kalikasan;
mapagpalang bisig ng gabing mapanglaw,
At sa mga pantas ay katalinuhan,
Sa agila sa himpapawid ay lakas at tibay.

At lahat ng ito ay pinagsama-sama
Ng Diyos sa langit - kanyang Obra-maestra
Nang ito'y matapos at kanyang makita,
Kanyang pinangalanan,
Tinawag niyang
AMA.



Tuesday, June 15, 2010

HAPPY FATHER'S DAY



HAPPY FATHER'S DAY


Ang awit na Ito ni Eddie Fisher ang paboritong kanta tungkol sa mga ama noong araw.

Oh, my pa-pa, to me he was so wonderful
Oh, my pa-pa, to me he was so good
No one could be, so gentle and so lovable
Oh, my pa-pa, he always understood.

Gone are the days when he could take me on his knee
And with a smile he'd change my tears to laughter

Oh, my pa-pa, so funny, so adorable
Always the clown so funny in his way
Oh, my pa-pa, to me he was so wonderful
Deep in my heart I miss him so today.

Ngayon naman, ang You Raise Me Up ni Josh Groban ang gusto ng marami..

When I am down, and, oh my soul so weary
When troubles come and my heart burdened be;
Then I am still and here I wait in silence
Until you come and sit awhile with me.

You raise me up, so I can stand on mountains
You raise me up to walk on stormy seas
I am strong when I am on your shoulders
You raise me up to more than I can be.

Ang ikatlong Linggo ng buwan ng Hunyo ay itinalagang Araw ng mga Ama, bilang pag-alaala sa kanila. Sa ating mga Amang, Tatang, Tatay – na siyang kinagisnang tawag sa ating panahon (bagaman at may kilala akong ang tawag sa kanyang ina ay Inang, ngunit sa kanyang ama ay Daddy), isang paggunita sa panahong kasama natin sila, sa pagpapalaki nila sa atin, sa pagtaguyod sa ating pag-aaral, sa mga pagpapayo o sermon, na noon, marahil ay ayaw nating pakinggan ngunit sa ngayon ay natanto nating nakatulong sa pagtugpa natin sa sariling buhay at sa pagpapalaki naman sa ating mga sariling anak.

Sa araw ding ito bigla nating maaalaala na bigyang-halaga at pansin ang mga ama ng ating supling, na kayod sa paghahanap-buhay upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya. At sa panahong ito, mga OFW na nagtitiis ng pangungulila upang guminhawa ang buhay ng kanilang mga mahal sa buhay.

At kung ikaw naman mismo ang ama, ito ang araw na naghihintay ka na ng mga sorpresa ng iyong pamilya. Saan ka kaya ibo-blow-out ng iyong mag-iina? Kung maigsi ang pisi ni Mommy, baka sa food court ng mga mall ka dadalhin. Kung medyo may pera, restoran siguro. Kung talagang mapera, baka sa otel pa kamo. Kaya lang, kung walang-wala, sa bahay na lang, okey na ang fried chicken at pansit. Pwede na rin ang wala maski ano, basta batiin ka ng Happy Father's Day, ayos na rin.

Ano ba ang naaalaala ninyo sa inyong ama?

Istrikto ang aking Amang. Lumaki kaming isang tingin lamang sa amin, hinto na agad kami kung anuman ang ginagawa naming sa palagay niya ay mali. Isa siyang empleyado ng gobyerno at kinagisnan ko nang lagi siya sa mga destino, buwanan kung umuwi, at kung minsan, higit pa. Para din palang OFW kung tutuusin. Halos nagalugad niya ang kanortehan ng bansa – Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Abra, Isabela, Mountain Province kasama ang Baguio City, (kaya parang second language na niya ang Ilokano), Nueva Ecija, Pampanga at iba pang lalawigan na di ko na nalaman dahil di pa ako ipinanganganak noon.

Pinananabikan namin ang kanyang pag-uwi dahil marami siyang pasalubong. Ngunit natatandaan ko rin na may isa akong kapatid na kapag matagal na ang Amang sa bahay, ay gusto na rin niyang bumalik ito sa trabaho dahil sa kaistriktuhan.

Pero, ang nakatutuwa, marami sa aming magkakapatid ang nag-akalang siya ang paborito ng aming ama. Papa's pet, wika nga. Kaso, pare-pareho pala kaming may gayong pakiramdam, na kami ang paborito niya. Kung paano niya ginawa ito, ewan, just give him credit.

Natatandaan ko, ang ilang matatawag na bonding moments namin ng aking Amang. Ito ay ang pagtuturo niya sa akin ng isang kanta na waring sa akin lamang sa aming magkakapatid niya itinuro. Ganito ang lyrics noon:

Isang gabing tahimik, maliwanag ang buwan
Basang-basa pa ng hamog ang mga halaman
Dibdib ko'y may susi, pilit na bubuksan
Dahilan sa ganda mong kapita-pitagan.

Kapag kinanta ko ito ay kuntodo aksiyon pa. Inaakompanyahan niya ako sa gitara. Hanggang ngayon ay alam ko pa ito at balak ko namang ituro sa aking mga apo (dahil hindi ko naituro sa aking mga anak noon).

