Thursday, August 27, 2009

COMMENTS AND FEEDBACKS, AUGUST 2009


COMMENTS AND FEEDBACKS, AUGUST 2009



Nakatutuwa ang mga reaksiyon sa kwentong FRANK. Pero ang isang ikinahalakhak ko nang husto ay ang text ni Loreto, isang kaiskwela: Akala ko, ang kwento mo ay tungkol kay Frank Sacdalan! Si Frank Sacdalan po ay isa ring kaiskwela sa high school, ngayon ay kilalang mango magnate sa North Cotabato, ayon sa kanya, joke only, Frank! Pero totoo po ito, ayon sa isang isyu ng Panorama na may petsang Mayo 17, 2009.

Sabi naman ni Linda, barkada sa UE, ang namayapa na niyang asawa ay isang masugid na tagahanga ni Frank Sinatra. Kahon-kahon ang koleksiyon nito ng Sinatra tapes, kalaunan ay mga CDs na. Ugali raw nito ay isa-isang patugtugin ang bawat tape, kahit minsan isang taon, upang huwag manikit at mapanatiling maayos ang mga ito. Nang yumao ito, naligpit na nang husto ang koleksiyon. Pero ngayon, naisip niyang muling patugtugin ang mga ito, kahit minsan isang taon, tulad nang ginagawa ng kanyang asawa nang ito’y nabubuhay pa.

Kwento naman ng isang Frank Sinatra fan. Paborito raw ng kanyang mahal na asawa ang awit ni Frank na ALL THE THINGS YOU ARE noong magboyfriend/girlfriend pa lang sila. Pero, nang makasal na sila’y nalimutan na nito ang kanta. Alam mo’y ganyan naman talaga ang karaniwang kwento. Habang nasa ligawan period, naroon ang romance, nagkakantahan pa kayo sa isa’t isa. Kapag mag-asawa na, nabawasan na ito, kundi man, talagang lubusang nawala. Bakit? Ang bigay na katuwiran, ang lalaki ay abala na sa paghahanap-buhay para sa pamilya; ang babai ay abala rin sa mga anak at pamamahay at paghahanap-buhay pa rin. Pero, kailangan bang magkaganito? Huwag naman.

At narito pa ang ilang komentaryo tungkol sa kwento na kahit paano ay nagpaiba ng takbo ng araw ng mga nakabasa,

-Thanks mucho again! What a nice break from the regular e-mail forwards going around. We appreciate this thoughtfulness from you. Regards to all and will see you soon. (From J.)

(Salamat din sa pagsubaybay mo. Natutuwa akong natutuwa ka sa pagbabasa ng mga kwento ko. Looking forward sa muli nating pagkikita.)


-Emma (of the story) and I have things in common - we both dig Frankie and we share the same name. The similarity ends there - I don't have a "Mario" to sing Frankie's songs with....kay saklap! (From Emma)

(Wala kang “Mario” ngayon, ngunit marami kang “Mario” na pinalampas sa buhay mo. Come to think of it, mayroon pa rin namang mga “Mario” na kumakatok sa inyong pintuan ngayon, ayaw mo lamang buksan ito.)


-Actually, I have already read the kwento na Frank when I got this email and it really made me think. Frank Sinatra is very much a part of my life, from hs to UP to work where I met my husband who was also a die-hard. We exchanged long playing albums, lists & lyrics which became a core of our relationship up to marriage. Even our 3 children love many of his songs, can sing the lyrics themselves. Ginigising sila esp.during week-ends ng Frank Sinatra songs and the tunes pervade the air all day. It's no wonder that I avoided playing FS songs after he passed away because they make me sad, esp. when I'm alone. Pag may ibang tao I can listen without going to the melancholy mood. Kaya I can relate to your story. The only difference is that "Emma" has the one that links her to Frank. (From FCS)

(I am sorry to have set you in “that” mood, yet am very thankful to you for sharing your story. Frank Sinatra really did touch the lives of many of our generation.)


-Thank you. Incidentally I've been listening to Frank's CD for two days in a row. ESP yata.This Love of Mine was in first year Med. & we changed the words to "this grade of mine goes down & down”. His LP's & 45 records put me through med. school. I listened to him continuously IN THE EVENINGS while reading my next day's class work. The 45 of Close to You had With Every Breath I Take on its flip side. But among my favorites are: You'll always be the one I Love ,I'm a fool to want You, & These Foolish Things Remind Me of You.. Nanay said that they were swooning at him when she was in college at FEU in the mid 30's. Thanks again. (From Baby V.A.)