Tinuruan din niya akong tumugtog ng gitara at ipinagpagawa pa sa Pampanga ng isang gitara na tamang-tama lamang ang laki para sa akin. Matiyaga siyang naggupit at nagkolekta ng mga kanta sa diyaryo na may kasamang chord na gamit sa pagtugtog ng ukulele dahil naregaluhan naman ako nito ng aking kapatid na lalaki. At minsan, sinasabayan niya ako sa pagkanta, second voice siya.

Sa aking pagkakaalam, ako yata ang unang-unang nagkaroon ng fountain pen na parker 51 sa aming magkakaiskwela sa high school (pinaglumaan niya). Ang unang relo ko ay relong panlalaki na pinaglumaan rin niya, ngunit proudly, isinuot ko ito habang nag-aaral sa UE. Tanda ko pa ang tatak nito, Bulova.

Noong araw, kapag nakagalitan ang isang bata, bumibira ng siyam-siyam na iyak. Iyong iyak na tuluy-tuloy, na kalaunan, unti-unting humihina, na kapag napansin ng mga kasambahay na tumigil na, ay muling bibira ng iyak. Hindi ko ito naranasan, kasi, bihira akong makagalitan. At sa isang natatandaan kong pagkakataon na nakagalitan ako ng aking Amang, at umiyak ako, iyong tahimik na iyak (kawawa-epek, kumbaga sa ngayon), after a while, tinawag niya ako at binulungan. Tanda ko pa ang kanyang ibinulong noon sa akin: Punta ka sa aparador n'yo. Sa ilalim ng salansan ng damit mo, may pera akong bigay sa iyo. Ungol naman ako, ayokong maniwala, pero huminto na ako sa pag-iyak. Konti pang taboy at sinunod ko na rin siya. Tiningnan ko ang ilalim ng mga damit at nakakita ako ng dalawang piso! Dalawang piso nang panahong ang baon ko sa eskwela sa elementarya ay singko o diyes sentimos yata! Siempre, tuwang-tuwa ako.

Sa aming magkakalaro, kami ng aking kapatid ang unang nagkaroon ng laruang payong na yari sa papel at disenyong pang-haponesa. Natatandaan ko pa rin ang isang kilong ubas na hiniling ko sa kanya, minsang ako ay nagkasakit at tinanong niya kung anong pasalubong ang gusto ko. At ang bayad niyang singko bawat puting buhok na binubunot ko sa kanyang ulo. Kung paano ang paggamit ng chopsticks. Pagluluto ng french toast mula sa lumang pandesal. Sweet/sour dressing para sa pipino.

Sa aking paglaki ay bihira nga siya sa bahay, ngunit may katotohanan ang sinasabi ngayon ng mga child psychologists na malaki rin ang nagagawa sa upbringing ng mga bata ang quality time na ginugugol ng mga magulang sa piling ng mga anak. Ganoon marahil ang nangyari sa amin ng aking Amang. Ang dami kong natatandaang moments naming dalawa. Lalo na nang tin-edyer ako. Lumaki ako at dumalo sa mga sayawan o piknik o iskursiyon sa baryo na sanay na kasama sila ng aking Inang, pinapanood kami, na hindi kami naaasiwa. Nang nagtapos na akong magkolehiyo at nag-oopisina na, dumako naman kami sa mga exchange of ideas, mga diskusyon, mga debate.

Wala akong maalaalang seryosong pangangaral niya sa akin. Walang mga bawal. Walang mga huwag. And yet, if I may say so myself, kaming magkakapatid ay lumaki namang hindi nagpasakit ng kanilang ulo o nagbigay ng problema sa kanila. Anuman ang mga pagkukulang namin, hindi kami ang mga anak na maipagmamalaking mayaman, marunong, mataas ang pwesto sa opisina, tinanggap nila kami.

Lumaki kaming hindi maiinggitin, manapa'y ikinasisiya namin ang tagumpay ng iba. Ito ang leksiyong ipinamulat niya sa akin nang minsan, kaming magkakabarkada ay nagkukwentuhan tungkol sa isang hindi namin kagrupo at nagkomentaryo siyang naiinggit lamang kayo! At kung susuriin nga ang mga ganitong usapan, may katotohanan ang kanyang sinabi. I envy nobody, and nobody envies me – paborito niyang sabihin ito sa akin. At natutuhan rin namin ito. Respeto sa kapuwa, sa opinyon ng iba, at ang mabuting pakikitungo, lalo na sa mga taong kapos sa buhay.

May mga bagay na hindi rin niya naibigay sa akin. Mga pangakong hindi natupad. Tulad ng pangakong pair of skates na sinabi niyang ibibigay sa akin kapag nanalo ako sa oratorical contest noong elementary. Nanalo naman ako ngunit hindi pa rin niya ibinigay, delikado raw, baka ako mabalian. Bisikleta naman ang pangako niya kapag nanalo sa oratorical contest sa high school. Nanalo rin, pero wala rin, hindi rin naibigay, baka raw ako masagasaan. Ngunit sa kabila ng mga hindi natupad na pangako, wala akong sama ng loob sa kanya. Lalo pa ngayong naging magulang ako at nang hilingin ng aking mga anak na magkaroon ng bisikleta ay tumanggi ako, wala 'ikakong budget. Nang mag-pool sila ng mga savings at sinabing sila ang bibili, tumanggi pa rin ako. Sa kaparehong dahilan ng aking Amang: delikado, baka madisgrasya.

Marami pa akong anekdota tungkol sa aking ama. Hindi lamang bilang ama, kundi bilang tao. Istrikto siya, ngunit masayahin, mapagbiro, may lambing, na pambihira sa kanyang henerasyon. Nailalarawan ko pa siya sa kanyang puting-puti, plantsadong-plantsadong pantalong de hilo, amerkana at kurbata, at sambalilong habing Baliwag. Na sa mga kodakan sa family reunion ay laging nakakiling ang kanyang ulo at nakangiti ang mga labi ng ngiting pinalalabas ang kanyang dimple sa pisngi (na minana ko sa kanya).

Ayyy, masarap pagbalikan ang masasayang araw na iyon... at ngayon, kayo naman ang aking inaanyayahan na magbahagi ng gunita ng inyong mga ama. Again, let's make this interactive, tulad noong Christmas issue ng blog na ito kung saan ikinuwento ninyo ang inyong mga karanasan tuwing Kapaskuhan. Maganda ang feedback noon. At masaya. Nakatutuwang basahin. Kaya, sige na, share na kayo. Hihintayin ko... mahaba pa ang buwan ng Hunyo...



Sunday, June 6, 2010

P'WERA BIRO, HA?



P'WERA BIRO, HA?



NAKAHALUKIPKIP na pinagmasdan ni Neneng ang kanyang kaanyuan sa kaharap na salamin. Maganda siya, hindi sa pagmamayabang. Ngunit, masukal man sa loob, matapat din niyang inamin sa sarili, tumatanda na siya. Totoo iyon. Talagang tumatanda na siya. Ano pa ba'y liyebo tres na siya. Treinta anyos. Wala pang biyenan. At hindi dahil sa wala siyang manliligaw. Nagkakatibag, wika nga. Ngunit ang gusto niya ay si Orlan. Ang kanyang unang pag-ibig. Ang kanyang unang kasintahan.

Dinampot ni Neneng ang sepilyo sa ulo at wala sa loob, parang nanlalatang pinaraanan ang kanyang buhok. Unang kasintahan. Si Orlan. Napatawa si Neneng. Mapaklang tawa.

Ang totoo'y biruan lamang ang pinagsimulan. Biruan ng mga batang puso na tapat ang pagsasamahan, nang panahong bihira pang sumingit ang malisya sa mga usapan ng mga magkakaibigan. Sa isang pagdalaw ni Orlan sa kanyang kaserang tinutuluyan sa unang taon ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Ang simula.

“Ikaw nga Neneng, e matanong ko. Ilang taon ka na ba?”

Kinilingan niya si Orlan. “Hulaan mo.”

Nakangunot ang noong pinagmasdan siya ni Orlan. Hinawakan sa baba at itinagilid ang kanyang mukha. Muling iniharap. At itinagilid na muli. Pagkuwa'y umiling-iling. “Sa takbo ng mga kulubot mo sa gilid ng mata...”

Tinampal niya sa hita si Orlan. Bigla. At malakas. “Anong kulubot?”

Umiling si Orlan. At nangatlabi. “Ikaw, Neneng, e huwag mo kong matampal- tampal uli.”

Pumormal siya. “Orlan. Akala mo, isusumbong kitang talaga. Sasabihin ko ke Nanay, sabihin ke Ninang na masyado ka. Sa 'yo pa 'ko pinagbilin dito sa Maynila, lagi mo akong pinagagalit. Meron bang ganoon? Kinakapatid pa kitang naturingan.”

“Ganda mo pala Neneng pag nagagalit ka. Mukha kang sixteen.”

Talaga si Orlan. Hindi niya napigil ang hagikgik. “Talaga namang sixteen.”

Pumalatak si Orlan. “Sixteen pala, ha. Totoo ba 'yon?”

Tumango siya. At umusad nang upo si Orlan, palapit sa kanya. Bumulong. “Ikaw ba, Neneng, e, may manliligaw na?”

Tumaas ang kanyang kamay. Ngunit mabilis na sa pagsangga si Orlan. “Hep...”

Alam niya, mapulang-mapula ang kanyang mukha. “Kakainis... wala!”

“Totoong wala?” ulit ni Orlan.

Katakut-takot ang ginawa niyang pag-iling. “Talagang wala. Mamatay man.”

Si Orlan naman ang umiling. Isang katerbang iling. “'Kakahiya ka. Neneng. Ba't walang nanliligaw sa 'yo.”

Lumagapak ang palad niya sa hita ni Orlan. Na sinundan niya ng isang singhot. At singhot pa. “Sabi ni Nanay, narito 'ko sa Maynila para mag-aral. Hindi para magnobyo. Saka na raw 'yon. Darating daw 'yon.”

“Tama,” ayon ni Orlan. “Huwag kang makipagnobyo habang nag-aaral. Lalo't salbahe ang boyfriend mo, nakakasira talaga ng pag-aaral iyon. Pero ang itinatanong ko lang, e, bakit walang nanliligaw sa 'yo.”

Ipinadyak niya ang isang paa. “E, sa wala. Anong magagawa ko?”

Tumango si Orlan. “Tama. Wala ka ngang magagawa. Ang kaso, ako, e, talaga lamang na naaawa sa mga sixteen na, e, wala pa palang manliligaw.”

Pumadyak siyang muli. At suminghal. “Kung naaawa ka, e, di ligawan mo ko.”

Napalatak si Orlan. “Naunahan mo lang ako, Neneng. 'Yon na nga ang sasabihin ko sa 'yo, e. O, ano ngayon ang sagot mo sa akin?”