(All I needed pala was Frank Sinatra to hear from you. I’ve been wondering if you were reading my blog. Sa loob-loob ko, barkada ko pa ito, na inaasahan kong maiinteresadong malaman ang pinaggagagawa ko, e, wala man lamang ni ha ni ho. Buti at nagkausap tayo sa telepono, thanks Mon, at tuloy nalaman kong binabasa mo naman pala at ipinababasa pa sa iba, kaya lang ay talagang bisi ka sa mga medical mission ninyo. Ipagpatuloy ninyo ang magaganda ninyong gawain para sa mga kababayan natin. Mabuhay kayo!)


-Sayang, na-missed ko yung show ni Frank Sinatra sa Pinas nuon. Kung naroon ako, nakita ko sana sina Mario at Emma na magka- holding hands. Ka-inggit naman.. he he (From Claire)

(Na kaya pala nagho-holding hands ay “nag-a-alalayan” dahil mahina na ang mga tuhod. Pero hindi noong nag-concert si Frank sa Pilipinas, kundi sa panahon na ngayon. Ang sweet-sweet daw, yun pala’y takot madapa! Pero okey na rin ito, kaysa naman, lakad nang lakad si Mister at naiiwan sa likuran si Misis.)


-Favorite ko ang AUTUMN LEAVES at saka I'M A FOOL TO WANT YOU. (Rollie)

(Depende sa panahon, narito ang ilan sa mga paborito ko: Bewitched, Bothered & Bewildered, Day by Day, All or Nothing at All.)


-Ngayon ko lang nakita yung mail mo and I read your story of "Frank". I'm here in Ohio sa sis-in law ko kaya di ko agad nabasa. Your story brought back happy memories again nung ating kabataan at panahon ng mga Wackadoos, Ang saya natin nuon but they are just memories now. Salamat at naextra kami ni Lolly dun . I can picture yung mga outings with your uke at ang masasayang biruan. Thanks for the memories. And again may you enjoy your day with your family. Regards and God bless. (From Cora)

(Yes, thanks for the memories! Ngayon, isa ito sa mga hobbies ng ating generation. Going down memory lane. May nabasa akong minsan, na ganito more or less ang isinasaad: Forget the Past, they are like cancelled checks; Don’t think of the Future, they are like promissory notes; Concentrate on the Present, they are like CASH ON HAND/IN BANK. Ito naman ay para sa mga taong may masakit o madilim na lumipas na hindi maka-move on, wika nga. Pero sa tulad natin na kahit paano ay biniyayaan ng short memory sa mga pangit na nakaraan, at masasabi nang payapa ang ginalawang daigdig sa ating kabataan, pwede nang palagiang maglunoy sa batis ng gunita ng nagdaang panahon… habang patuloy sa pagbuo ng mga bagong magagandang alaala sa kasalukuyan. Sa piling ng mga anak, sa pag-aalaga ng mga apo, sa pagdalo sa mga high school at college at family reunion at siempre, sa pakikinig ng mga lumang awitin!)


-Eve…..here we go again! Nostalgic memories of the past, by way of Frank’s mga awitin. Tandang- tanda ko pa nang my husband was nagpapa-charming at aaligid- aligid, top tune yong “Strangers in the Night” , eh di ayon, naging love song namin.
Whoever is Vic (fictional or a friend ) pina-isip nya ako ng husto. Akala ko “ ULDAWI” is a regional lingo…ay engot talaga ako. I like a story that has a funny side to it, hindi puro serious matters. Keep writing! (From Sylvia)

(I will keep writing, thank you for saying so! At abangan mo lang, marami rin akong mga kwentong nakatatawa.)

Wednesday, August 26, 2009

A LETTER TO SHARE

A LETTER TO SHARE


Hi Ms. Eve,

For your possible interest...this will bring you more ideas in writing, a showcase of your skills, opportunity for interaction with other writers as well...

The Writer's Bloc, Inc., an independent group of emerging and established playwrights, invites interested parties to join its regular reading sessions of new plays every other Sunday afternoon starting August 2, 2009.