“Anong sagot?” tanong niya.

Itinirik ni Orlan ang mga mata. “Sa aking iniluluhog na pag-ibig.”

Umungol siya. “Sagot kaagad, wala ka pang sinasabi. Magtapat ka muna.”

“Siyanga, ano.” At tumaas ang kilay ni Orlan. “Bukas. Neneng, humanda ka.”

Ngumiti siya. “Hanggang bukas.”

Kinabukasan, may kumatok sa pinto ng silid nila. Ang boy ng kasera. “Bisita, Neneng. Si Orlan.”

Naramdaman niya, nag-init ang kanyang mukha, na hindi naman niya dating nadarama ng mga unang pagdalaw-dalaw ni Orlan sa kanya. Itinaboy niya ng kamay ang boy. “Sabihin mong maghintay.”

Nagpulbos siya. Matamang pinagmsdan ang sarili sa salamin. Maganda naman siya. Naisip niya, nagagandahan kaya sa kanya si Orlan. Kasunod niyo'y kinagalitan niya ang sarili. Biruan lang ito, Neneng. Biruan lang....

Nagbihis siya. At umikut-ikot sa harap ng salamin. At ngumiti. At lumabi. Tumawa. Umirap. Nang may kumatok na muli.

“Bakit?” , tanong niya sa nakasalubong na boy.

“Naiinip nang bisita mo, Neneng.”

Kinutusan niya ang boy. “Hayaan mo siyang mainip. Nanliligaw lang siya, marunong pa siyang mainip.”

“Uyyyyy,” tukso ng boy.

At nilabas niya si Orlan.

Tumayo kaagad si Orlan. “'Gandang hapon sa 'yo, Neneng.”

Kinagat niya ang kanyang labi. “Gandang hapon din sa 'yo, Orlan. Maupo ka.”

Hinintay ni Orlan na makaupo muna siya at saka ito naupo. “Neneng...”

“Ano 'yon, Orlan?”

Tumikhim si Orlan. “May sasabihin sana ako sa 'yo. Baka ka magalit.”

Ang pinipigil niyang tawa ay nakahulagpos din. Parang tubig sa isang bumigay na dam. Hahahahaha!. May padyak pa siya. Naku po, hahahahaha!

“Ano ka ba,” naiinis na tanong ni Orlan.

Itinaas niya ang kanyang kamay. Na mabilis na sinangga ni Orlan. “Ikaw kasi, ang arte mo...”

Binitiwan siya ni Orlan. “Naku, Neneng. Hindi ka nga maliligawan niyan . Napakagaan ng pingkok mo. Nakahampas ka agad. At kung makatawa ka, hindi mo man lamang tinatakpan ang bibig mo. Ang laki-laki. Kita na pati utak mo.”

Hindi na niya naitaas ang kanyang kamay. Hinawakan kaagad ito ni Orlan. Hinila niya ang kanyang kamay. At siya'y lumabi. “Hindi ko mapigil, pa'no.”

Umayos ng upo si Orlan. “Aba'y pigilan mo. Kung gusto mong ituloy ko ang pagligaw sa 'yo.”

Kahit biruan, gusto na rin naman niyang maligawan. Kaya umayos na rin siya nang upo. Iniladlad niya ang kanyang panyo sa kanyang kandungan. At itiniklop. Isa. At muling itiniklop. Dalawa. At isa pang tiklop. Tatlo. At isa pa. Apat. At muling iniladlad. At muling sinimulang itiklop.

I love you Neneng.

Napatigil siya nang pagtitiklop ng panyo. Nag-init ang kanyang buong pakiramdam. Bigla, parang tumahimik ang buong paligid. Nawalang lahat ang ingay. Ang tangi niyang naririnig ay ang mabilis na bog bog bog sa loob ng kanyang dibdib. Kaagad niyang tinutop ng palad ang tapat ng kanyang puso. Kanyang naisip, baka marinig ni Orlan.

“Nagalit ka yata, Neneng.”

Parang kumikinig ang tinig ni Orlan. Mabilis niya itong sinulyapan. Nakatingin si Orlan sa kanya. Nakangunot nang bahagya ang noo. Nakabakas sa mukha ang pag-aalaala. Serious ang hitsura ni Orlan. Parang nadala ng mga sinabi. Katulad din niya. Parang nadala siya ng mga narinig.

Ngumiti siya. Ang balak niya ay tumawa, kung bakit sa ngiti lamang natuloy. “Hindi. Bakit ako magagalit.”

Si Orlan naman ang ngumiti. “Salamat naman. Kung nagkataon, Neneng, hindi ko mapapatawad ang aking sarili.”

Ipinagpag niya ang hawak na panyo. Humalimuyak ito. “Bakit naman?”

Yumuko si Orlan. “Kasi, ayaw kong magalit ka sa akin. Dahil... dahil mahal kita, Neneng. Mahal kita, sana... sana'y mahal mo rin ako.”

“Mahal naman kita,” biglang sagot niya. Tumatalbog ang kanyang dibdib.

“Talaga?” nanulay ang tuwa sa tinig ni Orlan.

“Bilang isang kinakapatid,” at ngumiti siya.

Nagbuntong-hininga si Orlan. “Gusto ko sana'y bilang kasintahan.”

“Kailangang maghintay ka,” sabi niya.