Plays read and discussed during these sessions will be considered for presentation in the group's numerous activities, like the annual Virgin Labfest and for future publication initiatives.

The Bloc also offers playwriting workshops to interested groups and institutions. The Sunday sessions, however, are free of charge.

For inquiries, please e-mail Rody Vera or Alvin Dacanay at thewritersblocinc@yahoo.com.ph or writersblocinc@gmail.com.

Good luck,
Miles Bernal

A LETTER FROM A FAN



A LETTER FROM A FAN


Dear Eve:

Kababasa ko lang ng FRANK, ang kuwento mo para sa buwan ng Agosto. Napukaw nito ang pagiging fanatic ko kay Frank Sinatra, na talagang idol ko buhat pa noong aking kabataan. May hihigit pa bang mang-aawit sa kanya? Ang nangyari tuloy, naghalughog ako ng mga trivia tungkol sa kanya. Share ko ito sa ‘yo.

1. Ang tunay na pangalan niya ay Francis Albert Sinatra. Ipinanganak noong December 12, 1915 at namatay noong May 14, 1998. Ipinahayag ang kanyang kamatayan sa website niya habang kinakanta ni Frank sa background ang SOFTLY AS A LEAVE YOU.

Softly, I will leave you softly
For my heart would break
if you should wake and see me go

So I leave you softly, long before you miss me
Long before your arms can beg me stay
For one more hour or one more day
After all the years, I can’t bear the tears to fall
So softly, as I leave you there.
(Softly, long before you miss me)
(Long before your arms can beg me stay)
(For one more hour) or one more day
After all the years, I can’t bear the tears to fall
So, softly, as a I leave you there
As I leave you there
As I leave you there.

2. Apat ang naging asawa niya: Una si Nancy Barbato at sila ay nagkaroon ng tatlong anak, sina Nancy, Frank, Jr. and Tina; pangalawa si Ava Gardner; pangatlo si Mia Farrow, at pang-apat si Barbara Marx na nanatiling asawa niya hanggang mamatay si Frank.

Si Ava marahil ang “pag-ibig ng kanyang buhay”; ito rin ang “pinaka- maalon” sa buhay niya bilang may-asawa. Devastated siya nang maghiwalay sila, at dito isinilang ang awiting I’M A FOOL TO WANT YOU.

I’m a fool to want you, I’m a fool to want you
To want a love that can’t be true
A love that’s there for others too
I am a fool to hold you, such a fool to hold you
To seek a kiss, not mine alone
To share a kiss the devil has known
Time and time again I said I’d leave you
Time and time again, I went away
But there would come a time when I would need you
And once again these words I have to say
Take me back I love you
Pity me I need you
I know it’s wrong, it must be wrong
But right or wrong, I can’t get along
Without you.

3. Bagama’t sikat siya noong pang 1940’s, nangulimlim ang kanyang bituin noong 1950-51. Ginawa niya ang pelikulang FROM HERE TO ETERNITY, kasama niya sina Burt Lancaster, Deborah Kerr, Montgomery Clift, Donna Reed at Ernest Borgnine. Ginampanan niya ang papel ni Angelo Maggio na palaging inaasar ni Sergeant Fatso Judson, papel ni Ernest Borgnine. Nag-away sila – matinding suntukan. Nabugbog nang husto si Frank, nguni’t lumaban siya at natalo si Ernest Borgnine. Tinanghal na best picture ng 1953 ang FROM HERE TO ETERNITY. Best supporting actor naman si FRANK SINATRA at best supporting actress si DONNA REED. Sumikat, mangyari pa ang awiting batay sa pelikula ang pamagat:

You vowed your love, from here to eternity
A love so true, it never would die
You gave your lips, gave them so willingly
How could I know your kiss meant goodbye
Now I’m alone with only a memory
My empty arms would never know why
Though you are gone
The love that you left with me, the endless desire
Will live from here to eternity.

4. Hindi niya gusto ang rock and roll at si Elvis Presley. Kalaunan, isinaplaka rin ni Frank ang LOVE ME TENDER na original na awitin ni Elvis.

5. Paboritong anak ni FRANK si Nancy Sinatra. Isang awit ang nilikha niya para sa anak; NANCY WITH THE LAUGHING FACE. Naging mang-aawit din si Nancy at gumawa sila ng isang plaka na duet sila. Ito ay ang SOMETHING STUPID.

6. Isa rin siya sa napakaramong recording artists na nagsaplaka ng awiting OVER THE RAINBOW (hindi SOMEWHERE THE RAINBOW). Ang awiting ito ang pinili bilang Song of the Century ng Recording Industry Association of America at pinili rin ng American Film Institute bilang greatest song of all time:

Somewhere over the rainbow, way up high
There’s a land that I dreamed of in a lullaby
Somewhere, over the rainbow skies are blue
And the dreams that you dare to dream
Really do come true.
Someday I’ll wish upon a star and wake up
When the clouds are far behind me
Where trouble melts like lemon drips
Away up high the chimney tops
That’s where you’ll find me
Somewhere over the rainbow
Skies are blue
And the dreams that you dare to dream
Really do come true.
If happy little birds fly beyond the rainbow
Why, oh why, can’t I?

7. Bagama’t daan-daan ang mga kantang isinaplaka ni FRANK, the song he is most associated with is MY WAY, na itinuturing na “national anthem” niya, wika nga. Ang awiting ito ay sinulat ni Paul Anka na inspired naman ng French “Comme d’habitude” (“As Usual”)

8. Noong 1940’s, ang mga tagahanga ni Frank ay mga teen-agar na babae na tinatawag na bobby soxers (ang katawagan ay batay sa mga isinusuot nilang medyas na karaniwa’y puti at hanggang bukong-bukong.)

I hope Frank Sinatra fans of our generation find the above trivia interesting.
Thanks and congratulations for your stories. Needless to say, ibinabalik ng mga kuwento mo ang napakaraming alaala.

Best regards.
Rollie E.

Saturday, August 1, 2009

KWENTONG “FRANK”

KWENTONG “FRANK”

Para sa mga fans ni Frank Sinatra, minabuti kong idagdag sa naka-post ngayon ang ilang selected lyrics ng mga awit na nabanggit, na wala noon sa orihinal na nalathala. Kaya, pwede ninyong awitin o ihuni ang mga ito habang nagbabasa.

Lalo sigurong maganda, kung habang binabasa ninyo ang kwento ay magpatugtog kayo ng CD ni Frank, para okay ang ambiance.

Ito naman ay mungkahi lamang, kung gusto ninyong pagtibayin,
‘ekanga ng mga taga-Malolos.

Salamat po !!!

FRANK

FRANK


Ang napakahabang pila ng mga tao sa harap ng Folk Arts Theatre ang unang napansin ni Emma pagbaba niya ng taksi. Isa sa kaliwa, isa sa kanan. Ang tinungo niya ay ang gitnang entrada ng tanghalan at ipinakita ang kanyang tiket sa sumalubong na guwardiya.

“Blue ticket. Side bleacher ho ito. Mamili na kayo kung sa’n n’yo gusto, kaliwa o kanan. Mas maigsi yata ang pila sa kaliwa,” wika ng guwardiya.

Tinungo ni Emma ang kaliwang pila ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad ay napatigil siya. At kanyang naisip. Paano malalaman ni Mario kung saan siya pumasok. Kung sa kaliwang side bleacher o sa kanan. Dangan kasi… ang hinanakit ay kirot na nadama ni Emma.

Si Chita, isang kaibigan buhat pa sa mga araw niya sa dormitoryo sa may Recto Avenue, Azcarraga pa noon, ang tumawag sa kanya tungkol sa concert.

“Hoy, Emma, darating si Frank Sinatra!” at tumili si Chita, ng pamilyar at hindi nagbabagong tili nito.

“Talaga? Akala ko, lokohan lang yan.”

“Hindi. Tutoong-totoo ito. Kaya lang, ang mahal ng tiket. Nagtanong na ko sa SM. Walang five hundred du’n. Mula one thousand lang ang binebenta. 1000.00 pesos! Diyos ko! Pero Emma, kayang- kaya mo yan,” tuluy-tuloy, humahangos sa pagsasalita si Chita, ang dati pa ring si Chita.