“Nakahanda ako,” sagot ni Orlan.

At nalunsad ang biruang ligawan nila. Mayroon na siyang manliligaw. At sa kaserang tinutuluyan, may napuna ang marami sa kanya. “Alam mo, Neneng, gumaganda ka ngayon.”

“Etong singko,” sagot niya. Pero totoo. Napansin na rin niya iyon. Na gumaganda siya. At ito'y ayon sa salamin na kaharap niya. Totoo na parang laging kumikislap ang kanyang mga mata. At parang napakadali niyang mangiti. At bihira siyang mainis. Talaga marahil na gayon ang may manliligaw. Kuntento sa buhay. Lalo na at gusto ang manliligaw.

Si Orlan, akala mo tunay. “Kailan mo ako sasagutin, Neneng. Isang taon na mula noon.”

“Gusto kong matiyak ang aking sarili,” sagot niya.

“At natiyak mo na,” tanong ni Orlan.

Huminga siya nang malalim. “Natiyak ko na, Orlan.”

Biglang nagpormal ng mukha si Orlan. Pigil ang hiningang tumingin sa kanya. “Ano, Neneng, ano?”

Tumingin siya kay Orlan. Saka yumuko. At muling sumulyap nang pailalim. “Kuwan...”

“Anong kuwan?” Walang kangiti-ngiti si Orlan.

Hinarap niya si Orlan. At pinalaki niya ang kanyang mga mata. “Ano pa. E, di kuwan. oo.”

“Oo!” tumatawa si Orlan.

Tinakpan niya ng dalawang palad ang kanyang mukha. Bakit tumatawa si Orlan. Pinagtatawanan yata siya. Init na init ang kanyang pakiramdam. Na parang gusto niyang umiyak. Na hindi naman.

“Mahal kong Neneng...” inalis ni Orlan ang nakatakip niyang palad sa mukha.

Tumatawa pa rin si Orlan. Tumawa na rin siya. “Pero biruan lang, ha. Biruan lang, Orlan.”

Napalis ang tuwa sa mukha ni Orlan. Matagal na napatitig sa kanya. Pagkuway nagkibit ng balikat. “Aba, e, oo. Biruan lang.”

Sabay pa nang sila'y magbuntong-hininga.

Pero talagang masarap ang may boyfriend. Lalo't katulad ni Orlan na guwapo at magandang magdala ng damit. Palabiro at makwento. Mahusay makisama.

“Siya ba, Neneng?” tanungan ng kanyang mga kaiskwela.

“Oo,” sagot niya. Malay ba ng mga itong biruan lamang ang relasyon nila ni Orlan

“Mukha namang mabait,” ang sabihan.

“Pipili ba 'ko ng loko?” mabilis niyang sagot.

Minsan naman, kasabay niya si Orlan. Galing sa isang pagmimiryenda, may nakasalubong sila na ilang lalaking kakilala nito. Ipinakilala ni Orlan ang mga ito sa kanya. “Mga kaibigan ko, Neneng...”

“A, siya pala,” wika ng mga ito.

Napatingn siya kay Orlan. At tumango ito. “Alam nila, girlfrined kita.”

Kaya sila ni Orlan ay opisyal na magkasintahan sa lahat nilang kakilala at kaibigan sa Maynila. At sa loob ng apat na taon niyang pag-aaral, nagturingan silang magkasintahan. Sa pagsasamahan at pag-aalalahanan sa isa't isa. Sa pananalita. Bagaman at lagi pa, kapag nakikita niyang tumatawa si Orlan, kaagad niyang ipinaalaala na ang lahat ay biruan lamang. Kahit na para sa kanya, hindi biru-biruan ang damdaming iniuukol niya rito. Iniibig niya si Orlan. Tunay na tunay..

Hanggang magkausap sila ng kanyang ina. “Ibig mong sabihin sa loob ng apat na taong pag-aaral mo sa kolehiyo, kunwari'y boyfriend mo si Orlan?”

Paungol siyang sumagot. “Nagkalukuhan ho kami, Nanay. Kasi, naisip ko, ayaw ninyo akong maligawan habang nag-aaral. Ano pa ang pinakamainam kundi ang magkaroon ng boyfriend na kunwari lamang. E, di walang lumapit sa akin. Akala nila, di na ko pwede.”

Napailing ang kanyang ina. “Sabi ko lang naman, e bantayan ka. Di ko naman akalaing ganoon ang gawin ni Orlan. Kawawa naman iyong tao kung tutuusin. Biro mo 'yong hindi makaligaw kung may nagugustuhang iba dahil sa lumalabas na nakatali sa 'yo.”

Nagkibit ng balikat si Neneng. “E di ako rin, kawawa...”

Ngunit patapos ang salita ng kanyang ina. “Walang pinakamainam kundi makipag-break ka na kay Orlan. Siguro, matagal nang gusto ni Orlan na tapusin ang biruan ninyong iyan, nahihiya lang sa iyo. Kahit na nga biruan, kailangang sa babae rin magmula ang pakikipaghiwalay.”

Kaya kinausap niya si Orlan. At hindi naman ito tumutol. Anong sakit ng kanyang damdamin na sila ay nagkahiwalay. At sa loob ng mga sumunod pang taon ay pinilit niyang limutin ito. At hanapin sa marami niyang talisuyo ang mga katangiang natagpuan niya sa kinakapatid na naging kasintahan sa mahaba rin namang panahon. Ngunit walang nangyari, wala siyang napusuan. Hanggang daanan siya ng mga taon. Na hindi naman niya inalintana dahil sa ilang hibla ng pag-asa. Si Orlan ay wala pa ring asawa.

At ngayon, sa kanyang ika-tatlumpong taong kaarawan ay panauhin niya si Orlan. Si Orlan lamang. Dahil buo na ang kanyang pasiya. Isusugal na niya ang kanyang huling baraha. Bahala na kung walang mangyari.

Hindi niya matatanggap na tumandang dalaga dahil lamang sa isang biruan.

Kilala niya si Orlan. Papainan niya si Orlan.



ANG tarhetang kasama ng espesyal na pagkabalot na regalo ay sinulatan ni Orlan. Neneng, at nag-isip si Orlan. Mahal... kanyang isinunod. Maligayang kaarawan.

Ilang taon na nga si Neneng ngayon. Treinta. Oo nga. Treinta na si Neneng. Dahil trenta'y dos na siya. At kapareho ni Neneng, wala pa rin siyang asawa. Hindi dahil sa wala siyang niligawan na hindi siya nagustuhan. Ang totoo, siya ang gumagawa ng paraan upang siya ay makahiwalay sa nangaging kasintahan. Parang hindi niya matanggap na mapatali sa isang hindi naman lubos ang kanyang pag-ibig. Di tulad ng kanyang pag-ibig kay Neneng. Na kanyang kinakapatid . At naging kasintahan. Si Neneng. Napatawa si Orlan. Mapait na tawa.

Ang totoo'y biruan lamang ang pinagsimulan. Pikon si Neneng at siya naman ay mahilig magbiro sa pikon. Tinukso niya ito. Sixteen na, wala pang manliligaw. At sabi niya, ako e, talaga lamang na naaawa sa mga sixteen na e, wala pa palang manliligaw.

Nagalit si Neneng . Pumadyak pa. At suminghal. At kasabi-sabi. Kung naaawa ka, e di ligawan mo 'ko.

Alam niyang biro na anak ng galit ang sinabi ni Neneng. Ngunit ang bagay na iyon ay hindi niya pinalampas. Iyon ay isang pagkakataon na maluwag na ipinagkakaloob sa kanya ni Neneng. Isang pagkakataon na ni sa panaginip ay di niya akalaing darating sa kanya. Kaytagal niyang pinag-isip-isipan kung paano siya makapagtatapat ng sinisimpang pag-ibig sa kinakapatid. Na hindi niya magawa-gawa sa pag-aalangan sa kanilang kalagayan. At noon, sumapit ang pagkakataong iyon...

Kaya niligawan niya si Neneng. Biruan lang, sabi nito. Pero sa kanya, totohanan na. Alam niya, nahalata ni Neneng ang pagkinig ng kanyang tinig nang siya ay magtapat. Pero ang hindi alam ni Neneng, pati tuhod niya ay kumikinig.

Isang taon din niyang niligawan si Neneng. Biruang ligaw, sabi nga nito. Ngunit sa loob-loob niya, biro lang sa iyo, Neneng, pero darating ang araw, matututuhan mo rin akong mahalin. Tuturuan niya si Neneng.

Sinagot siya ni Neneng. Oo raw. At hindi niya napigil ang pagtawa upang ikubli ang katuwaan. Saka sinabi ni Neneng, biruan lang Orlan. At damang dama niya ang kirot na nilikha niyon sa kanyang dibdib.

Sila ni Neneng ay naging opisyal na magkasintahan sa mata ng lahat nilang kakilala at kaibigan sa Maynila. Malayo ang kanilang lalawigan at ang ganoong bagay ay madaling ipaglihim. Naisip niya noon, ipagbibigay-alam lamang niya ang kanilang relasyon ni Neneng sa kanilang pamilya kapag hindi na biru-biruan ang lahat.

At naging mabait siya kay Neneng. Laging nasa oras ang kanyang pagdalaw. At hindi pumapalya. Lagi pang may bitbit na pasalubong. Kahit ano lamang. Isang manggang hilaw. Isang supot na mani. Minsan ay tsokolate. Kadalasan ay kwintas ng sampagita o tinuhog na hasmin.

Umabot ang kanilang pagtitinginan ni Neneng hanggang sa panonood ng sine. Sine? Nagulat pa si Neneng. Natural, ang sagot niya. Mayroon bang magkasintahan na hindi nanonood ng sine?

Mabait naman siya sa loob ng sine. Hanggang dumating ang panahong magkahawak sila ng kamay ni Neneng habang nanonood. At hindi lamang iyon. Naging bahagi na rin ng kanilang pagtitinginan ang pagseselosan.

Si Neneng. Ay Orlan, sino 'yong kausap mo kangina?

Sagot niya, classmate ko, si Nora.

Sisimangot si Neneng. Classmate lang, very sweet kausapin.

Parang totoo kung magselos si Neneng. At nakikiliti ang kanyang puso. Kahit sinasabi ni Neneng pagkatapos, biro lang, Orlan... birong selos lang.

Ngunit sa kanya ay hindi na biro ang lahat. Talagang nagpapanting ang kanyang tainga kapag nakikita niyang may kumakausap kay Neneng. Ngunit wala naman siyang magawa. Nagdadalang-hiya naman siyang pagbawalan si Neneng na makipag-usap sa ibang lalaki. Dahil alam niya, hindi tunay ang kanyang karapatan kay Neneng.