Darating si Frank Sinatra! Si Frank Sinatra ng kanilang kabataan. Ng panahon ng kanilang pag-aaral. Sila nina Chita at Angeling at Chabeng sa UE. Sina Puring, Femme at Lor sa CEU. Si Frank Sinatra ng mga araw ng pagtira sa St. Catherine’s Ladies Hall, ang korteng kahon ng posporong dormitoryo na pinamamahalaan ni Ate Nene na taga-Cabiao. Si Frank Sinatra na ang mga awit ay theme song ng bawat magnobyong nagbubulungan sa sala ng dormitoryo tuwing oras ng pagbisita. Hindi niya nakakalimutan, naulinigan niyang kinakantahan ni Ernie si Lita, isang kasamahan sa kuwarto. I’m a fool to want you. I’m a fool to need you at tinukso niya si Lita. “Ay, tutoo nga, he’s a fool,” at kinurot siya nito.

Tinungo ni Emma ang kaliwang pila. Naisaloob niyang malapit ito sa dagat. Hindi naman naka-aircon ang Folk Arts at medyo mahangin sa gawing ito. A, bahala na kundi sila magkita ni Mario. Ang nagbabangong sama ng loob ay pilit niyang iwinaksi. Nginitian ang babae sa kanyang harap.

“Favorite mo rin ba si Frank Sinatra?”

Napatawa ang babae. “Gusto rin ho. Pero sinamahan ko lang si Mommy.”

Buhat sa likuran ni Emma ay may narinig siyang nag-uusap. Sa tingin ko lang, ang average age ng mga manonood ngayon, e singkwenta.

May sumagot. Baka higit pa. Isipin mo namang seventy eight na si Frank Sinatra. Mantak mong ilang dekada na yang kumakanta.

Totoo iyon, naisaloob ni Emma. Bata pa siya ay kinakanta na niya ang mga awit nito, itinuro sa kanya ng kanyang tatay. Sa saliw ng ukulele. This love of mine, goes on and on. Though life is empty since you’ve been gone… at damang-dama na niya ang tema ng awit nito kahit hindi pa niya malay umibig.

Masasabing walang isang panahon si Frank Sinatra. Manapa’y lahat ng panahon ito. Nasa high school siya, sa gusaling nasa gilid ng MacArthur highway, malapit sa kapitolyo ng lalawigan, sa lilim ng malaking puno ng akasya, kasama ang mga kabarkadang sina Adela, Aida, Fely at Violeta, bigay-damdaming lagi nilang kinakanta ang isang awit ni Frank Sinatra na paborito nila. You’ll never know just how much I miss you. You’ll never know just how much I care. And if I tried I still couldn’t hide my love for you…

Nasa kolelhiyo siya nang maimbitahang minsan sa isang Frank Sinatra party. Ginanap iyon sa silong ng malaking bahay ng kaniyang titser sa piyano sa kanilang bayan. Tandang-tanda niya, malakas ang ulan noon, ang kasama niya ay ang pinsang si Conching na taga-Guiguinto. At kahit may kuryente ay walang sindidong bombilya sa pinadarausan ng parti. Panay ilaw lamang ng kandila ang nagbibigay ng liwanag. Napaka-romantic, biruan nga. Habang mula sa hi/fi, panay naman ang awit ni Frank Sinatra. I think of you with every breath I take, and every breath becomes a sigh… at haba ring cheek to cheek na nagsasayawan ang lahat.

Sa kantina sa UE, habang kumakain sila ng pansit nina Linda at Hilda (nasaan na kaya sila?), Regia at Oscar (akalain ba niyang ang dalawa pala ang naging magkapalaran), at Tony C. (si Tony, bilyunaryo na raw, hindi na maabot, may insurance company na, may memorial park pa, bukod pa sa kung anu-anong negosyo), at haba ring pinag-uusapan ang paborito nilang professor sa cost accounting na si Doroteo Pasion, ang pinakikinggan naman nila mula sa jukebox ay Uldawi, sabi nga ng pilyong si Vic. Win sambadi labs yo, its nu god anles he labs yo…

Kapag weekend, sa pag-uwi sa probinsiya para magpalaba at kumuha ng sanlinggong panibagong isusuot, tuloy pa rin ang kantahan ng barkada nilang wack-a-doos na sina Azon at Lolly. Ang kanta ni Lolly, Come to me my melancholy baby, cuddle up and don’t be blue, All your fears are foolish fancies, maybe, You know honey, I’m in love with you… na sa palagay niya, kilala niya ang pinatutungkulan. At si Azon naman ay I’m going through the impatient years, the years when the days seem twice as long… Iyon ang panahong hindi alam kung saan papunta ang buhay. At siya. Ano nga ba ang kinakanta niya noon? Kapag nagkakaseryosohan na iyong dalawa, binibirahan yata niya ng sinisinta kita’y di ka kumikibo.. at natutuloy sa halakhakan ang lahat.