Naisip na rin niya na magtapat kay Neneng. Na sabihin ditong totoo ang kanyang damdamin para rito. Ngunit nadaig naman siya ng takot. Takot na baka walang pag-ibig si Neneng sa kanya. Baka sa paghahangad niyang maging tunay na kasintahan si Neneng ay lalo pang mawala ito sa kanyang buhay. Kaya hinayaan na lamang niya na lumawig ang mga araw. Ipinasiya na lamang niyang ipaghintay ng magandang pagkakataon ang lahat.

Hanggang kausapin siya ni Neneng.

The party's over, it's time to call it a day... maganda ang tinig ni Neneng.

Hu... kanta na ba 'yan, tukso niya.

Aber, ikaw nga... lagi na, sa alin man nilang pag-uusap ni Neneng, pinapasok nito ang mga opening niya. Isang gawi na kumplementaryo sa kanyang ugali.

Ito ang boses. Makinig ka. At kumanta siya. Sinisinta kita di ka kumikibo akala mo yata ako'y nagbibiro, saksi ko ang langit sampu ng kanduro...

Hindi niya mawari ang mukha ni Neneng. Nakangiti ay para namang maiiyak. Nakuha tuloy niyang magpormal. Bakit Neneng. May problema ba?

Saka sinabi ni Neneng. Alam mo Orlan, naisip ko lang, Orlan, panahon na siguro...

Bigla ang dating ng pangamba. Panahon na para ano, Neneng.

Tumawa si Neneng. Kakaibang tawa. Ano pa? E, di panahon na para...para tapusin natin... ang lahat.

Ang lahat! Ang katal ng kanyang tinig ay pinilit niyang takpan ng pagtawa. Oo nga, ano. Biruan nga lang pala ang lahat.

Matagal silang hindi nag-imikan. Si Neneng, sa hindi nagbabagong ugali na pagtiklup-tiklop at pagladlad-ladlad ng panyolito. Siya, sa kanyang pagkakayuko at pagtingin sa dulo ng kanyang sapatos.

Neneng. Neneng. Parang puputok ang kanyang dibdib. Mahal kita, Neneng. Hanggang dito na lang ba tayo, Neneng. Wala bang halaga ang nakaraan nating pagtitinginan, Neneng. Hindi mo ba ako mahal?

At naisip niya, hindi makikipagkalas si Neneng sa kanya kung mahal siya nito. Marahil, may ibang mahal si Neneng. Si Noli, siguro. Ang kasama nito sa opisina. Halata niya, may gusto si Noli kay Neneng. Ngunit paano makaliligaw si Noli kay Neneng. Siya ang sagabal sa pag-ibig ni Noli kay Neneng. At ni Neneng kay Noli. a... Neneng...



Sila ay naghiwalay ni Neneng. At sa loob ng mga sumunod pang taon ay pinilit niyang limutin ito. Ang lambing ni Neneng ay hinanap niya kay Rosy. Ang hampas at kurot nito'y hinintay niya kay Cora. Kung ano ang bilang ng nababalitaan niyang manliligaw ni Neneng ay siya ring naging dami ng bilang ng kanyang nililigawan. Na ang iba'y napasagot niya na kalaunan ay nilayuan. Ang iba'y hindi nadala ng kanyang hindi totohanang panunuyo. Hanggang daanan siya ng mga taon. Na hindi naman niya inalintana. Dahil sa isang hibla ng pag-asa.

Si Neneng ay dalaga pa. Sa gulang na tatlumpong taon, si Neneng ay wala pa ring asawa. At ngayon sa kaarawan nito, siya lamang daw ang inanyayahan nitong panauhin. Mapapalampas ba niya ang ganitong pagkakataon? Buo na ang kanyang pasiya. Isusugal na niya ang kanyang huling baraha.

Kilala niya si Neneng. Papainan niya si Neneng.



NAKATAWA si Neneng. “Huwag mong sabihing nagdala ka pa ng regalo, Orlan.”

Umungol si Orlan. “Ano pang gagawin ko, e sinabi mong birthday mo. Kung di kita regaluhan, e di hindi mo ko pinatuloy.”

Lumabi si Neneng. “Ku, 'yan na nga bang sinasabi ko. Kung di ko pa sinabi at ipinaalalang birthday ko, kung di ko pa tinawagan sa telepono, hindi pa ako madadalaw. Puro iyong mga girlfriend niya ang inaasikaso.”

Nandilat ang mga mata ni Orlan. “Naku, pa'no naman ako makasisingit sa mga manliligaw mo. Nagkakatibag.”

Itinaas ni Neneng ang noo. “Natural, maganda yata ito.”

Itinirik ni Orlan ang mga mata. “Maganda pala. Kung maganda ka, ba't hangang ngayon ,e ,wala ka pang asawa?”

Nangurot si Neneng. “Ayaw ko lang.” At umirap. “Saka wala ka nang pakialam d'un.”

Tumango si Orlan. “Ano nga bang pakialam ko d'un. Ang kaso, ako e, talaga lamang na naaawa sa mga treinta anyos na, kulubot na ang mukha...”

Pumadyak si Neneng. “Aaa... Orlan...”

Tuloy pa rin si Orlan. “Kulubot na ang mukha, malapit nang malaos, e, wala pa ring asawa. Naku, kahabag-habag!”