Sa dormitoryo, sa Room Four, ang pinakamaingay na kuwarto ayon kay Ate Nene, nagkakagulo naman sila sa ibabaw ng kama ni Lita, dahil wala si Lita at nasa opisina, hawak ang songhits, kani-kaniya sila nang pagsosolo. Si Angeling, ang kanta’y I’ve got you under my skin, I’ve got you deep in the heart of meayaw namang sabihin kung sino ang pinatutungkulan.

Si Puring ay Love and Marriage. Con todo arte pa. Go together like a horse and carriage…

Si Lor ay All of Me… why not take all of me Si Femme ay Three Coins in the Fountain. Which one will the fountain blessSi Chita ay Tender Trap. Si Chabeng ay Close To You.

At siya, ang lagi niyang kinakanta ay Someone To Watch Over Me.

There is somebody I’m longing to see,
I hope that he turns out to be,
Someone to watch over me…

Si Mario, ang someone na iyon, nakilala, naging kaibigan sa simula, nanligaw, kalaunan, naging kasintahan. Naging regular na bisita sa dormitoryo. At tulad ni Ernie kay Lita, kinantahan rin siya. Mahina lang, halos pabulong.

Just in time, I found you just in time.
Before you came my time was running low
I was lost, the losing dice were tossed
My bridges all were crossed, nowhere to go
Now you’re here and now I know just where I’m going
No more doubt or fear I found my way
For love came just in time, You found me just in time
And changed my lonely life that lovely day.

Habang sa kabila ng manipis na dingding ng Room One na katabi ng sala ay humahagikgik na nakikinig sina Angeling at Chita.

Ilang taon pa at ikinasal sila ni Mario na dinaluhan ng mga kasama sa dormitoryo, puwera si Angeling na dahil tapos nang mag-aral ay hindi na niya nasundan kung nasaan. Laking hinanakit nito, nalaman niya kalaunan. At sa kanyang buhay may-asawa, kaalinsabay pa rin niya ang mga awit ni Frank Sinatra. Habang sinusulsihan niya ang punit na polo ni Mario ay mahina siyang umaawit.

For once in my life I have someone who needs me…
Someone I’ve needed so long
For once unafraid I can go where life leads me
And somehow I know I’ll be strong…

At nang isilang niya ang una nila anak, habang nasa ospital siya, sa isang kuwartong single occupancy pero hindi aircon, sa Mary Chiles hospital, natimo sa kanyang isip ang isang awit ni Frank Sinatra na kinakanta ng kung sino sa kalaliman ng gabi, sa may labasan…

Strangers in the night exchanging glances.
Wond’ring in the night What were the chances,
We’d be sharing love before the night was through
Something in your eyes was so inviting
Something in your smile was so exciting
Something in my heart told me I must have you…

Nasundan ang kanilang anak ni Mario, nagsilaki ang mga ito, nag-aral. Tumigil siya nang pagtatrabaho, tumaas ang tungkulin ni Mario, nagkakotse sila, at mula sa apartment ay lumipat sa sariling bahay. Natapos sa pag-aaral ang mga bata, nagsipaghanap-buhay at ilan sa mga regalong tinanggap niya sa mga ito kung pasko at kaarawan niya ay mga plaka at tapes ni Frank Sinatra. Kaya lamang, sa pagdaraan ng mga taon, napuna niyang nag-iisa na lamang siyang nakikinig dito.

Alam niya, walang iba, walang ikatlo, ngunit laging wala si Mario. Bisi sa trabaho. Mga miting na dapat daluhan. Mga sosyalang hindi maiiwasan, minsa’y kasama siya, minsa’y hindi.. mga seminar, out of town. Conferences sa ibang bansa. Alam niya, dama niya, wala siyang dapat ikabahala. Kaya lang, parang wala nang panahon sa kanya si Mario. Natigil na ang paglabas-labas nila. Ang panonood ng sine at play ng repertory. Ang mga kwentuhan.