Higit na malakas ang padyak ni Neneng. Kasabay na ang singhal. “Kung naaawa ka, e, di... e, di...”

“Pakasalan kita!” Mabilis na sapo ni Orlan.

Yumuko si Neneng. Mapulang-mapula ang mukha. “Orlan...”

At kumikinig ang tinig ni Orlan. “Kung tunay na mahal mo ako, Neneng... kung pumapayag ka lamang, Neneng, dahil mahal mo ako. Saka lang kita pakakasalan.”

Umiling si Neneng. “Pwera biro, Orlan...”

Tumango si Orlan. “P'wera biro, Neneng. Mahal kita. Naririnig mo ba? Talaga kitang mahal. Mahal mo ba ako?”

Umiling si Neneng. P'wera biro. Tumango si Neneng. Mahal kita, Orlan. Totoong mahal.

Tumawa si Neneng. At tumawa si Orlan.

At naisip ni Neneng, hindi rin nagkabisala ang kanyang pain kay Orlan. Kumagat din sa takbo ng kanilang pag-uusap.

At naisip ni Orlan, hindi pa rin siya nagkakamali sa pagkakilala kay Neneng. Kumagat din sa kanyang paing takbo ng kanilang usapan.

At halos sabay nilang naisip -

Kung nagbibiro ka man, pasensiya na lamang.
Hindi na kita pawawalan.


LIWAYWAY Agosto 2, 1971

Thursday, June 3, 2010

BUWAN NG HUNYO, BUWAN NG PAGPAPAKASAL


BUWAN NG HUNYO, BUWAN NG PAGPAPAKASAL


Tuksuhan namin noong araw, Hunyo na naman, wala pang biyenan! Na susundan ng lampas na ng kalendaryo, wala pa ring nangyayari! Na kahalintulad ng always a bridesmaid, never a bride!

Bago ang henerasyon namin, ang edad ng pag-aasawa ng mga magkasintahan ay naglalaro sa napakababata na disisais hanggang beinte, o sa tanggap na tamang edad na mula beinte uno hanggang beinte singko. Sa panahon namin, ang beinte seis hanggang beinte nuwebe ay sinasabing tamang edad na. Pero kapag sumapit na sa liyebo tres ang isang dalaga at wala pang nakikitang paglagay nito sa tahimik, natutukso na itong baka maiwanan ng biyahe!

Ngayon, kapansin-pansin na ang mga dalaga at binata ay waring hindi nagmamadali sa pag-aasawa. O kaya, ay nalulunsad sa pagpapakasal nang napakaaga, halos mga tinedyer pa lamang. Sa mga kwentuhan ng mga magulang, nababanggit ang mga anak na mid-thirties at early forties na, na ang iba ay may mga nobyo at nobya naman, ngunit mga walang balak magpakasal. Karaniwang dahilan, mahirap ang buhay, mahal magpaaral ng anak, walang matatag na trabaho, etcetera! O sa opinyon ng isang mapagmasid, ang mga bata raw ngayon ay takot sa responsibilidad. Iyong maaga namang nag-asawa na di tapos mag-aral at walang hanap-buhay, ay mga iresponsable naman.

Isa pang dahilan marahil kung bakit ang ilan ay hindi masugid magpatali ay ang maluwag na kalakaran ngayon ng mga relasyon ng mga kabataan. Na anumang bagay na noon ay natatamo lamang kung kasal na, ngayon ay madaling naibibigay nang paganoon na lamang. Isipin mong magka-textmate lamang, nag-eyeball, tuloy na sa panandaliang ligaya!

Kamakailan nga, may nagmungkahi na magkaroon ng expiration date ang pag-aasawa. Sampung taon yata! Nakupo, ano na ba ang nangyayari sa mundo? Kababasa ko lamang sa diyaryo, isang kilalang pulitiko sa USA, makikipadiborsiyo sa kanyang asawa pagkatapos ng halos apatnapung taong pagsasama. Bakit, iyan ang naitatanong ko. Tuloy hindi maiwasan ang mag-isip na hindi ngayon at matagal nang mag-asawa, ay ligtas na sa paghihiwalay! Ang ilang mga kabataang ikinasal nang mahusay at nasa edad, napabalita ring nagkani-kaniyang landas na. Bakit?

Good News: Isang June bride na kaibigan ko (congrats to Elsie and Tony) ay magdiriwang ng kanyang ika-limampung taong kasal sa 29th. Nitong mga nakararaang buwan, ilang kaibigan pa rin ang nagselebra ng kanilang golden wedding anniversary. Marami ring nagdiwang ng kanilang ikalimampung anibersaryo nang simpli lamang, pamilya lamang. At ito ay mga nabibilang sa amin at sa sinundan naming henerasyon. May ibig sabihin ba ito? Na matibay ang pagsasamahan noon? Bagaman at may nagkomentaryo, matiisin kasi tayo. Parang hindi magandang pakingan iyong matiisin, siguro ay mas mainam sabihing mapagpatawad!

Sapagkat buwan nga ng Hunyo ngayon, ang susunod kong kwento ay tungkol sa isang dalagang nangangarap mapakasal sa binatang kanyang minamahal. Makikitang sa bawat panahon, henerasyon man noon ng mga matiisin kuno at mapagpatawad, kapag gusto, nagagawan ng paraan!

P'WERA BIRO, HA?

Abangan!