Naputol ang daloy ng gunita ni Emma. Lumalakad na ang pila. Luminga-linga siya, umaasang makikita si Mario. Sabi nito. Akina ang tiket, susunod na lang ako sa iyo. Pipilitin kong makaalis agad sa miting.

Ang sama ng loob niya. Alam niyang hindi sentimental si Mario, na karaniwan sa mga lalaki, pero iba ito. Si Frank Sinatra ay bahagi ng kanilang nakaraan.

Pagdating sa bleacher, inilapag ni Emma ang dalang pamaypay at bag sa kanyang tabi, bilang tanda na may uupo roon. Umaasa pa rin siya. At ang matagal na paghihintay sa pagsisimula ng concert ay hindi napuna ni Emma dahil sa pagtingin-tingin sa mga tao. Nang awitin ang pambansang awit, nakadama ng panlulumo si Emma. Papatayin na ang ilaw, paano pa siya makikia ni Mario?

Sinipat ni Emma sa dalang munting binocular ang mga tao sa entablado. Si Raul Manglapus at ang grupo nitong The Executive Band. Naalala niya. Isa sa mga anak nilang lalaki ay gusto sana niyang pangalanan ng Raul na ang ispeling ay Raoul, pero ayaw ni Mario. Pangalan kasi ng boss nito’y Raul.

May singit pang kanta si Eddie Mercado, bago si Lea Salonga. A, si Lea. Na isa sa mga inawit ay On My Own mula sa Les Miserables. Ang kauna-unahang Broadway play na napanood niya sa New York. Sa kagandahang loob ni Angeling. Si Angeling ng dormitoryo days niya na isa nang immigrant sa States, nakatira sa Jackson Heights sa Queens, kasama ang roommate na si Pining, kung saan siya tumuloy nang nagtour siya sa States. Nag-tour nang mag-isa dahil kahit kasama sa gayak si Mario ay hindi nakasama sa tulak. Dahil na naman sa trabaho. At sa malaking inis, kahit takot siyang magbiyaheng mag-isa, tumuloy na rin siya. At nag-enjoy rin naman, salamat kina Angeling at Pining.

Nang buksan ang ilaw para sa intermission, muling lumingap-lingap si Emma. Nang hindi makita si Mario ay binalingan ang katabi, ang mag-inang nasusundan niya sa pila. Kinausap. Kung saan pa uuwi. Pinag-usapan rin nila si Frank Sinatra. Baka mag-collapse, buti nang first day sila manood, kasabay pa si Presidente Ramos. Habang naiisip niya, malabo nang dumating si Mario. Baka hindi nakaalis sa miting. O baka nasa kabilang side bleacher. Very funny, sa loob loob niya.

Nang may magsalita sa tabi ni Emma. “May nakaupo ho ba rito?”

Lumundag ang puso ni Emma. Inalis niya ang nakalapag na pamaypay. “Meron ho, pero, alang-alang sa inyo.”

Ngumiti si Mario. Naupo. Ngumiti rin si Emma, nilinga ang asawa. “Bakit dito ka nagpunta? O nanggaling ka na sa kabila?” birong tanong niya.

Si Mario. “Hindi aircon ang Folk Arts, kahit sinabi pang ipapa-aircon. Para sa show na ito. Siyempre, mas malamig sa gawing dagat. Kaya, alam kong itong kaliwa ang pipiliin mo. Am I right. Or am I right,” nakataas pa ang kilay na tanong nito.

Nakangiting inirapan ni Emma ang asawa. Nagkakatugunan pa rin pala sila ng isip ni Mario. Sa kabila ng panahong wari ay hindi sila nagkakaulayaw. Namuno sa kasiyahan ang kaniyang puso. At nang patayin ang ilaw sa loob ng tanghalan, nang isigaw ang pangalan ni Frank Sinatra, na sinalubong ng masigabong palakpakan at hiyawan ng mga tao, nang simulang awitin nito ang Come fly with me, let’s fly, let’s fly away …

naramdaman ni Emma na mahigpit na ginagap ni Mario ang kanyang palad, halos hindi pinakawalan sa buong oras ng pagtatanghal, binibitiwan lamang para pumalakpak.

At nadama niya, parang bumalik ang mga taon.


Oktubre 17, 1994, Liwayway.